Chapter 11

6K 27 81
                                    

RAYLEY'S POV

Miss na miss na ni RayLey si Biela.. Bakit ganun? Di lang niya ito makausap ng matagal miss na miss na niya ito? Gusto niya nakakausap niya ito lagi.. Kung pwede lang sanang makasama niya ito pero alam niya mangyayari din yun, pero hindi pa ngayon..

Nilabas niya yung seLpon niya at diniaL niya yung number ni Biela.. Agad agad naman nitong sinagot yun ..

"Wait Jeri ha? Tumatawag kaibigan ko eh..", narinig pa niyang sabi nito sa kung sino mang kasama nito ngayon.. 

"Jeri? May kasama siyang lalaki? Sino yun? Kaibigan lang niya? O boyfriiend niya? Manliligaw kaya? At Jeri pa ha.. Magkapangalan pa sila ni pinsan..", bulong niya .. 

"Rayley! Napatawag ka?", salubong nito sakanya

" Usap tayo?.."

"Gumagawa ako ng project.. Puyat na lang tayo mamaya.."

"Puyat? Ikaw magpupuyat? Sure ka jan? Eh tinulugan mo na naman ako kagabi eh.."

"Uy .. Anong natulog? Ikaw nga jan eh!"

"Ms. Armeda. Tinulugan mo ko. Salita ako ng salita pero tulog ka na pala. Pangalawang beses na un ah.. Sayang. Di mo narinig mga sinasabi ko habang tulog ka .. Makikilig ka pa naman sana .."

"Ha? Baka naman minumura mo na ako habang tulog ako? HAHAHA .."

"Di ah.. Ang sweet ko nga eh.. Sayang talaga ."

"Eh ano bang sinsabi mo habang tulog ako?"

Wala .. Secret ko na yun. Hahaha . "

"Ano nga?!", sigaw nito sakanya na nakapagpasakit na naman ng tenga niya..

"Makasigaw ka na naman Eila. Sasabog na eardrum ko nito eh..", reklamo niya dito

"Eh ano nga?"

"Sinsabihan kita ng Iloveyou ng paulit-ulit habang tulog ka.. Hanggang matapos yung 12mins na duration ng call.."

"Ha? Anong sabi mo? Iloveyou?",

"Sige na.. I'll call you later. May gagawin pa ko. Bye Eila. I miss you .." , at binaba na niya ang phone..

" SA WAKAS!!!! WOOOO! NASABI KO NA RIN ..!!", sigaw ni Rayley pagkababa niya ng phone..

"Pero paano kapag magalit siya sakin? Di ko na mapigilan nararamdaman ko eh.. Di ko na maitago.. Sana di siya galit..."

Iniisip din niya kung anong susunod niyang gagawin.. Magtatapat na siya ng pag-ibig dito.. Liligawan niya ito. Kahit gaano pa yun katagal maging siLa lang.. 

Pumunta siya sa kwarto niya at kinuha yung laptop niya.. Nag-login siya sa facebook at tinignan niya ung chat niya.. 

Nakita niya na onLine si Biela.. Chinat niya ito ..

"Oh? akala ko ba gumagawa ka ng project?",sabi niya sa chat..

Agad agad naman itong nagreply..

"Tapos na eh.. Tinulungan kasi ako ng kaibigan ko.."

"Kaibigan mo? Lalaki ba yan o babae?"

"Ah lalaki siya. Bakit mo naman natanong aber?"

"LALAKI? Aw. Nakakaselos naman yan </3 :'("

"NAKAKASELOS?! :O ", sabi nito na ALL CAPS pa ..

"Oo, nagseselos ako.. Bakit sa lalaki ka pa nagpatulong? Pwede namang sa babae ah!!"

"Huy lalaki! Kung makapagreact ka naman! And so what kung sa lalaki ako nagpatulong ha?!"

"Tatawag ako. Sandali lang..", sabi niya at agad na dinial yung number ni Eila.. 

"Oh ano na?", salubong nito sakanya..

"Anong so what ha? NAGSESELOS AKO! NAGSESELOS AKO! MAHAL KITA! OO, TAMA YUNG NARINIG MO! MAHAL NA MAHAL KITA EILA!!", sigaw niya kay Biela..

"H-ha? Anong sabi mo? M-mahal mo a-ako?", sabi nito na hindi makapaniwala..

"Oo Eila.. Mahal na mahal kita.. Matagal ko ng nararamdaman to.. Di ko lang masabi sayo dahiL baka magalit ka.. Ayaw kong layuan mo ako. Ayaw kong layuan mo ako dahiL Lang dun.. Please Eila, wag kang lumayo.. Di ko na kasi mapigilan nararamdaman ko kaya ko na nasabi yun.. Gusto ko ako lang kasama mo. Gusto ko ako lang.. Pero hindi ko magawa.. Malayo ako eh.. Pero pupuntahan kita jan . Pangako.. May tamang oras din. Magkikita tayo ..", mahaba niyang sabi.

Di na niya mapigilan nararamdaman niya.. Magmakaawa man siya gagawin niya para hindi siya layuan nito kung nagalit man ito. Di niya kaya.. Di niya kayang mawala si Eila sakanya.. Kahit di niya tanggapin ang inaalok niyang pagmamahal dito wag lang siyang layuan nito ..

"Eila.."', sabi niya kay Eila..

"B-bakit?"

"G-galit ka ba?"

"Hindi.. Nabigla lang ako.."'

"Eila.. May tanong ako.."

"Ano yun?"

"M-mahal mo rin ba ako?"

"Ray naman eh.."

"Sagutin mo ako.. Mahal mo ba ako?"

"Oo, mahal din kita.. Ray .."

"T-totoo ba yung narinig ko Eila? You love me too?!"

"Oo, noon pa.. Di ko lang masabi sayo dahil akala ko di mo ako mahal. Kasi.. Kasi magkalayo tayo .."

"No Eila.. Wag mong isipin na magkalayo tayo. Pwede naman tayong magmahalan kahit magkalayo tayo diba? Kahit anjan ka at andito ako.."

"Pwede ba yun? Hindi ba mahirap yun?"

"No. Kaya natin to. We love each other right? Lahat magagawa ng isang tao dahiL sa pag-ibig.."

"Pero.. Madaming babae jan. Alam ko. Hindi kaya magkagusto ka din sa iba?"

"Hindi .. Hindi.. Trust me.. Ikaw lang ang mamahalin ko.."

"Totoo ba yan?"

"Oo mahal ko.. Ikaw lang talaga.. At pwede layuan mo na yung Jeri kung sino man yun?"

"Pero kaibigan ko lang siya.."

"Basta. Layuan mo siya .."

"Sabi mo eh .. oo na po.. M-mahal k-ko.."

"Oh.. Bakit ayaw mo pa ata akong tawaging mahal ko? Nakakalungkot naman oh.."

"Manahimik ka nga jan Ray! Eh sa nahihiya ako eh .!."

"Eh bakit ka sumisigaw? HAHAHA. Sus . Kinikilig ka na naman eh.."

 "RAAAAAAAAAAAAAAY!!"

"Hahaha . I love you mahal ko.. Ikaw lang.. Wala ng iba pa .."

"I love you too mahal ko.."

Natapos na yung usapan nina Biela at Rayley.. Ang saya saya ni Rayley.. Mahal din pala siya ni Biela.. Sakanya na si Biela. Kanyang kanya na lang! Kailangan niya tong maikwento sa pinsan niyang si Jeri . Alam niya magiging masaya ito para sakanya ..

Internet and Text Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon