6

5.1K 130 0
                                    

Chapter 6




Pahirapan kaming nagpaliwanag ni G that time. Natatawa pa ako sa mga hitsura nila dahil napaka-priceless! It's been two weeks nang makilala ko sila.. Tuwing hapon basta matatapos ang klase namin lahat ay nagkikita-kita kami upang magpunta sa bahay. Kung hindi para kumain, ay magswimming naman.




Kilala na nga sila lahat ni Daddy. And I'm surprised na super naging close sya sa mga bago kong kaibigan through videocall. Nasa parking area kami ng campus nila George. Magkikita-kita kami ngayon para magpunta ulit sa bahay and this time to meet my Dad.




"Gerda, Jana, Shae.. Tawagan nyo na sila. Sabihin nyo nandito na tayo.."



Simula nang magkaroon kami ng bonding ay hindi na nagdadala yung tatlo ng sasakyan tuwing weekdays.



"Magkakasama na daw sila.. Hinihintay na lang si Sarah at Abbi." Shae informed me.



"Dala pala ni Prey yung kotse nya. Baka dun na ako sumabay para maluwang dito tapos sa kanya.. Pag-usapan natin kung sino sasabay samin at sayo." sabi sakin ni Gerda.




"Dala rin daw ni George yung sasakyan nya, e. Walang problema.." sabi rin ni Jana kaya tumango ako.




Hinintay namin sila hanggang sa makumpleto sila sa harap ko.




"Kaming tatlo nila Prey at George yung may dala ng sasakyan.. Si Jana at Nath sakin. Si Gerda, Shae at Josh kay Prey. Abbi, Sarah and Brave kay George na kayo sasakay?"



"Ah. Pwede bang si Abbi sumabay din sayo, D?"



"Sure, G.."



"And mauna na kayo? Kasi sasabay yung girlfriend ko, ihahatid ko pa sakanila.." dugtong pa ni G.



"Sure. Sure, of course. So it's settled then. Let's go." lahat sila ay tumango. "Hey, Abbi. You can drive, right?"




"Yes." inihagis ko agad sakanya yung susi. Agad naman nyang pinatunog yung alarm para buksan. Lahat sila ay naglakad papunta sa sasakyan..



"Small letter D."



Lumingon ako sakanya. I didn't smile. "Yes?"



"Ahh. Wala. Take care! Susunod agad kami.."




Tumango ako at saka naglakad papunta sa front seat. Pagkasara ko ng pinto sa side ko ay agad kong nakita ang isang babae na naka-ngiti palapit kay Sarah at Brave. Magtaganong sana ako kung kaninong girlfriend iyon pero lumapit ito agad kay G at niyakap sya ng mahigpit.




I looked away. Why? Bakit may ganito akong nararamdaman? May aircon naman pero bakit umiinit at sumisikip ang dibdib ko?



Habang palayo ang sasakyan namin sakanila, I just kept on thinking about those possible answers sa mga tanong ko. It's impossible.. I can't.




"Tahimik nyo ngayon, ah?" napansin ko nga rin naunahan lang ako ni Abbi.



"Paano kasi nakita ko si Ezra. Nainis lang ako."



My First LoveWhere stories live. Discover now