#41: HIM

228 14 0
                                    

Thursday: 03/03/16 at 10:25 AM.

Whoa, super ate! Hahaha ang bait mo naman. Hindi katulad ng iba na maglalayas kapag nahihirapan na. Well tama ka nga. Lahat naman siguro pinagdadaan yan. Bahala nalang sila kung paano nila daldalhin.

I wonder if my Ate felt the same as yours. Although pangalawa siya, siya pa rin ang tumatayong panganay samin. Si Kuya kasi puro pagbubulakbol ang inaatupag. Tho may trabaho na siya ngayon. Kaso mas childish pa siya sakin kung mag-isip. Minsan nga ang sarap tuktukan non eh. Kaso di ko magawa, binibigay naman niya lahat ng gusto ko eh.

Yeah, ang sarap sa feeling maging bunso. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lalo na ngayon na pareho ng may trabaho sina Ate at Kuya. Kaso ako naman ang kawawa, lalo na pagdating sa asaran. Tapos kapag may problema sa bahay ako lagi ang pinagbubuntungan ng galit. Tsaka madalas na minamaliit nila ang kakayahan ko. Nakakairita na rin minsan.

Moving forward, ABM student ka diba? :D

Folded PaperWhere stories live. Discover now