Chapter 16

615K 20.3K 6.1K
                                    

TOTOO ba iyong sinabi ni Just Lander? Papatayin na niya ako? Dahil na iyon sa ginawa ko kay Chandra?


Nangilid ang aking mga luha habang nakatitig sa nakatutok sa akin ang baril. Ang sabi niya, kapag kinalabit niya raw ang gatilyo nito ay sasabog ang bao ng ulo ko. 


Ayaw ko pang mamatay!


Marami pa akong gustong makita. Ayaw ko pang mamatay dahil gusto ko pa syang makasama!


Tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha. "J-Just Lander... 'wag naman..."


Lumapit pa sya sa akin hanggang sa dumikit sa aking noo ang dulo ng kanyang baril. Saka ko lang naamoy na amoy alak sya.


Pumikit ako sa gitna ng aking pagluha. "J-Just Lander, ayaw ko pang mamatay..."


"Papatayin na kita, Aviona Camille," sabi nya. "Hindi mo ako mapipigilan."


Nagulat ako dahil tinawag nya akong Aviona Camille. Jack ang pangalan ko at hindi Aviona Camille!


Humikbi ako. "A-aviona Camille?"


Umigitng ang kanyang panga. "Ang totoo mong pangalan– Aviona Camille Montemayor."


Ha? Seryoso ba sya? Pwede pala iyon? Magpalit ng pangalan? 


Umiling ako. "P-pero Jack ang pangalan ko... A-ayaw ko ng Aviona Camille Montemayor... masyadong mahaba..." napasinghot ako. "P-pwede ba maging kapangalan ko na lang si Lola Peach... para sana astig– "


"Shut up!"


Pumaling ang ulo ko. "A-ano iyong shut up?"


Tinalikuran nya ako at napasabunot sya sa sariling buhok. "Fuck! Fuck!" sigaw nya.


Nanatili syang nakatalikod sa akin. Matagal syang walang kibo bago muli sya nagsalita. "Isa kang Montemayor, Aviona. Isa sa pinakamayamang angkan sa asya na nakalaban noon ng ama ko sa oil business."


Montemayor? Ako? Hindi ako tao? Montemayor ako?!


"Ipinagkait ko sa 'yo ang isang magandang buhay na dapat sana ay tinatamasa mo ngayon dahil inilayo kita sa tunay mong pamilya."


Hindi ko siya maintindihan. May tunay akong pamilya?


Nagpatuloy siya. "Ipinadakip kita noong limang taong gulang ka pa lang. Ikinulong kita sa isang kwarto na kinamulatan mong akala mo'y isang tirahan."


Hindi ko na maampat ang aking mga luha habang nakikinig ako sa mga sinasabi nya. Katulad kasi ito ng mga kwento sa akin ni lola Peach na tungkol sa isang prinsesang ikinulong sa isang kulungan mula noon bata pa hanggang sa magdalaga. Kinukwentuhan ako noon ni lola ng ganito.

His Indecent Proposal: Lander MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon