Everything is clear now

396 15 11
                                    

Steven's P.O.V

Day 2 ng exam ngayon. Sa wakas ay malapit na akong malapit na akong matapos sagutan itong exam namin sa A.P.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako mag sagot.

Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit galit sakin si kate kaya pumunta na ako sa room nila.

Kumatok ako sa room nila. Bumukas ang pinto.

"Bakit, Steven?," tanong ni May. Kaklase niya pala yung mga member ng White Phantom.

"Si Kate ba nandiyan?," tanong ko.

"Oo. Wait tatawagin ko lang."

"Sige"

Kate's P.O.V 

"Kate tawag ka ni Steven," sabi ni May.

"Sige," sabi ko. Umalis na si May.

"Uy friend ayan na!," sabi ng kaibigan ko na magkahalong excited at kilig ang expression. "Ano sasabihin mo sa kanya pagtinanong ka niya kung bakit di mo siya pinapansin?"

"Ako na bahala!," sabi ko.

"O bilis lumabas ka na. Naghihintay yun at malamang mag rereview pa yun para sa next exam," sabi ng friend ko.

Agad-agad na akong lumabas sa room namin. Pag-labas ko ay nakita ko nga si Steven naghihintay.

"Steven sorry nga pala kung di kita pinapansin kahapon wala lang talaga ako sa mood."

"Ah. Yun nga dapat tatanong ko sayo eh. Eh bakit ka naman ba wala sa mood kahapon?," tanong niya habang nakangiti.

"A........Eh........Eh kasi ang hirap nung exam kahapon," palusot ko.

"Ah, kaya pala. O sige una na ako ha, di pa kasi ako kumakain," sabi ni Steven.

"O sige," sabi ko.

Umalis na siya at ako naman ay pumasok na sa classroom para mag revi--

"Hoy Kate! Narinig ko yung sinabi mo. Sinungaling ka," sabi ng friend ko. "Aaaaa......ARAY, masakit."

"Tumahimik ka nga eh ano gusto mong sabihin ko?, umamin ako ganon?," sabi ko sa mahinang boses.

Nangigigil na ako dito ang ingay.

"Oo na pero please, wag mo na nga akong kurutin. Masakit. Sobra."

Itinigil ko na ang pag-kurot sa kanya. Nag review nalang din ako.

Steven's P.O.V

Sus yun lang pala. Kala ko naman kung ano na nagawa ko.

Habang kumakain ako ay nagrereview na rin ako sa science dahil medyo mahirap ang exam dun.

Makalipas ang 20 minutes ay nagsimula na ang exam sa science.

Stranger's P.O.V

"Babe eto na yung mga books na kailangan mo," sabi ko. Nilapag ko na sa table yung mga books.

"Thank you babe." Bigla siyang lumapit sa akin at pinisil pisil yung cheeks ko, "Cute mo talaga." Hinayaan ko nalang siya naglalambing eh.

Nilapit ko yung muka ko sa kanya hanggang sa mag ka nose-to-nose na kami, "Talino mo talaga babe. I didn't think that you will come up with this kind of plan."

"Ako pa ba? , Syempre matalino ang girlfriend mo," tinangal niya ang pagkakahawak sa cheeks ko at bigla niyang pinalupot ang braso niya sa balikat ko.

I kissed her on her cheeks.

"Mamaya na!, gagawin ko na yung ritual," she said in a sweet voice.

"Okay," sabi ko.

Steven's P.O.V

"Sa wakas natapos na rin ako sa exam. Yahoo!"

======================================

Author's note

Thanks po sa mga patuloy na nagbabasa ng Magic Academy sana po ay subaybayan nyo po hanggang sa huli. Yun lang po.

Kinikilig ako dun sa dalawang mysterious character HAHAHA. Gusto niyo na ba silang makilala?

soon.......

  ======================================  

Magic AcademyWhere stories live. Discover now