Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 13

92K 2.7K 338
                                    

(Flashback)

"Happy birthday, Lucas..."

"Thank you, Cara!" nakangiting sagot sa akin ni Suzy.

Nginitian ko na lamang siya. Nagtatatalon naman itong umalis sa harap ko kaya naman naiwan kami ni Lucas sa may sala. Nakaupo ito sa sofa habang nilalaro ang iPad niya.

"Lucas..." tawag ko sa kanya pero kaagad niyang itinaas ang kamay niya para pigilan ako.

Maya-maya ay inis na inis nitong ibinaba ang iPad niya sa tabi bago ininom ang orange juice. Pinanonood ko siya habang ginagawa iyon, pero napangiti ulit ako nang binalingan niya ako ng tingin

"Malas ka talaga," akusa niya sa akin. Kumunot ang noo nito nang mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Salamat," nahihiyang sabi ko pa bago ko inilagay sa likod ng tainga ko ang iilang tikas ng buhok.

"You know what? Abnormal ka talaga," inis na sabi pa nito.

"Uhm. Lucas, happy birthday sa 'yo," nakangiting bati ko.

Tinaasan ako nito ng kilay. "Anong masaya sa birthdays?" masungit na tanong niya.

Nag-iisip pa lamang ako ng sagot sa kanya nang muli na itong magsalita "Kung hindi lang para kay Suzy, hindi ako papayag na maghanda sina Mommy," sabi niya na ipinagtaka ko.

"Bakit naman?" tanong ko habang pinaglalaruan ang dulo ng buhok kong naka-pigtail.

Dinampot nito ang iPad at saka ang baso. "None of your business," tamad na sabi niya at tinabig pa ako pagkadaan niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo pero muli itong bumaling sa akin. "Pangit ka!" pahabol na sigaw niya.

(End of Flashback)

Mapait akong nakatingin sa repleksyon ko sa malaking salamin ng restroom habang naglalagay ng lipgloss. Pangit ako, simpleng salitang wala naman sanang epekto sa 'yo kung hindi lang dahil sa taong mahal mo yung nagsabi.

Ilang beses na nga ba? Simula bata pa lamang kami ay hindi ako naglihim kay Lucas na gusto ko siya. Mas lalo pa ngang lumalim ang pagkagusto ko sa kanya nang tumira na ako sa kanila.

"Cara, hurry up! Kakanta na si Kuya Matthew!" sigaw sa akin ni Suzy mula sa labas.

"Wala naman sa akin ang microphone!" natatawang asar ko sa kanya.

"Baliw! Hindi kakanta iyon pag hindi ka nakita, ikaw rin!" pangongonsensya niya.

Binilisan ko na lamang ang ginagawa ko. Naabutan kong abala siya sa phone niya pagkalabas ko.

"Tara na," yaya niya.

"Teka, paano ang kuya mo?"

"Hayaan mo muna siyang mag-isa ro'n sa clinic. Wala namang tao ro'n, at nag-text na ako sa driver para masundo siya," sagot niya na ikinabahala ko pero hindi na ako nakapalag pa nang hinila na niya ako patungo sa venue.

Kumakain na ang iba. Kaagad akong hinila ni Suzy patungo sa lamesa namin kanina. "Suzy, nakita mo ba yung kuya mo?" salubong na tanong ni Amiella sa amin. Mukhang kanina pa ito naiirita.

"Hala hindi. Bakit, hindi ba nagpaalam?" sagot ni Suzy rito na para bang nag-aalala rin siya at walang alam.

"Nasaan na ba yung lalaking 'yon!?" inis na tanong ni Amiella at parang kulang na lang ay magpapadyak siya sa kinatatayuan niya.

Tawang tawa si Suzy nang nagdadabog itong nagmartsa paalis.

"Ikaw talaga," suway ko sa kanya.

Tinaasan lamang ako nito ng kilay. "Ako yata ang bida sa play namin nung elementary," pagayayabang pa niya na inirapan ko na lamang.

My Unwanted Existence (Game of Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon