18

3.2K 77 0
                                    

Chapter 18

Sa ilang buwan namin ni Georgina , I mean sa kalahating taon namin, ay iniwasan talaga namin na mag-away, I mean, hanggang tampuhan lang ang inaabot ng argument namin.. Kung may galit man na isa sa amin ay hindi namin pinapaabot kinabukasan, dapat maayos namin agad. Hindi kami madaling mag-away over petty things.. but sometimes we do, when period arrives.


Bakit ba namin iniiwasan? Alam naman naming natural lang ang away sa isang relasyon but then bakit nyo kailangang mag-away kung wala naman talagang dapat pag-awayan, right? And one more thing, takot ako.. Takot ako na magaya kami kina Jana and Nath na hanggang ngayon ay wala pa ring progress. We're almost near to giving up na magkakabalikan pa sila. Nagkaroon na nga rin sila ng schedule sa pag-stay sa unit nila, e. Mondays-Wednesdays, its Nath's rules: No Jana. Same goes to Jana, only she rules every Thursdays-Saturdays. Sunday means, unit's rest. Walang tao.

"Anniversary nila Josh at Shaena, we can't be late."

"Baby, loosen up."

Nilingon ko si G. And she's smiling.. maybe she needs something.

"What?"

"I won't be here next week. Gusto akong isama ng mga pinsan ko sa pag-uwi nila.."

I arched my eyebrows. "Which means, nasa Hong Kong ka this coming week?"

Alanganin syang tumango. "Isang linggo lang naman, e. My mom asked me to go with them too."

Hanggang sa daan ay pinag-uusapan namin 'to. Why the hell she needs to go there? Alam nilang may pasok yung tao! Yung studies lang ba nya ang inaalala ko? Hindi! Pati rin feelings ko. Mamimiss ko sya. Hindi pa kami nagkakalayo ng hihigit sa isang araw!

"Focus on driving, Lacuesta."

"Baby naman."

I closed my eyes and try not to listen to her and I know I'm being a brat pero kasi.. hindi nyo 'ko maiintindihan kung hindi nyo pa nararanasan 'to. Halos buong tatlong oras naming byahe yata kinukulit nya ako.

Pagkalabas namin sa sasakyan ay agad kaming pumasok sa loob mismo ng resort..

"We're here for Ms. Nacio and Ms. Tionson..."

Ngumiti iyong nasa front desk.. at saka may tinawag. "Your room cottages are already prepared po and they are having a small party on the beach sand. May mga gamit po ba kayo?"

"Ah, yes. Meron. But we can handle it na." sagot ko.

"Sige po, ma'am. Sasamahan na po kayo ni Melvin doon."

"Thank you."

"This way po.."

Sinundan namin iyong Melvin. Huminto kami sa isang cottage. "Ito po iyong susi nyo. Magkakasunod lang po iyong cottages nyo.. Bale apat po iyong rented cottages, pangatlo po itong sa inyo at pang-apat po iyang susunod. Okay na po ba kayo, ma'am?"


"Yes. Thank you."

"Sige po, tawag lang po kayo sa front desk if you need anything else. Enjoy your stay po." umalis naman sya pagka-abot ng susi.

My First LoveWhere stories live. Discover now