Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 11

90.4K 2.8K 280
                                    

Kaagad na tumayo at nagpamaywang din si Suzy. "E di pumasok ka sa loob, Kuya!"

Mariing naglapat ang mga labi nito. Halatang inis na.

"Join us here, Lucas," yaya sa kanya ni Kuya Matthew.

Umirap si Lucas dito. "No thanks."

Naglakad siya patungo sa may poolside at doon naupo. Inabala niya ang sarili sa phone niya kaya hinayaan na namin.

"Go Kuya Matthew!" ani Suzy.

"Let's think of a song for Cara," nakangiting sabi nito at tumingin sa akin na para bang nasa mukha ko ang sagot.

Ngumuso naman si Suzy. "Wala ka bang kanta para sa kanya?"

Muli ko siyang siniko. "Hoy, ano ka ba?" suway ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Napahinto kami nang biglang nag-strum ng gitara si Kuya Matthew. Napunta sa kanya ang atensyon namin ni Suzy.

"Minamasdan kita, nang hindi mo alam, pinapangarap kong ikaw ay akin... Mapupulang labi, at matinkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit..." Halos ma-estatwa ako habang pinanonood ko siyang kumanta. Maganda ang boses nito at ramdam mong ramdam din niya ang kanta.

Nang tumagal ay nasanay na siyang tumingin sa akin habang kumakanta. Napansin naman iyon ni Suzy kaya nang-asar na naman.

Sinamaan ko siya ng tingin. Sandali akong napalunok nang pumikit si Kuya Matthew habang kumakanta. Nagkaroon tuloy ako ng chance na dahan-dahang lingunin ang kinalalagyan ni Lucas.

"Minamahal kita nang di mo alam. Huwag ka sanang magagalit. Tinamaan yata talaga ang aking puso. Na dati akala ko'y manhid..." pagpapatuloy ni Kuya Matthew.

Kagaya kanina ay nakaupo pa rin siya sa may pool side. Nakahilig ito at nakasuporta ang magkabilang kamay niya sa kanyang likuran.

"Lucas..." mahinang sambit ko.

Napakislot ako nang kurutin ako ni Suzy sa tagiliran. "Hoy, nandito si Kuya Matthew sa harapan mo," paalala niya.

Napaayos ako ng upo. Nakita kong nakatanaw rin si Kuya Matthew sa tinitingnan ko. Nakatingin din siya kay Lucas.

Binalik niya ang tingin sa akin. Ngumiti siya pero hindi katulad ng mga ngiti niyang umaabot hanggang sa kanyang mga mata.

"Whoa! Ang galing mo talagang kumanta, Kuya Matthew! Kakanta ka sa prom, di ba?" tanong ni Suzy.

Nagkibit balikat ito. "Zena wants me to..." sagot niya pagkatapos ay bumaling sa akin.

"Ikaw Cara, do you want me to sing?" tanong niya sa akin na parang bang humihingi siya ng permiso.

"Siyempre naman po," sagot ko.

"Then will you be my date?" tanong niya na ikinagulat ko.

Dahil sa pagkagulat ko ay si Suzy na ang nag-celebrate para sa akin. "Yes! Yehey!" Tuwang tuwa ito para sa akin.

Malungkot na ngumiti si Kuya Matthew sa akin. "Okay lang, may four days pa naman bago ka sumagot," pag-aalo niya sa akin.

Bigla akong napaisip. After ng last day ng final exam gaganapin ang prom. Wala naman na dapat kaming pakialam do'n dahil college na kami ang kaso ay isa sa organizer si Zena at nandoon din sina Kendall, Zafara, at Tammarie. Seniors na kasi ang mga ito kaya napagdesisyunan nila na bigyan ng memorable na prom yung tatlo.

Bumalik kami sa pag-aaral. Umalis na rin naman si Suzy dala ang kanyang gitara.

"Galingan mo sa exam bukas," nakangiting sabi nito sa akin habang tinutulungan niya akong mag-ayos ng mga gamit ko.

My Unwanted Existence (Game of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon