073

837 67 24
                                    

03:05 pm

Jaycee: Maevel

Jaycee: Maevel, thank you

Jaycee: Thank youuuu :*

Maevel: Nakalabas na kayo???

Maevel: Oh anong sabi ni Arid?!!!?

Jaycee: Alam ko na kung bakit niya ginawa sakin yon

Jaycee: Shet ang saya-saya ko

Maevel: Bakit? Ayos na kayo??? Buhay na ba ang barko ko???

Jaycee: Ayos na kami, pero hindi ko pa sure kung kailan ko maibabalik yung barko mo.

Maevel: Ano ba kasing nangyari?! Nangangati na akong malaman sabihin mo naaaaa!!!!

Jaycee: Tungkol kasi sa company nila yon. Naalala mo yung Ashprey Tux nila?

Maevel: Yeah. Anong meron?

Jaycee: Sabi niya kasi unti-unti na raw bumababa ang stocks nila kaya

Jaycee: Kaya napagdesisyonan ng mga magulang niyang ipag-merge ang company nila sa isang company na naka-line up sa clothing field din

Jaycee: At kaya niya ako iniiwasan dahil para habang maaga pa raw ay makalimutan niya na ako kasi ipapakasal siya sa iba

Maevel: Ohmygod

Maevel: !!!!!!!!!

Maevel: Nagawa ka niyang saktan at iwasan para lang sa ibang babae?!?!!!!

Maevel: Oo alam kong mahirap yung decision na ginawa ng mga magulang niya tungkol diyan sa arranged marriage na yan pero sana sinabi nalang niya ng mas maayos kaysa makipag-make out diyan sa tabi-tabi nang hindi mo alam ang totoo!!

Jaycee: Mae. Kalma lang. Masaya nga ako e.

Maevel: Ano?! Ipapakasal na sa iba si Arid tapos masaya ka pa?!!!!

Maevel: Ako kasi hindi! Ano bang company ng babaeng yan nang masabunutan na?!

Jaycee: Favoloso Fabricato :)

Maevel: What. ..

Maevel: Oh my god!!

Maevel: Clothing line niyo?!

Jaycee: Yes... Kaya wag mo akong sasabunutan ah haha

Maevel: OMG!

Maevel: Ikakasal ka kay Arid?!

Jaycee: Kaya nga ang saya ko e. Pero iyak din ako nang iyak paglabas namin sa jail booth

Maevel: Sinabi mo ba?

Jaycee: Not yet.

Jaycee: Hindi ko alam kung magiging thankful ako sa pagkakadelay ng pagpapalit ng pangalan ng Favoloso Fabricato. Gagawin na kasi iyong Fiasco Gowns.

Jaycee: Nung marinig kong sinabi niya yung clothing line namin, natigilan ako. Pero siyempre hindi ko pa nasisigurado yon hanggang hindi ko pa makakausap sina mommy at daddy

Jaycee: Mae, ikaw lang ang nakakaalam sa clothing line namin ah. Sana wag mo munang sabihin kay Arid

Maevel: Oo naman! Bakit ko naman sasabihin sakanya ahahaha

Maevel: Naiintindihan kong gusto mo munang siguraduhin ang lahat.

Maevel: Pero nahihirapan din si Arid kahit gegu siya. Kaya bilisan mong i-sail ang barko ko ah?

Jaycee: Oo oo hahaha :)

FocusWhere stories live. Discover now