TAGB 1

64.6K 1.3K 113
                                    

"Girl, sama ka sa amin mamaya huh. Pagbigyan mo naman ang birthday girl." Nakahawak pa si Pauline sa kamay ko habang nagmamakaawang sumama ako sa kanila mamayang gabi.

Birthday niya kasi at sa bar ng kaibigan niyang bakla ice-celebrate yung birthday niya.

"Oo na. Sasama na ako. Ngayon lang to ah." Ayaw ko kasi sa mga bars maingay, magkahalong amoy ng alak at sigarilyo at higit sa lahat maraming nagmimake-out.

Hindi naman sa inosenti ako diyan.

Oops! Don't get me wrong, hindi ko pa yan nasusubukan, ang ibig kong sabihin hindi ako inonsenti dahil marami na akong nakikitang ganyan.

"Yeah! Thank you girl, kumpleto tayo sa birthday ko. Sige balik na ako sa table ko. See yah later." At bumalik na siya sa mesa niya.

Magsusulat na sana ako ng maalala ko hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo.

Ako nga pala si Khyrine Sandoval. 22 years old at nagtatrabaho sa I Know Magazine bilang Editor in chief.

Ayan tapos na akong magpakilala, magsusulat na ulit ako may hinahabol akong araw para sa article na to.

.

.

"Khyrine, halika na. Nandun na daw silang lahat." Hila-hila ako ni Pauline palabas ng kumpanya.

"Teka sandali, di na pala ako sasama. Nakakahiya eh, ikaw lang yung kakilala ko." Hindi ko naman kasi kilala yung mga kaibigan niya.

"Khyrine naman, umuo ka na kanina atsaka makikilala mo din naman yung mga kaibigan ko lalong-lalo na yung mga bakla kaya tara na!" Hinila na naman niya ako papasok sa kotse niya.

Siya na ang may kotse. Ako wala.

Ayaw kasi pumayag ng mga Kuya ko na magdrive ako.

After 54321 hours nakarating na rin kami sa Ecklavosh Bar?

Taray ng name ng bar huh, baklang-bakla.

"Halika na Khyrine." Hinila na naman niya ako papasok ng bar.

Gaya ng inaasahan ko, maingay, magkahalong amoy ng alak at sigarilyo at sa gilid may nagmemake-out, pagkapasok ng pagkapasok namin ni Pauline.

Grabe naman ang mga to. Ba't di nalang sila kumuha ng kwarto at dun nila gawin yan.

Naglalakad lang kami ni Pauline papunta sa pinakadulo kung nasan yung mga kaibigan niya.

"There you are birthday girl." Bati nong isang bakla at bineso si Pauline.

Sayang, ang gwapo pa naman niya.

"At sino naman ang maganda itey?" Baling sa akin nong bakla.

"Guys, this is my bestfriend Khyrine Sandoval our Editor in chief." Kailangan pa talagang sabihin yung trabaho ko?

"Hello Atey! I'm Gera ang pinakadyosa sa balat ng earth." Pakilala nong bakla na bumeso kay Pauline.

'Gerald Hernandez.' bulong sa akin ni Pauline.

"May sinabi ka Pau-Pau?" Ang taray.

"Wala." Walang ganang sabi ni Pauline sabay irap.

Alam ko ayaw niyang tawaging Pau-Pau, para daw'ng aso. Aw-Aw. Hahaha.

"Girl, may kamukha ka. Lalaki nga lang, si Kian Sandoval yung hot na model. OH MY GOSH! Kaanu-ano mo si Kian myluvs?" Sabi nong isang bakla.

Kian Sandoval?

"Siyempre naman Julio, chief editor kaya ng sikat na magazine tong kaharap mo." Sabat ni Pauline.

"Ewww. Mandiri ka nga Pauline. Hindi Julio ang name ng magandang dyosa na si aketch. It's Julia." Sabay flip ng imaginary hair niya.

Pinakilala ako ni Pauline sa lahat ng friends niya. May dalawa din palang babae sina Jazz at Lily kasama yung mga boyfriend nila na sina Steve at Ralph. Bali anim silang lahat.

"Hello mga amigas and papa's I'm sorry I'm late nasobrahan kasi si aketch ng beauty sleep." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang Tall, white and hand--beautiful. Mahaba kasi ang buhok nito hanggang balikat.

"Oh! May newly friend pala ditech? Hi, I'm Andrea!" Sabay lahad ng kamay niya na parang makipagshakehands.

"Khyrine." Kinuha ko ang kamay niya at nakipagshakehands. Bigla naman ako nakaramdam na parang may kuryente ng maglapat ang kamay namin at mukhang napansin din niya ito kasi siya ang unang kumalas.

Naupo na si Andrea na Andrew pala ang tunay na pangalan sa tabi ko.

*****

Thanks for reading :)

See you on next update...

-dkc

They are GAY'S BABIES ---[COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora