#79: HER

154 8 0
                                    

Diary of her

Tuesday: 03/30/16 at 11:55 PM

This day was... hays.

Nakita kita. Shemay! Ang gwapo mo po. Gusto kitang lapitan kaso baka ma-wirduhan ka lang sakin. Like yeah, tatanungin mo kung sino ako at anong pangalan ko at kailangan ko sayo and then A-W-K-W-A-R-D.

Naka-long sleeve na black ka. Hindi naka-tuck in. Open ang first three button. Naka-loose yung red necktie. Slacks and black shoes. Messy hair. Shemay! Gwapo na hot pa! Ang swerte naman ng ka-date mo. Ang ganda pa ni Iyah kanina. Naka-simpleng blue cocktail dress above her knee. Yung buhok niya naka-lugay. Kumikintab pa nga, pati nga siya kumikintab sa ganda. Bagay talaga kayo. Haaaay.

Ano pa nga ba ang panglaban ko sa kagandahan niya? Wala naman eh.

Naka-dirty white dress off shoulder ako. Hanggang taas ng tuhod. Walang masyadong designs. Light make-up. Messy bun. Naka-four inches high heels. (Pinilit nilang 4 inches. Huhu kaiyak. Sakit sa paa.) Ayon lang.

Nasa table lang ako palagi, habang yung ibang kasama ko sumasayaw. Nung naging romantic yung tugtog, partner-partner silang sumasayaw. Habang ako? Nganga. Taga-nood lang. Taga-tukso.

Tapos pinapanood ko kayong dalawa ni Iyah. Ang sweet niyong tignan. Eye to eye talaga kayo habang sumasayaw. Hindi pwedeng putulin nino man. Perfect couple kayo. Marami ring nagsasabi. Ang bait kasi ni Iyah. Matalino pa. Ang ganda rin. Saan ka pa diba? Edi kay Iyah na.

Tapos sweet song ulit yung sumunod. Kaso may nagsalita. Ang sabi sa mga lalake, magsayaw daw sila ng babaeng hindi nila kakilala. Tumayo ako para pumunta ng CR. Doon nalang ako tatambay. Magkaka-diabetes ako sa sobrang tamis nilang lahat.

Kaso may biglang lumapit. Nilahad niya ang kamay niya sakin. Pagtingin ko mukha mo ang bumungad. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagdadalawang isip pa nga ako kung tatanggapin ko eh. Kaso ngumiti ka at tumango, inaaya mo ako.

Tinanggap ko. Hawak mo ang kamay ko habang papunta tayo sa gitna. Natakot ako. Natakot ako kasi baka makilala mo ako. Kaso medyo natawa ako, kasi sa letter mo lang naman ako nakilala. Kaya medyo safe.

Nilagay mo ang dalawa kong kamay sa balikat mo. Habang ikaw naman ay nilagay sa bewang ko ang dalawang kamay mo. Dahan-dahan tayong sumasayaw. Pero hindi ako tumitingin sayo.

"Hi," bati mo. Pagtingin ko nakangiti ka. Nanlambot ako sa ngiti mo. Feeling ko nga namula ako. Nakakahiya!

"What's your name?" Nagdadalawang isip ako non. Kung sasabihin ko ba o hindi. Natatakot talaga ako. Parang may alam ka kasi eh. Hindi ko alam. Or feelingera lang ako?

Tumawa ka nung hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako non. Hindi ko alam kung bakit ka tumawa. Natatawa ka sakin? Or baka sobrang pula ko na? Ewan! Huhu!

"Kyle..." Sabi ko. Nabigla ako non. Ang sarap tampalin ng bibig ko. Nagsasalita mag-isa. Nakakahiya! Hindi ka sumagot. Nakatitig ka lang sa akin. Ako naman hindi na makaiwas. Hinihigop ako ng mata mo eh.

Sana hindi 'to panaginip. Sana hindi na matapos 'to. Sana ganito nalang palagi.

Kaso natapos na yung kanta. Ngumiti ka lang tapos tumango. Tapos umalis ka na. Tuluyan na akong pumunta ng CR. Naglabas ng kilig.

But I'm happy na nakasayaw kita. Hanggang doon lang din naman. Hanggang dito lang. Hanggang sulat lang. Hanggang tingin lang. Lahat ng naiisip kong kasama kita may hangganan. Kasi alam kong hindi rin magtatagal. Mahal mo siya, mahal ka niya. Mahal kita, hanggang dito lang. Hindi pwedeng mahal mo rin ako. Kasi nga may mahal ka na. Kasi nga hanggang dito nalang.

Hanggang dito nalang. Tama na.

Folded PaperDonde viven las historias. Descúbrelo ahora