Bye Emerald City

597 14 6
                                    

Nag sipag uwiaan na ang mga tao.

"No.14"

Napatingin ako kung sino yung tumatawag sakin si WMS No.1 pala.

"Ano nga pala name mo? kasi kahit anong bangit ng pangalan dito sa war e di maririnig ng ibang school. Pag di kayo same ng school, number at school name lang ang maririnig," sabi niya.

"Ah kaya pala, pero saan mo nalaman yun?, " tanong ko.

"Sabi ng teacher namin. Hindi ba sinabi sa inyo? ," tanong niya.

"Hindi yata or di ko lang narinig," sabi ko.

"Ok. By the way ako nga pala si Lily," iniabot niya yung kamay niya.

"Steven!," sagot ko at nag shake hands kami.

Umalis na si Llily.

Tumingin ako sa bandang kanan. Nakita ko si lolo kumakaway.

Agad-agad akong pumunta kay lolo para mag bless.

"Ang galing mo apo," sabi ni lolo.

"Salamat po, salamat din po dahil nakapanood kayo ng laban ko," sabi ko.

"Wala yun apo tutal malapit naman kami dito," sabi ni lolo habang may dinudukot sa bulsa.

Kumuwa ng pera sa wallet si lolo "oh, eto reward ko sayo," sabi ni lolo sabay bigay sakin ng 1000 gold.

"Thank you po"

"O sige alis na ko apo"

"Bye po," nag paalam na ko kay lolo.

Pinalapit na kami ng teacher namin may aanounce yata samin.

"Dapat bandang 5:00 pm nasa ship na kayo alam niyo naman kung nasaan yung ship natin diba?," sabi ng teacher namin.

"Opo," sagot ng lahat.

"4:00 pm na pala pwede pa kayong maglibot-libot pero wag kayong lalayo dahil baka maligaw," sabi ng magic teacher namin. "Lagi kayong tumingin sa paligid or magtanong kung anong oras na sa mga makakasalubong ninyo," pagpapatuloy ni teacher.

"ok po"

Naglibot-libot na ang iba kong kasama.

Biglang lumapit si Lily.

"Uuwi na ba kayo?," tanong niya.

"Hindi pa, kayo uuwi na kayo? ," tanong ko.

"Di pa," sagot ni Lily.

"Anong oras kayo uuwi?"

"4:30"

"Mauuna pala kayo sa amin," sabi ko while smiling.

"Tara gala muna tayo," sabi ni Lily.

"Pero ........ sabi ng teacher namin wag na daw kaming lalayo," sabi ko habang naka nod.

Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi.

"Malapit lang yun,"

"Pero baka maligaw tayo," sabi ko habang  nakayuko.

"Di yan"

Bigla niyang hinablot ang kamay ko at tumakbo, "Wag ka magalala alam ko tong lugar na ito malapit lang yun."

Sa totoo lang natatakot na ko. Paano kung masama pala si Lily?, paano kung may masama siyang balak sa akin?

"Lily hinto muna tayo bibili ko nun map dun," nakaturo ako doon sa nagtitinda ng map.

"Sige"

Nakabili na ako ng map. Grabe ang laki talaga ng Emerald city.

"Tara na," aya ni Lily.

Magic AcademyWhere stories live. Discover now