Fourth Quarter

507 20 0
                                    

"Simula ngayong araw ay fourth quarter na," sabi ng adviser namin. "Dalawang buwan nalang tayong magsasama-sama pero marami pang mangyayari sa dalawang buwan na natitira," pagpapatuloy ng adviser namin.

Kita ko sa muka ng mga kaklase ko ang tuwa dahil malapit na magbakasyon pero kita rin sa muka ng iba ang lungkot.

"Dahil fourth quarter na, magsisimula na rin ang election para sa mga new batch of Campus Royalties," sabi ng adviser namin.

Campus Royalties? Ano kaya yun?

"Kaye!" 

"Ano yun Steven?" sabi ni Kaye.

"Ano yung Campus Royalties? ," tanong ko.

"Ah. Yun yung mga magiging leaders next school year, lagi silang pair. Isang lalaki at babae."

"Okay," sabi ko.

"Tapos nahahati yun sa apat. Campus King and Queen (President), Campus Prince and Princess (Vice President) , Knights (Male officers), at Fairies (Female Officers)."

"Ok! Ngayon ko lang nalaman yan. Tapos?"

"Bawat Grade level ay iba ang tinatakbuhan. Pag Grade 7 and 8, they're running for Knights/ Fairies tapos pag Grade 9 Campus Prince/ Princess, at pag Grade 10 Queen/King," pagpapaliwanag ni Kaye.

"Ok Salamat sa information," sabi ko.

"You're welcome," sabi ni Kaye.

"Since absent teacher niyo sa A.P hiniram ko muna time niya," sabi ng adviser namin.

Nag discuss na ang adviser namin. Ang topic namin ay cells. "Ok! Class dissmissed," sabi niya.

"Oy may tatakbo na ba sa batch natin?" tanong ni Benji sa isa naming kaklase.

"Wala pa yata," sabi nung kaklase ko.

"Mahirap maging candidate para sa Campus Royalties," sabi ni Leanna.

"Bakit?" tanong ko.

"Kasi may tatlong criteria na kailangan mo maipasa, pero pwede namang dalawa lang," sabi ni Leanna.

"Tara na sa canteen," sabi ni Ben.

Tinuloy namin ang usapan ni Leanna. "Ano yung tatlo na yun?" tanong ko.

"Eto po yung sukli," sabi nung nagtitinda at kinuwa ko naman agad.

"Una: Kailangan Marunong ka or Magaling ka na leader, Pangalawa: Kailangan magaling ka gumamit ng magic, at Pangatlo: Kailangan maganda or gwapo ka"

"Seryoso!" muntikan ko na maidura yung juice.

"Oo pero kahit dalawa lang naman dun qualified ka na," sabi ni Leanna.

Pati looks kasama

Tapos na kami kumain. Pag daan namin sa hallway may mga posters na nakapost.

Vote! Nel Ace Flores

for Campus King 

Tapos may picture niya at may nakasulat pa na tagline sa baba. "Di ko pag lalaruan boto niyo, Trust me!"

Vote! Nikki Danica Alfonzo

for Campus Queen

Ganon din kaso walang tagline. Ang ganda niya sobra. Ang cute nung mata niya singkit tapos ang puti tapos basta ang ganda niya.

Maraming poster pa ang nakalagay pero walang pictures yung iba.

"Bye na," sabi ni Riana.

"Sige," sabi ni Ben.

Magic AcademyWhere stories live. Discover now