Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Chapter 3

99.8K 2.8K 284
                                    

"Cara anak, anong gusto mong meryenda?" tanong ni Tita Samantha sa akin kinaumagahan nang labasin niya ako sa mga cottage sa tabi ng pool. Doon ko naisipang mag-aral.

Midterms na namin this week kaya naman kailangan ko na talagang mag-review nang maaga. Ayokong maghabol ng oras at mas lalo akong walang matatandaan.

Nakangiti akong umiling. "Ayos lang po ako, Tita."

"May dalang blueberry cheesecake ang tito mo, dadalhan kita rito."

Muli akong umiling. "Ayos lang po talaga ako, Tita."

Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon. Aalis na sana siya nang bumalik siya sa aking harapan. May nakalimutan yatang sabihin.

She handed me a new ATM card. "Nasa table mo ito sa room. Nakita ko kanina nung nagpasok kami ni Manang ng mga bagong laundry. Baka kako hindi mo napansin," sabi ni tita na hindi ko kaagad naintindihan.

"Po?"

"Kinuha na namin kayong dalawa ni Suzy ng ATM card para naman hindi niyo na kailangang humingi pa kay Lucas ng allowance niyo and mas safe ito. Tell me if kulang ha, wag kang mahihiyang magsabi," bilin pa niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni tita. Itong card? Allowance ko? Tapos nanghingi ako kay Lucas. Bago sumakit ang ulo ko kaiisip doon ay ibinalik ko na lamang ang buong atensyon ko sa binabasa kong libro.

Mula sa pagbabasa ay napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Lucas.

"Later, Mom."

Naka-swimming trunks siya, lalangoy na naman. Bigla na namang nagbago ang mood niya nang mapansin niya na ang aking presensiya. Dahil sa talim ng tingin niya sa akin ay nag-iwas na lamang ako ng tingin sa kanya.

"Pumasok ka nga. I don't want you here," pagtataboy niya sa akin.

Napanguso ako. "Pero nauna ako rito, Lucas," mahinahong laban ko.

"Bobo ka bang talaga o talagang bobo ka lang?" Huh? Ano raw? Pareho lang naman 'yon, ah?

Hindi pa siya nakuntento, dinuro pa niya ako. Wala sa sariling tinabig ko ang kamay niya, kung saan-saan tumuturo, eh. "Wag ka nga, baka mamaya ay manuno ka niyan," concerned na sabi ko sa kanya.

Nag-igting ang kanyang panga na para bang ano mang oras ay gusto niya nang paliparin ang kanyang kamao sa kahit anong mang parte ng aking mukha.

"Wala akong pakialam kung nauna ka rito, basta ang gusto ko ay umalis ka," matigas na utos niya.

"Eh dito lang naman ako, ah. Para namang masyado akong nakaaabala sa paglalangoy mo," laban ko pa.

Nanginig pa ang labi nito dahil sa sobrang panggigigil. "Matuto ka ngang lumugar, Cara. Sampid ka lang dito, wala kang karapatan sa kahit na anong sulok ng bahay na ito. Mahiya ka nga!" sumbat na naman niya sa akin.

Gusto ko na namang maiyak. Pero nakapapagod na rin naman. Natahimik na lang ako at napayuko.

"Alis na!" sigaw pa niya dahil sa pagkainip.

"Anong aalis?" biglang singit ng kalalabas lang na si tita. May dala itong tray ng pagkain.

"Ano na naman ba iyan Lucas?" tanong niya sa anak.

"Mom, ayoko siya rito! Kaya please, naman..." parang batang pagsusumbong nito sa ina.

"Nauna si Cara dito, saka nag-aaral siya. Hindi ka naman niya maaabala sa paglangoy mo, Lucas," paliwanag ni tita.

Kumunot ang noo nito na para bang may maling sinabi ang kanyang Ina. "Why are you always like this, Ma? Ako ang anak niyo at hindi ang sampid na 'yan," himutok niya.

My Unwanted Existence (Game of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon