Chapter 18

5.4K 32 86
                                    

RAYLEY'S POV

Lumabas na siya.. Naglakad-lakad na lang siya sa garden. Di na niya kasi kaya yung nakikita niya eh. Mas lalo siyang nagsisisi. Mas lalong naipapamukha sakanya ang katangahang ginawa niya.. Ang magpaubaya. 

Kalahating oras na rin siguro siya sa garden ng may tumikhim sa likuran niya.. Pagtingin niya, nakita niya si Biela..

"Oh, bakit ka napunta dito?",sabi niya dito..

"Bakit? Masama bang lumabas?", sabi nito na pataray pa..

"Hindi naman sa ganun pero baka makita ka ni Jeri.."

"Masama bang makipag-usap sayo? Sabagay, baka magselos girlfriend mo.."

"Wala akong sinasabing ganyan! Mabait si Alexa. Hindi yun magseselos sa mga bagay na ganito lang..!"

"Ah.. LANG.. Sabagay.. Kaya ka nga nag-iwan diba? Nila-LANG mo lang ako..", sabi nito na nakangiti pa..

"Eila, dont be so childish.. Baka makita tayo ni Jeri!"

"So what kung makita niya tayo? May ginagawa ba tayong masama? Wala naman diba? We're just talking. Nothing more. Nothing less. Anong masama dun?"

"Magagalit siya.."

"And why? Ni hindi nga niya alam na magkakilala tayo eh.."

"Akala mo lang yun..", sabi niya na pabulong..

"What?! Anong binubulong-bulong mo jan?!"

"Wala!"

--KATAHIMIKAN--

"Eila.."

"Don't call me Eila. Matagal ko ng kinalimutan yan!!"

"G-galit ka sakin?"

"Dapat pa bang itanong yan? Ano sa tingin mo? Matutuwa ako sa panlolokong ginawa mo?!", pasigaw nitong sabi..

"Hindi kita niloko.."

"Hindi? Anong tawag mo dun? Pakikipaglaro? Bakit? Nakikipaglaro ba ako sayo noon? Sinabi mong mahal mo ako pero makatapos lang ang ilang araw may karelasyon ka na agad?! Ano un? Palipasan lang ako? Kapag wala si Alexa sakin ka nanlalambing? Feeling mo ako si Alexa ganun? Laruan ba ako? Laruan? Ha?! Na pwede mo na lang iwan basta basta?!", sabi nito sakanya na sumisigaw na .. Umiiyak na din ito..

"Please.. Eila.. Please.. Don't cry.. Dont shout.. Baka makita tayo ni Jeri. Baka isipin pa niya sinasaktan kita.. NO.. Mali ang akala mo.. Hindi kita niloko.. Hinding hindi ko magagawa yun.. Kung alam mo lang.. Kung alam mo lang sana.."

Internet and Text Love AffairWhere stories live. Discover now