Chapter 04- Letter

25 3 0
                                    

Isang linggo na yung lumipas..

Hindi na rin gaanong pinag uusapan ang tungkol sa freedom wall thingy. Naging usapan kasi yun ng halos lahat ng babae sa university eh.

At si Gela naman..

"Lie.. Huli na to."

"Ano na naman yan Gela? Huli na naman tapo--"

"Hindi. Huli na talaga to. Ibibigay ko lang sa kanya yung sulat ko na kung saan nandoon na ang lahat at pagkatapos ok na! Tingin ko ok na ako. I know na hindi pa ako moved-on or moved-forward-dahil-di-naman-naging-kami.. Yun nga, hindi pa ako totally ok pero nabawasan na at kung may feelings pa ako sa kanya.. Konting konti nalang yun!"

Bilib din talaga ako dito eh! Mabilis kasi mag move on! Yung sa dati niyang nagustuhan eh umabot lang ng isang buwan ang pagmove on niya.. Samantala yung iba diyan, taon talaga. Well siguro dahil di naman nagiging sila ng mga nagugustuhan niya?

Madaming nagkakagusto sa kaibigan ko pero lagi niyang sinasabi MAGHINTAY LANG SILA. Ewan ko? Nagkakataon kasi na kung kailan may kinaiinlovan ang babaeng to tsaka nasulpot manliligaw niya eh. Pero sa lahat ng sinabihan niya ng maghintay, walang natira. Tsk. Boys..

"Ok sasamahan kita ah?"

"Yun naman talaga ang gusto kong hilingin sayo eh."

---

At nandito na kami sa cafeteria.. Lunch break kasi namin napag isipang harapin si Threo.

"Sa oras na pumasok siya sa entrance.. Salubungin na natin siya ok?" Tumango lang si Gela.

Nakakatawa lang isipin na babae pa ang gumagawa nito. Pero.. Ano namang mali? Kaya nga nagkaroon ng EQUALITY diba? Para saan pa't pinaglaban noon yun?

"Omg! Papasok na siya!"

"Huh? Pano mo naman nalaman?" Hindi ko pa kasi nakikita si Threo eh, nandito nga pala kami sa gilid ng pinto.

"Naririnig ko na kasi yung tilian ng mga babae!"

Napangiti nalang ako dahil pakiramdam ko ok na tong kaibigan ko. Madrama lang talaga kasi to eh.

At tama nga siya.. Malapit na sila Threo.

Kasama ni Threo ang kambal niyang tropa na sila Steven Migs at Chesther Jigs pati ang tahimik na si Kevin.

Naramdaman ko naman ang pag alis ni Gela sa tabi ko.

The Girl [Completed]Where stories live. Discover now