033

1K 84 20
                                    

07:58 pm

Jaycee: Mae?

Maevel: Hello mom

Maevel: Ehe

Jaycee: Ano... May itatanong ako sayo.

Maevel: Yes po?

Jaycee: Lipat nalang kaya ako sa glee club?

Maevel: Nahihibang ka na ba????????

Maevel: Ano bang iniisip mo?

Jaycee: Sa totoo lang gusto kong magshift ng course

Maevel: HAHAHAHAHAAHA

Maevel: Jaycee, wag ka ngang magpatawa. 3rd year na tayo tapos ngayon mo lang naisipang magshift. Teka. Inaantok ka na no?

Jaycee: Seryoso ako

Jaycee: Jaycee Fiasco sent a voice message.

Maevel: Alam ko namang maganda at mataas ang boses mo pero shet- sana man lang nagsasabi ka kung bibirit ka ng chandelier huhu

Maevel: Napatalon tuloy ako

Jaycee: Sorry.

Jaycee: Naisip ko lang naman kasi marunong naman akong kumanta, tapos madali naman akong matutong sumayaw.

Maevel: Hindi yun e. Pangarap mo ang maging model, kaya hindi ganyan kadaling magbago ang isip mo.

Maevel: Dahil ba to kay Arid?

Jaycee: Parang

Jaycee: Ang kulit niya kasi

Jaycee: Ayaw niya akong tigilan tas kung ano-ano pang sinasabi niya

Maevel: Jace. Hayaan mo nalang siya kung ayaw mo talagang magpaligaw or what

Jaycee: Makulit eh

Jaycee: Pwede ko namang iwanan ang modeling at kumuha nalang ng course na related sa makeup... O designer nalang gaya ni mommy.

Maevel: Jace

Maevel: Hindi tayo magkakilala simula nung mga bata pa tayo gaya ng ibang magbff diyan pero kilala na kita

Maevel: At nakikita kong passion mo talaga ang pagmomodel. Sana hindi yun mabago nang dahil lang sa isang Arid.

Maevel: Wag mong hayaang ayawan mo ang pangarap mo nang dahil lang sa isang lalaki.

Maevel: Ang galing kong preacher orayt

FocusWhere stories live. Discover now