TAGB 20

34.3K 785 42
                                    

O_O Mukha nila.

.

O_O Mukha ko.

Nd
d
.

^_^ Mukha ni Gera este Gerald.

.

.

"KHYRINE?__KHYRINE! IKAW NGA!" Nagulat ako ng niyakap ako ni Pauline.

Akala ko magagalit siya sa akin dahil di ako nakapagpaalam sa kanya noon at pinutol ko pa ang kumyonikasyon.

"Khyrine, ikaw huh. Bigla ka nalang nawala. Saan ka ba nagpunta? Namiss ka namin." Sabi ni Jazz sabay yakap sa akin.

Ngiti nalang ang naisagot ko sa kanilang lahat. Masaya ako dahil sila pa rin ang magkakasama hanggang ngayon.

"Welcome back, Khy!" Sabi ng lalaki sabay yakap sa akin.

Sino naman to?

"By the way, I'm Julz--" Pinutol ni Lily ang sinasabi nong lalaki.

"Julio Khy ang dating si Julia. HAHAHA." at nagtawanan silang lahat, except me.

"Anong tinawatawa niyo diyan? Gusto niyo masampulan?" Matigas na sabi ni Julia este Julio ay-- Julz pala sabay pakita ng kamao niya.

'Black belter kasi yan sa taekwondo.' Bulong ni Steve sa akin.

Kalola ang baklang-bakla na si Julia ay isa ng black belter ngayon?

Ang dami na palang nagbago sa loob ng anim na taon.

Si Andrea kaya?

Ano na kayang nangyari nun?

Aist! Bakit ko inisip yung baklang yun?

Hanggang ngayon di ko pa rin nalilimutan yung ginawa niya sa akin, lalong-lalo na sa mga anak ko.

"Oy! Oy! Wag kayong magrambulan dito sa bar ko." Awat ni Gerald.

"Ano ba kayo? Kababalik lang ni Khyrine, ganyan ang salubong niyo sa kanya?" Pauline

"TAMA! LET'S PARTY! PARTY!"

.

Nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang upuan at nagsimulang mag-inuman.

"Nga pala, Khyrine, si Pochie naging kabarkada siya namin 6 years ago at isa siyang transgender." Pakilala ni Pauline dun sa magandang babae.

Ningitian ko yung Pochie na katabi ni Julz.

"Nagtext pala si Andrew, di siya makakarating may out of the country sila ng Daddy niya." Pahayag ni Gerald.

Bigla akong natigilan ng maalala ko ang sinabi ni Gerald.

Andrew?

Out of the country kasama ang Daddy niya?

Di kaya si Andrea ang tinutukoy nilang Andrew. Naalala ko kasi na Andrew ang tunay na pangalan ni Andrea--pero ano yung out of the country?

Nagkataon lang siguro na ang Andrew nakilala nila ay nagbabakasyon kasama ang Daddy nito. Naalala ko kasi na mahilig magbakasyon yung Andrea na yun.

At yung si Andrew na kapartner ko ay may meeting sa ibang bansa.

"Kakainis na yang Andrew Montalban na yan huh. Palagi na tayong di sinisipot. Puputulan ko na talaga yun ng di na magkaanak." Lily.

*cough*

*cough*

*cough*

"Khyrine, okey ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Pauline.

"O-okey lang ako.__Si-si Andrea ay si An-Andrew Montalban?" Pagkaklaro ko.

"Oo. Actually, siya ang naunang naging lalaki sa kanilang tatlo ni Gerald at Julio. Nagulat nalang kami nong bumalik siya lalaking-lalaki na."

Nilagok ko yung isang bote sa harap ko.

Hindi ko lubos maisip na yung baklang nakabuntis sa akin noon, ama ng mga anak ko ay siya palang hinahanap-hanap ko ngayon.

"Khy?"

Bakit hindi niya sinabi sa akin na siya pala si Andrea?

"Khy?"

All this time pinagmukha niya lang akong tanga?

"Khy?"

Hindi pa ba sapat ang ginawa niya akin, sa amin ng baby ko?

"Khy?"

Hanggang kailan niya balak magpapanggap sa harap ko?

"Khyrine, umiiyak ka may problema ka ba?" Bigla akong natauhan ng tapikin ako ni Pauline sa balikat.

"Pasensiya, may naalala lang.__Hali kayo. Inum pa tayo." Nilagok ko yung bote ng alak na kanina ko pa hawak.

Wala namang nagtanong sa akin, at kanya-kanya na rin silang tunga ng alak.

*****

Thanks for reading!

See you on next update...

-dkc


They are GAY'S BABIES ---[COMPLETED]Where stories live. Discover now