31

2.8K 80 1
                                    

Chapter 31






Tahimik na ang buong unit nya at tulog na ang kanyang tatlong kaibigan sa loob ng kwarto nya. Lumabas sya sa kanyang veranda upang magpahangin. Kitang-kita nya ang mga liwanag na nanggagaling sa mga kabahayan at mga gusali at napangiti sya.


"Niña.."


Napalingon sya agad at saka nginitian ang tumabi sa kanya sa sofa sa kanyang veranda.


"Bakit gising ka pa?"


Napagkasunduan kasi nilang apat na magkaroon ng reunion  sa unit nya. Nagkaroon ng inuman at kwentuhan..


"Nakita ko kayo.."


"Hmm? Nino?"


"Nakita ko kayo ni Sarah sa resort. Sinundan ko kayong dalawa at nakita ko--"


"It's not what you think.. We're bestfriends."

"Alam ko. Pero may isang bagay lang kasi akong kailangang kumpirmahin kaya ko kayo sinundan.. at hindi naman ako nagkamali."


Halos mahilo sya dahil sa kaba. Ninenerbyos sya dahil baka kung anong isipin ni Shaena sa kanya.


"Narinig ko rin lahat kaya wag kang mag-alala. I am not here to judge you.. I just want to tell you something,"


Tumango naman sya at tahimik na nakinig dito.


"Palagi na lang ganoon na kapag magkakasama kami at may tatawag sa kanya ay sobra syang makangiti pag bumabalik sya sa amin. We always tease her na in love ito at kailangan naming makilala kung sino pero lagi syang umiiwas tungkol dito. Then one day, pinakilala nya sa amin si KL. Masaya naman sya, e, pero iyong mga ngiti nya noon kapag may tumatawag sa kanya ibang-iba sa ngiti nya kapag kasama nya si KL. Mas genuine kasi iyong ngiti nya kapag sa tawag, e. Until unti-unti namang nagbago ang lahat. Sarah looks in love naman kaya hinayaan ko na lang at di nagtanong hanggang sa dumating ka sa resort. Iyong mga ngiti nya sayo, ganoong-ganoon sya ngumiti doon sa kausap nya noon. Hanggang sa nakumpirma ko ngang ikaw iyon. She loved you."


Tumango ito sa kwento nya. "Sinabi nga nya. But she's happy now with KL.. at masaya rin ako para sa kanilang dalawa."


"Kapag nalaman ito ni George baka sumama loob noon, baka maging malungkot sya, baka magalit sya ng sobra, baka umiyak sya.. Hindi nya kakayanin."


"Pero hindi na ako mahal ni Sarah. Naging matalik na magkaibigan lang kami.. Mahal na mahal nya si KL. And George doesn't need to stress herself. She has to move on, Shae. Pinapahirapan lang nya ang sarili nya."


Halos mapasabunot si Shae sa kanyang bubok at napahilamos. "Do you really think she is suffering from asthma? Are you really that stupid too?!"

"Shae!" si Gerda.


"What? Bakit ganyan ang hitsura mo.. ninyo?"


"Mag-ayos ka na! Bilisan mo. Pupunta tayo sa bahay nila George. Emergency!"


Patakbo namang umalis sa harap nya si Shae. "Ikaw, Nins, magbihis ka na rin kung gusto mong sumama.." sabay talikod sa kanya ni Jana.


My First LoveWhere stories live. Discover now