TAGB 3

43.1K 971 68
                                    

Ang sakit ng ulo ko para itong mabibiyak.

Hinding-hindi na talaga ako iinum. Peksman mamatay man sina superman, batman, at bomberman.

Pinilit kong bumangon habang nakapikit pa rin ang mga mata ko, kailangan ko na talagang magbanyo, kabisado ko naman ang buong kwarto ko kaya nothing to worry.

Pagkabangon na pagkabangon ko biglang akong nakaramdam ng ginaw kaya napamulat ako at--

"WAAAAAAH!" Wala akong suot na damit kahit mga under garments wala.

Anong nangyari?

Nilibot ko naman ang tingin ko sa kwarto at--

"WAAAAAAH!" Kaninong kwarto? Di naman to sa akin?

"Ano ba yan ang ingay?" Biglang bumangon yung O_O lalaki sa gilid habang kinukusot ang mata niya.

Agad ko namang kinuha yung kumot at ibinalot ko sa aking katawan.

"SH*T!" Napamura yung lalaki kaya napatingin ako sa kanya at--

"WAAAAAAH!" Wala rin siyang suot na damit at nakita ko ang-- ang pototoy niya.

Napatingin siya sa akin at--

"WAAAAAAH!" Di na ako yan. Siya na yan. Si Andrew este Andrea.

Pumasok siya sa ilalim ng bedsheet para matabunan ang hubad niyang katawan. Wala siyang ibang pantakip dahil na sa akin ang kumot na binalot ko sa aking hubad na katawan.

Nakita ko naman ang mantsa ng dugo sa bedsheet. It means-- may nangyari sa aming dalawa.

"WALANG HIYA! KANG BABAE KA! NI RAPE MO AKO. HUHUHU. IDEDEMANDA KITA! RAPIST KA! RAPIST!" Wow! Ako pa talaga ang nang rape sa kanya at ano raw idedemanda niya ako?

Pusang gala naman oh! Ako yung nawalan hindi siya.

"HOY! BAKLA! IWAN KO BA KUNG BAKLA KANG TALAGA! AKO PA TALAGA ANG SINABIHAN MONG NANG RAPE SAYO! YOUR IMPOSSIBLE! AKO NGA TONG NAWALAN! TAPOS IKAW PA ANG MAY GANANG MAGSABI NA IDEDEMANDA AKO! AT SABIHANG RAPIST!" Di ko na napigilang umiyak.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa, pinulot ko na yung mga damit ko na nakakalat sa sahig at nagtungo sa banyo.

Pagkatapos kong magbihis lumabas na ako ng banyo. Hindi ko na siya naabutan at wala na rin yung mga damit niya sa sahig.

Walang hiya na bakla yun!

Ano nalang ang sasabihin ng mga kuya ko pagnalaman nila ito?

Sigurado akong pababalikin nila ako kung saang lumalop nakatirik yung bahay namin. Huhuhu.

Lumabas na ako ng kwarto at dun ko napagtanto na nasa VIP room pala kami ng bar.

Ang tanong, paano ako napunta dun sa VIP room?

Wala akong maalala. Ang naalala ko lang ay hinablot ko yung tequila na hawak ni Pauline tapos tinunga ko yun.

Hanggang dun nalang talaga ang naalala ko.

.

.

Maaga akong pumasok ngayon sa trabaho marami kasi akong pending. Hindi kasi ako nakapasok nong isang araw dahil masakit talaga ang ulo ko at masakit din yung down there.

"Good morning girl! Di ka na nakapasok nong isang araw dahil nilasing kita. Pasensiya ka na dun girl huh, tambak ka tuloy ng trabaho ngayon." Sabi ni Pauline na kadadating lang.

"Okey lang yun. Hindi mo naman kasalanan yun." Teka, may alam kaya si Pauline sa nangyari sa amin ni Andre-a/w.

Aalis na sana si Pauline ng tawagin ko siya.

"Pauline?" May itatanong lang ako sa kanya baka alam niya kung paano ako napunta sa sitwasyon na yun.

"Bakit Khy?" On the second thought, wag nalang, baka wala siyang alam at kung meron man sasabihin niya naman agad sa akin.

"Sabay tayong maglunch mamaya sa Korean Restuarant. My treat." Parang gusto ko ring kumain ng moshi manju.

"Sige ba, sabi mo yan huh. Walang bawian.__Hay! Salamat libre ang lunch ko ngayon." Mahina niyang sabi habang papunta sa mesa niya. May pagkakuripot din kasi ang isang to.

Hindi ko nalang iisipin yung nangyari. Wala naman sigurong mabubuo dahil isa lang yun at di na mauulit pa yun.

*****
Thanks for reading!

-dkc

They are GAY'S BABIES ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now