Chapter 02- Bump

39 3 0
                                    

"Nathalie! Nathalie!"

Tsk! Eto nanaman siya. Kararating ko lang sa school eh! May tsismis nanaman to panigurado!

"Oh ano na naman ba?"

"Hihihi Nathalieeeee~"

"Oh?! Bakit nga?!"

"Wag ka namang sumigaw!"

"Eh ang tagal eh! Bakit ba kasi! Sabihin mo na!"

"Wait!" Huminga pa siya ng malalim. Haist!

"Nathalie. Half sister pala yung babaeng yun ni Threo! Haha! Hindi ko kasi alam na bukod kay Ate Michelle at kay cutie cutie Irene ay may kapatid pa pala siya! Sa US daw kasi nakatira si Ate Alesha kasama yung Lola at Lolo niya na parents ng mother niya na nasa heaven na. Huhu! Gosh! Diko nalaman agad na second family na pala sila! Akala ko talaga tatlo lang silang magkakapatid at may nanay at tatay. Yun lala byudo na yung tatay niya! Tapos nag asawa ulit! Hihi! Ang dami ko na talagang alam tungkol kay Threo-- woy? Nakikinig ka ba?"

"Huh? Ay! Anong sinabi mo? Sorry ah? Nakaearphones kasi ako kaya diko narinig paki ulit nalang." Haha! Nung marinig ko palang yung word na Threo pinindot ko na yung play button ng mp3 ko. Bago ako pumasok suot ko na tong earphones eh, pinatay ko lang pagpasok ko sa gate pero eto at pinlay ko ulit. Narinig ko naman yung sinabi niya kasi di naman kalakasan yung music pero diko inintindi. Trip ko lang siyang asarin na nasayang nanaman laway niya haha!

"Wag na! Salamat nalang sa di pakikinig! Ang bait mo talaga!"

"Kung tungkol nanaman kasi yan sa Threo na yun.. Wala akong ganang pakinggan yan."

"Okay fine!" Umirap pa siya.

"Haha! Ang cute mo!"

"Psh."

Aba't! Maliban sa nanggaya na nga siya ng line.. Iniwan pa ako?! Langya!

"Hoy! Haha! Hintayin mo ako Gela!"

"Heh!"

Tuloy lang ako sa paghabol sa kanya, ang bilis maglakad eh!

Napagdesisiyonan ko ng tumakbo pero nung mismong pagtakbo ko, nabunggo naman ako..

Tss.. Sakit sa pwet ah?

Ang kung mamalasin nga naman.. Si Threo pa? Bakit hindi nalang si Gela yung nakabunggo nito?!

"Tss."

"Psh."

Sabay naming sabi.. Nakatayo na siya habang ako nakaupo parin. Inabot niya yung kamay niya pero diko inabot at mag isa lang akong tumayo.

Pagkatapos nun sabay na kaming nagpatuloy sa paglakad ng walang lingon lingon. Nilapitan ko si Gela at nakita ko siya na nakatingin sa gawi ko, nakita niya siguro yung nangyari kasi naman.. Naka pout pa! Tss.

Nang makalapit naman ako sa kanya hinampas ako sa braso

"Nakakainis ka!"

"Oh? Bakit? Inggit ka? Edi ikaw magpabunggo dun! Nanakit pati balakang ko eh!"

"Kung pwede lang eh! Huhu sana pala medyo binagalan ko yung paglakad! Sayang!"

"..."

"Wahhhhh!!! Tapos inabot niya pa yung kamay niya sayo! Bakit di mo inabot?! Diko tuloy matatanong kung malambot!"

"..."

"Pero parang mas ok na rin yun para di ako mainggit ng bongga sayo! Pero huhu naiinggit talaga ako!"

"..."

"Hoy?! Buhay ka pa?!"

"Tss."

Naglakad na ako papunta sa room namin. At ngayon ako naman ang mag iiwan. *smirk*

"Hoy! Wait for me!"

Haha!

"Aking mahal~"

Pakanta niya pang dagdag.

-_-

The Girl [Completed]Where stories live. Discover now