Chapter 03- Freedom Wall

26 3 0
                                    

"Nathalie."

Pambungad nanaman -_- pero ang seryoso ng boses niya ah?

"Oh ano nanaman?" Nanlaki ang mga mata ko ng pagharap ko sa kanya ay nakita ko na mugto ang mga mata niya.

"Ayoko na." Then she showed a weak smile na nagpakunot ng noo ko.

"What happened?"

Narinig ko pa ang mahinang tawa niya, pero halatang pilit.

"May rumor na kumakalat.. May girlfriend na daw si Threo. At alam mo yung masakit Lie? Kanina, kilig na kilig pa ako kasi ilang beses kaming nagkatinginan.. Nginitian niya pa ako isang beses. Pero yung saya sa puso ko nawala.. Nung sinabi nila Ecka, Triz, at Nis na tignan ko daw yung nasa freedom wall."

"Bakit? Ano bang meron sa freedom wall?"

"Halika."

Pumunta na nga kami sa pwesto kung nasaan ang freedom wall at may itinuro siyang isang part. Ang freedom wall namin ay malaking white board.

To: Lia

I wish that you'll still be back.

-Your Eo

"Eo? Paano namang kumalat na si Threo ang nagsulat niyan? Oo may 'Eo' sa pangalan niya pero paano kung Eos yun? O kung ano pang pangalan?"

Akala ko mabubuhayan na siya ng loob pero ngumiti nanaman siya ng malungkot.

Kinuha niya ang phone niya at may pinindot doon bago iharap sakin.

Picture ni Threo habang nagsusulat..

So siya nga si Eo.

Napayakap nalang ako kay Gela.

Ayokong sabihin na 'ok lang yan' dahil alam ko namang hindi. Hinaplos haplos ko yung likod niya, para macomfort siya. Naramdaman ko namang basa na yung balikat ko.. Narinig ko rin ang paghikbi niya.

Tss.. Eto ang ayoko sa pag ibig na yan eh. Bakit ba kasi tinamaan tong kaibigan na to dun sa mokong na yun?

Sana naman sa paghaplos ko sa likod niya..

Maramdaman niya na andito lang ako.

Kaya hindi ako boto sa lalaki na yun eh! Ramdam ko naman na may ibang mahal yun! Dahil kung wala edi sana ang dami na nung naging karelasyon.

Saka ewan ko ba..

Bukod sa dahilan na may ibang gusto yung lalaking yun at masasaktan lang si Gela.. May iba pa akong dahilan na hindi ko alam. Basta IBA yung pakiramdam ko sa lalaking yun! May kakaibang inis din ako na nararamdaman sa tuwing mag kukwento si Gela about kay Threo. Pero diko alam kung ano yun..

Basta ang alam ko. Hindi SELOS yun. Dahil bukod sa wala akong gusto sa lalaki na yun.. Nakaramdam na ako ng selos dati at hindi ganito yun.

Oo nga pala. Kanina pa nag bell at huli na kami sa afternoon class namin. Hindi ako pumasok ng umaga dahil nahilo ako pagkagising ko palang at di na ako nakapasok dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Pero nung nawala na ay napagdesisiyonan ko namang pumasok pero.. Eto na nga, si Gela.

"Shhh.. Tahan na Gela.. Tara na. Kaya mo bang pumasok pa o tambay nalang muna tayo?"

Humiwalay na siya sa yakap at nagpunas ng luha. Ngumiti ulit siya.

"Kaya ko."

Tumango nalang ako, pumunta muna kami sa CR para makapaghilamos siya at makapag relax nang mawala naman kahit papano yung pag hikbi niya at yung pamumula ng mata niya. Matapos nun ay pumasok na kami pagkatapos ng bell na hudyat ng pagtatapos ng first subject sa afternoon class.

The Girl [Completed]Where stories live. Discover now