Snobber

409 14 6
                                    

Steven's P.O.V

Tinetake ko na ngayon ang exam sa Filipino. Ang isa sa mga topic na kasama sa exam ay ang tungkokl sa kayarian ng Pang-uri.

Isulat kung anong uri ng kayarian ng pang-uri ang mga sumusunod.

Inuulit 1. Tataba

Payak 2. Luha

Payak 3. Liit

Maylapi 4. Malaki

Tambalan 5. Biglang - Yaman

Hindi ko alam kung tama yung mga sinagot ko.

"You may now pass your test paper if you're done answering," sabi ng adviser namin.

As usual ako lagi ang nahuhuli. "Una na kami Steven," sabi ni Shaira.

"Sige"

Nag break na sila samantalang ako ay nagsasagot pa rin.

Natapos na rin ako mag exam sa Filipino. Lumabas na ako ng room para kumain. Nung nasa canteen na ako ay nakita ko si Kate. "Hi Kate!," bati ko pero di niya ako pinansin.

Habang kumakain ako mag isa sa canteen ay nag review na rin ako para sa next na i e-exam namin.

Pagbalik ko sa room ay nakita kong nag rereview sila Ben, "Steven sali ka."

Kumuwa na ako ng upuan at nakisali na rin sa pag rereview nila.

Dumating na ulit yung adviser namin at nag exam na kami sa English.

Makalipas ang isang oras ay natapos ko na rin yun exam. Sakto lang naman yung exam sa English, hindi mahirap at hindi rin naman madali.

"Steven kanina ka pa kami nag hihimtay sayo," sabi ni Kaye na medyo maiinit na ang ulo.

"Sorry natagalan," sabi ko.

Papunta kami ngayon sa isang fast food chain. Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin si Kate. "Hi Kate!," bati ko.

Nagtagpo yung mata namin pero di siya kumibo.

Di ko alam kung ano ba nagawa ko sa kanya bakit di niya ako pinapansin.

"Huy!"

"Huy!"

"Steven!"

"Ikaw oala yan Leanna," Sabi ko.

 "Mukang malalim yata yung iniisp mo? Di mo pa ginagalaw yung pagkain mo oh. Ano ba iniisip mo?," tanong niya.

Kinain ko na yung pagkain ko.

"Guys kita-kita nalang bukas," sabi ni CJ.

"Sige," sabi namin.

Pagkatapos ay naghiwahiwalay na kami at umuwi sa kanya kanya naming bahay.

Nung nasa bahay na ako ay pumunta na ako sa kwarto ko para magreview sa exam bukas.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ginawa ko kay Kate. Bakit di niya ko pinapansin?

Kate's P.O.V

"Hi Kate!," sabi ni Steven pero di ko siya pinansin.

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namin siya.

"Hi Kaye!," bati ni Steven.

Nagkatinginan kami pero di ko siya kinibo.

"Kate bakit di mo naman pinapansin si Steven?, May kasalanan ba siya?," tanong ng friend kong babae.

"Hindi ba niya napapansin?," sabi ko.

"Na ano?, Umanmin ka nga crush mo siya no?," sabi ng friend kong babae.

"Oo!"

"So di niya napapansin na may crush ka, ganon?," sabi niya na nag iba ang tono ng pananalita. "Siguro dahil din to dun kay WMS No.1 ng War Academy?"

"Oo pareho!" napalakas ko ang pagkakasabi.

"Friend tumutulo na luha mo o," sabi niya.

"So ano gusto mo mangyari? Magtatampo ka ng hindi niya alam ang dahilan?," napakunot siya ng noo. "Eh paano kung tanongin ka niya kung bakit di mo siya kinakausap, ano isasagot mo?"

"Basta ako na bahala," sagot ko.

"Ok!"


Magic AcademyWhere stories live. Discover now