Chapter 3

11.7K 37 40
                                    

JERI'S POV

"Hello sa'yo.. Ako nga paLa si Jeri Villacruz.. I'm from San Juan, La Union.. Pero sa Manila talaga ako lumaki at nag-aral ng elementary hanggang highschool. Napagpasyahan kasi ng Mama ko na dito na lang tumira sa probinsya.. Mas tahimik daw kasi ang buhay.. Malayo sa guLo at krimen.. Hindi gaya sa Maynila. Magulo.. Sikat ako sa schooL namin. Lapitin ako ng mga babae.. Mga HINDI KO GUSTONG BABAE.. Oo, hindi ko gusto.. Siguro pareho Lang kami ng pinsan kong si Ray.. Lapitin din ng babae yun eh.. Sikat din sa internet.. Sa lahat ng pinsan ko, siya lang talaga ang tinuring ko na parang sariLi ko ng kapatid.. Mag-isa din kasi siyang anak e.. Kagaya ko .. Magkasosyo ang tatay namin sa negosyo namin sa Paris.. Tagal na din nilang di umuuwi.. Naalala ko pa nun.. Nag-away kami ni Ray.. Yun na siguro ang pinakamatinding naging bangayan namin.. Alam niyo kung anong reason? BABAE. Lapitin kami ng mga babae pero hindi kami yung tipo ng lalaki na nambobola ng mga babae. Kung magmahal kami WAGAS. Kumbaga, LOYAL .. Nag-away kami dahiL sa iisang babae.. Nagkasuntukan at nagkasagutan pa kami nun eh.. Pero nung nagLaon nagkabati din kami.. At ipinangako namin sa isa't isa na hinding hindi na kami magmamahal ng parehong babae. KAILANMAN. Pero alam ko malabo ng mangyari yun.. Siya nasa Maynila, ako nandito sa La Union.. Hinding hindi na siguro mauuLit yun.. MALABO NA. Speaking of pagmamahal, may mahal na din pala ako.. Crush lang ba? Hindi eh. MAHAL KO NA SIYA.. Simple lang siya.. Di gaya ng ibang babae na kung magmake-up ay parang pokpok na.. Siya kunting lipstick lang at pulbo ayos na.. Pero kahit ganun, ang ganda ganda pa rin niya.. Pangalan niya? BIELA ARMEDA."

Maagang pumasok si Jeri. Ayaw na niyang magkaroon ng punishment. Puro ganun na lang kasi evey week eh. Late kasi siya lagi sa flag ceremony. Pagkapasok pa lang niya sa gate ng school eh nakita na niya si Biela.. Ang kanyang pinakamamahal na si Biela..

"Yayain ko kaya siyang lumabas mamayang gabi? Alam ko tatanggi na naman siya.. Pero wala namang mawawala kung susubukan kong yayain siya ulet..", sa isip na lang niya..

Lumapit siya kina Arnie at Biela.. Nakita niya paalis na ang mga ito at pupunta na sa quadrangle para sa flag ceremony pero sumigaw siya at tinawag niya ito..

"BIELA! WAIT!!"

Tumingin ito sa direksyon niya habang palapit siya dito.. Nakita niyang nawala yung ngiti sa labi nito na kinalungkot naman niya..

“Oh, bakit?”, sabi  nito sakanya na hindi man lang ngumingiti..

"Kaya ko to.. Sana lang pumayag siya..", nasabi niya sa isip niya..

"“Ito naman, nakasimangot ka agad eh.. Are you free tonight? Let’s go out and have a date..”, mukhang kampante na lang niyang sabi kahit kinakabahan siya.. Alam naman niya di ito papayag eh.. Ay.. HULA lang pala. ..

“DATE?! TONIGHT? Eh, hindi eh.. Madami akong gagawing assignments and projects..”, sabi nito na hindi man lang tumitingin sakanya..

Nagtaka siya.. Anong assignments? Projects? Eh kakasimula pa lang ng sem nila ah tapos meron na agad sila nun? Imposible naman. Alam ko ayaw lang niyang sabihin pero ayaw niyang lumabas kasama ako..

“Assignments? Projects? Eh kakasimula pa lang ng sem meron agad? Ow c’mon..”, sabi na lang niya na nakangiti..

Hahawakan na sana niya ang dalang libro ni Biela ng biglang sumigaw si Arnie.. Kaibigan nitong BINABAE,

“TARA NA BIE! TAGAL TAGAL MONG  BRUHA KA!!”, 

Tumingin siya kay Biela at nagtama ang paningin nilang dalawa..

“Ah.. Eh.. Sige Jeri.. Time na eh .. Babye..” binigyan siya ito ng pilit na ngiti at tska tumakbo na palapit kay Arnie..

Nakita niyang pumunta na ito sa line ng section nila.. Habang siya naman eh naglalakad na rin papunta sa line ng section nila. Ewan ba niya kung bakit ganun na lang kung makailag sakanya si Biela.. Gusto niya ito. Gustong gusto.. Mahal na din ata eh. Sakanya lang siya nakaramdam ng ganito. Hindi naman siya torpe.. PERO NATOTORPE NA SIYA KAPAG SI BIELA NA ANG PINAGUUSAPAN. Ganito ba talaga kapag crush? Ay. MAHAL NA PALA. 

Gagawin niya ang lahat magkaroon lang ng pagtingin din sakanya si Biela. Liligawan niya ito. Pero natotorpe siya. Basta, liligawan niya ito. Mahirap na baka maunahan pa siya ng iba..

Di naman niya siguro magiging karibal si Ray ngayon. IMPOSIBLE. Ang layo ni Rayley. Himala na lang kung magkakakilala pa sila ni Biela.

Habang kumakanta ng Lupang Hinirang mga tao sa paligid niya, siya eh nakatitig lang kay Biela. As usual, nakaponytal lang ito. Kunting pulbo at lipstick. NAPAKASIMPLE. Pagtingin niya sa mga classmate nito, puro kolorete sa mukha meron ang mga ito.. 

"Ibang iba ka talaga Biela. Ibang iba.."

"Okay, students.. You can now proceed to your classrooms..", narinig niya na sabi ng Dean nila.. 

"Tapos na pala ang flag ceremony.. Buti na lang wala ng punishment.."

Pagtingin niya sa kinaroroonan ni Biela wala na ito.. Sayang, gusto lang niya gawin buong maghapaon eh titigan ang napakagandang mukha ni Biela..


Internet and Text Love AffairWhere stories live. Discover now