TAGB 28

32K 698 33
                                    

Andrew's POV

Nakatingin lang ako sa likod ni Khyrine habang papalabas ng opisina ko.

Inaamin kong nalungkot ako dahil wala man siyang ginawa ng sabihin ni Sarah na fianceé niya ako.

Umasa ako na kahit kunti may reaksyon siya o di kaya'y hindi siya papayag na matuloy ang kasal namin ni Sarah pero wala siyang ginawa, instead sinabi pa niyang ayusin namin to.

Akala ko pa naman pareho kaming nararamdaman pero ako lang pala tong nagmamahal sa kanya.

"Babe, are you listening to me? You're spacing out." Nilingon ko siya at sinamaan ko ng tinging.

Kung hindi lang pumasok tong Sarah na to, magkasama pa sana kami ni Khyrine ngayon, kahit business lang ang ang pinag-uusapan namin basta kasama ko lang siya masaya na ako.

"WHAT?! I want lang naman na mag-oouting tayo kasama ang mga friens mo, atsaka papatapos na ang summer vacation di pa rin tayo nakapagbakasyon. Tita, told me na may beach resort kayo sa Tagaytay, dun nalang tayo, Babe." Sabi niya sabay pulupot sa braso ko. Tinanggal ko yung pagkapulupot ng kamay niya sa braso ko at--

"Busy ang mga barkada ko, wala silang panahon para magbakasyon." Kahit ang totoo niyan atat na atat na yung mga babae na mag-oouting kami.

Sinabi ko lang na busy yung mga kaibigan ko dahil ayaw kong makasama tong Sarah na to.

"Edi tayo nalang para may quality time tayong dalawa." Kakasabi ko lang di ba na ayaw ko siyang kasama.

"Wala din akong time. Busy ako at mas lalo akong mawawalan ng time dahil bigla ka nalang pumasok sa opisina sa kalagitnaan ng pagtatrabaho namin ni Khyrine." Matigas na sabi ko. Totoo naman eh.

"TRABAHO? ANG SABIHIN MO NAGLALANDIAN KAYO. WAG KA NG MAGPALUSOT ANDREW KUNG HINDI AKO PUMASOK SIGURO NAGLAPLAPAN NA KAYO, SA SOBRANG LAPIT NG MGA MUKHA NIYO."Napataas na ang boses niya, pasalamat at soundproof tong opisina ko, di maririnig ng mga empleyado ko sa labas na nagsisigawan kami rito este siya lang pala.

"Pwede ba Sarah umalis ka na marami pa akong gagawin." Pag-iiba ko ng topic.

"BAKIT INIIBA MO ANG TOPIC? SINO BA ANG BABAENG YUN?" Binasag niya ang kamay niya sa mesa ko.

"Wala ka na dun Sarah, umalis ka na." Pinagtulakan ko na siya palabas ng opisina ko. Bahala sabihin niyang rude ako, ang importante makaalis na siya.

"YOU DON'T NEED TO PUSH ME OUTSIDE YOUR OFFICE. I'M STILL YOUR FIANCEÉ." Hindi ko na siya pinansin at pinagsarhan ko siya ng pinto. Katok siya ng katok.

Bahala siya sa buhay niya, may marami pa akong gagawin.

.

Third Person's POV

Inis na inis si Sarah pagkalabas ng pagkalabas niya sa Montalban Company. First time niyang mapahiya at worst kagagawan pa ng fianceé niya.

Pasakay na sana siya sa kotse niya ng mamataan niya si Khyrine na papasakay din sa kotse nito.

'Kanina pa to nakalabas ng opisina ni Andrew. Bakit ngayon palang siya aalis?' sa isip ni Sarah.

Nakaramdam ng inis si Sarah kay Khyrine ng maisip niyang baka hindi pa talaga umalis si Khyrine kanina at bumalik sa opisina ni Andrew ng makaalis na siya.

'Akin lang si Andrew at walang makakaagaw sa kanya sa akin, kahit sinong poncho pilato na yan.' sa isip ni Sarah.

Nang makaalis na si Khyrine ay siya namang pagsakay ni Sarah sa kanyang kotse.

*****

Thanks for reading!

See you on next update...

-dkc

They are GAY'S BABIES ---[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon