074

911 72 20
                                    

04:01 pm

Jaycee: Mommy!

Jaycee: Mom let's talk

Farrah: Jace! Come stai? (How are you?)

Jaycee: Non sto bene. (I'm not fine.)

Farrah: Why?

Farrah: May nangyari ba?

Jaycee: Mom, ako lang ba ang anak ni daddy?

Farrah: Omg?

Farrah: May anak ba sa labas ang daddy mo?!?!!!!

Jaycee: Mom, it's not that.

Jaycee: May nalaman kasi ako eh

Jaycee: Mom, pina-arranged marriage niyo ba ako?

Farrah: ...Igtg may idedesign pa akong gown he he

Jaycee: Mommy!

Farrah: Jace, sorry.

Farrah: Oo... pero paano mo nalaman yon?

Jaycee: Hindi na mahalaga yon. Bakit hindi niyo man lang sinabi sakin?

Farrah: I'm really sorry, anak.

Farrah: Nabigla rin ako, kasi daddy mo lang ang nagdesisyon nun. Naalala mo nung pinauwi kita rito at sinabi ko sayong urgent?

Farrah: Gustong-gusto kong sabihin sayo yung ginawa ng daddy mong pagpayag sa Ashprey Tux

Farrah: Pero nakita kong ang saya-saya mo at parang hindi ko naman kayang sirain yun

Jaycee: Kay Ariddale Ashprey ba ako ikakasal?

Farrah: Yes... Paano mo ba nalaman ang lahat ng to?

Jaycee: Mom, ang lalaking yon ang lalaking mahal na mahal ko.

Jaycee: Pero nilayuan niya ako sa pag-aakalang ibang babae ang pakakasalan niya pero ako pala yon

Jaycee: Hindi naman po ako galit sa desisyon ni daddy at sa pagtatago niyo nito sakin, medyo nainis lang ako kasi hindi niyo man lang ako ni-inform.

Jaycee: Pero ang saya-saya ko talaga.

Farrah: Kung ganon, wala nang problema?

Jaycee: Opo. Pero hindi ko muna sinabi kay Arid na ako yung babae kasi hinintay ko pa kayo.

Jaycee: Pero ngayong nalaman ko na, wala pa rin akong balak sabihin sa kanya kahit sigurado nang ako nga ang papakasalan niya

Farrah: Bakit naman?

Jaycee: Hindi ko rin po alam. Siguro kasi sinabi niya sakin kanina na hanggang friends nalang daw talaga kami kasi nga matatali na siya sa iba at wala na siyang magagawa

Jaycee: Siguro sasakyan ko muna ang trip niya? Haha

Jaycee: Ang sama ko ba mom :(

Farrah: Idk. Desisyon mo yan nak haha

Farrah: Okay ka na?

Jaycee: Yeah

Farrah: Sige. Bye muna ah? Kailangan kong makapag-design ng 5 gowns ngayon e

Farrah: LOL

Jaycee: Mom?

Farrah: Yes?

Jaycee: San mo natutunan yan?

Farrah: Yung LOL? Masama ba yun? Akala ko ba meaning nun Lots of Love??

Jaycee: Sa panahon ngayon mom, Laugh Out Loud na meaning niyan hahahaaha

Farrah: Ah ganun ba? Hahahaha lol.

Jaycee: ._.

FocusWhere stories live. Discover now