BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)

21.5K 312 83
                                    

A/N: Dahil nag-aalala kami ni Diwata na baka mayroong mga hindi nakabasa ng bonus chapter na ito sa FB… nilagay na rin namin dito :D Eto ang edited/full version ng POV ni Mark. Paki-click na rin ang external link sakaling hindi niyo pa nababasa ang POV ni Kuya J na pinsan naman ni Louie :D

Minsan-minsan lang ako saniban nang bongga ng isa sa mga Kuyang Pelaez kaya pinagbigyan ko na ^_^

====

'Yung nasa meeting ako sa opisina nang makatanggap ako ng GM galing kay J. May blind item pang nalalaman. Pero na-curious ako. Bunsong babae at bunsong lalaki? I bet, si Louie ang tinutukoy niyang bunsong babae. Bakit naman siya magkakainteres kay Charlotte eh madalas nga niya akong lokohin dahil hindi naman daw mukha o kilos babae ang bunso namin. At dahil tineks niya ako, I assume may kinalaman sa pamilya ko ang tinutukoy niyang 'bunsong lalaki'.

Pero sino dun? Si Charlie ba? O ang ampon naming si Hiro? Ahahaha. Siyempre alam kong si Mason ang tinutukoy nila. Sinabi sa’kin dati ni J na hinatid ni Mase si Louie dati pagkatapos nung prom nila. Naghinala na ako noon, pero magaling magtago ang isang ‘yon kaya kailangang caught in the act. Kaya nung nakita naming tinitigan niya ‘yung mga pictures ni Louie sa resort nila sa La Union, alam na.

At dahil gusto kong mang-asar, iba ang tineks ko kay J.

To: J

Bunsong babae at bunsong lalaki? Louie at Charlie? Louie at Hiro?

From: J

Mark, who the hell is Hiro? It's Mason, you dumbass!

Pfft. Oo nga pala, what made me think na kilala nila si Hiro? Napakambyo ako at binasa ko ulit 'yung message. Tangena! Is this in real life? Or is this a fantasy? Si Mason?! Dumadamubs na?

Teka, so ‘yung sinabi niyang group project kaninang sinundo ko si Charlotte bago ako sumunod sa team meeting with a client— PUHAHAHA. Nako, nalusutan ako ni Mase para kitain si Louie?!

Pero...

... under the Acacia tree... drinking C2 Red ...

Major face palm naman, Mase. Sa dami-dami ng pwedeng dating place, sa ilalim pa talaga ng puno ng akasya? Baka naman higadin sila don, ma-badshot pa ang kapatid ko. Tsk. Maturuan nga ng mga sure-fire killer moves si Mase ‘pag nagkita kami. Hindi pwedeng ganito. Ang ganda ng lahi namin tapos makikita siyang nakikipag-date sa ilalim ng punong akasya? Sa lakas ba ng tama niya, naghallucinate na ba siya at inisip na Cherry Blossom tree ‘yun?

Pero kahit papa’no, napangiti ako. Naalala ko kasi 'yung nursery rhyme. Magawan nga ng version ang kapatid ko. 'Mason, Louie sitting on a tree. K.I.S.S.I.N.G'. Send ko muna kay J for confirmation.

From J:

bago pa makaisa si Mason kay Louie, baka lasog-lasog na ang katawan ng kapatid mo -_-

From A DistanceWhere stories live. Discover now