An In Depth History of Magic

759 6 2
                                    

Steven's P.O.V

Sa wakas ay tapos na rin ang second day ng exam. Ngayon ay magsisimula na ang botohan para mahalal ang mga nararapat sa pusisyon para mamuno sa susunod na school year.

"Hawak ko na ngayon ang mga balota," sabi ng adviser namin habang yakap-yakap ang mga balota. "Paalala ko lang sa inyo na iboto ninyo yung nararapat. Yung sa tingin ninyo ay kayang mamuno, hindi yung iboboto ninyo dahil sikat o kaya naman gwapo o maganda lang sila"

Ibinigay sa amin ng teacher namin ang mga balota. Simula ng marinig ko ang mga plano nila para sa school ay alam ko na kagad kung sino ang iboboto ko."

Campus King: Dominic Chad Nioko 

Campus Queen: Nikki Danica Alfonzo

Campus Prince: Carl Velasquez

Campus Princess: Misqua Raquedan

Knight (Grade 8): CJ Alvarez

Fairy (Grade 8): Riana Geniova

Knight (Grade 7): Van Mortez

Fairy (Grade 7): Aqua Ventura

"Pagtapos na kayo bumoto, ilagay ninyo sa table ko ang balota ninyo at pwede na kayong umuwi," sabi nung adviser namin.


Narrator: Gamit na gamit na sa panahon ngayon ang magic ngunit saan nga ba talaga ito nagmula?

Ang mga kapangyarihan na ito ay nagmula sa diyos na si Vista. Matagal na panahon na ang nakakalipas, siya ay nagbigay ng mga magic sa mga piling tao. Ang mga magic na ito ay tinatawag ngayon na Natural at Creature magcic.

Ang diyos na si Victa ay nagpakita sa panaginip ng mga taong kanyang napili na bigyan ng magic at sinabi sa kanila na ipalaganap nila ang magic.

Ang mga napili ni Vista ay nagtipontipon at doon nagsimulang mabuo ang 'Magic Officials.' Ang mga Magic Officials na ito ay nagbahagi ng kanilang mga magic at inilagay ito sa malaking bilog na gawa sa glass. Bawat magic ay mayroong ganito. Sila ay kumukuwa ng kaunting pursyiento ng magic at ginagawa itong mga magic stones. Ang mga magic stones na kanilang nagagawa ay kanilang binena sa mga paaralan. At doon nabuo ang mga paaralan na MWA, MFA, WWS, WMS, at MPA.

Kalaunan, gumawa na rin sila ng mga Magic gun, bow, at mga armas na nilagyan ng magic. Gumawa na rin sila ng mga arrows, bullet at iba pang gamit at doon nabuo ang tinatawag na Weapon magic.

Sa paglipas ng panahon ay napalitan na ang mga Magic Officials ngunit ang mga napiling tao na binigyan ng magic ni Vista ay mananatili sa kasaysayan.

Marami ng magic ang nagsulputan ngayon ngunit marami pa ring mga magic ang hindi nadidiskubre. Ang iba sa kanila ay mga magic stones na ginawa ni Vista at kinalat sa iba'tibang lugar.

Safron's P.O.V

235 years na pala ang nakakalipas simula nang magkaroon ng magic sa mundo, matagal na taon na rin pala akong nabubuhay.

Naging saksi ako sa lahat ng mahahalagang pangyayari at buong kasaysayan ng magic.

Flashback

"Safron! Safron!" Tawag ng diyos na si Vista sa napakalaking boses.

"Bakit po?" Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya ako tinawag at bakit siya nagpakita sa panaginip ko.

"Dahil ikaw ang pinakamahusay na magic officials sa lahat ng mga nabigyan ko ng magic, bibigyan kita ng iba pang magic at ikaw ay magkakaroon ng mahalagang misyon"

Labis akong natuwa dahil sa aking narinig. "Salamat po. Ano pong misyon iyon panginoon?"

"Bago ko sabihin sayo iyon, sasabihin ko muna ang magic na ipagkakaloob ko sa iyo," sagot ng panginoon na si Vista.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon