Chapter 01- Her Bestfriend

53 3 0
                                    

Nathalie Empleyuz' POV

"Nathalieeeeeeeeeee huhuhu gusto ko na mag move-on! Ang sakit na talaga!!"

"Tss"

Eto nanaman kami ng bestfriend ko na si Angela.. Ilang beses niya na ba sinabi yun? Tsk, diko alam kung maaawa ako sa kanya o maiinis eh!

"Huhu bad ka! Tss tss ka nanaman." Naknang! Nag pout pa!

"Hoy babae! Ano naman ba kasing nakita mo diyan sa Threo na yan at nagpapaka baliw ka diyan ah? Di naman gwapo, di rin mabait! Tsk!"

"Kasi siya nga yung tinitibok ng puso ko! At saka gwapo siya!"

"Hoy! Dugo ang tinitibok ng puso! Taga pump ng dugo at puso natin kaya magtigil ka nga! At hindi siya gwapo! Maputi lang!"

"Tse!"

"Tss.. Ok. Last na yang luha mo na yan ah? Totohanin mo na kasi yang pag momove-on mo! Hanggang salita ka lang eh! Gawin mo kasi! Gawin mo!" Sinigaw sigawan ko talaga siya.. Well.. Lunch break pa naman, at nasa open field kami ngayon na konti lang ang tao dahil nga lunch time. Diko tuloy naubos yung lunch ko dahil sa babaeng to! Paano ba naman kasi.. Nakita niya si Threo na may kalandiang babae.. Well I don't know kung LANDIAN na bang matatawag yun? Pero kasi sinusubuan niya si Threo ng pagkain tapos nakikipagharutan siya. Eh hindi naman kasi gaanong ka attach sa babae yung Threong yun! Ang dami ngang matang nakatingin sa kanila kanina eh. Famous kasi sila Threo, sa pagkaka alam ko napakayaman nun. At yun lang ang alam ko tungkol sa kanya. Di tulad ni Angela na halos kabisado na ang buong angkan niya, lahat ng paborito niya, at pati ang ilang pagkilos niya. Maski nga panyo na ginagamit nun sa araw araw nahuhulaan niya na eh! Baliw kasi magmahal yun! Minsan lang mainlove pero grabe!

"Sana nga magawa ko na Lie. Sana talaga."

"Tss."

"Ayan ka nanaman sa tss-tss mo eh! Tss-tssin kita diyan!"

"Tsk! Samahan mo ako sa cafeteria! Kakain pa ako! Dinagit mo nanaman ako eh! Lagi nalang!"

"Anong lagi nalang?!"

"Bakit?! Hindi ba?! *ehem* Nathalie samahan mo ako sa C.R. dali! Nathalie may kukunin ako sa library, samahan mo naman ako oh! Nathalie may naiwan pala ako sa bahay! Nathalie inutusan ako ni Sir, samahan mo ako. Nathalie tara! Punta tayo sa canteen---"

"Hep hep! Tama na nga! Oo na oo na! Pero wag muna tayo pumunta sa cafeteria please! Baka andun pa SILA eh. Pleaseeee.. Mahal mo naman ako eh! Hihi."

"Tsk! Ok! Pero kakain parin ako! Tara sa canteen!"

Bumili lang ako ng bottled water at biscuit.. Buti nalang talaga at may cafeteria at may canteen dito sa university! Ang canteen ay para lang talaga sa mga snacks, basta parang tindahan lang, samantalang ang cafeteria naman ay parang restaurant na kainan ng breakfast, lunch at heavy snack.

"Oh ikaw? Di ka bibili?"

"Hindi. Diet ako."

"Psh."

The Girl [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora