HIM

186 14 2
                                    

(A folded paper inside of white envelope.)

To: Ferish

From: Kyle

_ _ _

Apr. 27, 2016
Tuesday
10:15 am

Ferish,

Finally! Nakilala na rin kita. :)

You were that girl.

Yung lagi kong nakakasalubong sa hallway.

Ikaw din yung nakasayaw ko nong ball. Sabi na nga ba eh.

At ikaw ang babae sa likod ng mga folded papers na yon. Ikaw yung lagi kong kausap. Yung araw-araw na nangungulit. Nong una naiinis ako. Pero naisip ko, why not make friends. Hindi naman masama yung way mo ng pakikipag-usap. Kaso weird. Pwede namang sa social medias mo ako kulitin, but you really did it. An old way communication.

But to be honest, thank you.

Masaya ako kapag nakakausap kita kahit don lang sa papel. Ang sarap mo rin kasing kakwentuhan. Tapos kapag tinatanong ko pangalan mo, ang cute mo maasar at mahiya.

Tapos nong Sabado, salamat sa pagsama sakin. Nagdrama pa ako shit nakakabakla. Di bagay sakin pero salamat kasi di mo ko tinawanan.

Pero sorry.

Alam kong nasasaktan ka.

Alam mo naman na diba? Nasabi ko na lahat. Inamin ko na lahat. Gusto kita, Ferish. Gustong-gusto.

Ikaw yung tipong masarap kasama. Maganda ka kung ipapakita mo. Sobrang bait mo pa. Gustong-gusto ko yung pangungulit mo sakin araw-araw. Hindi ka talaga tumigil hanggat di ako sumasagot sa mga sulat mo.

Kaso mahal ko si Iyah.

Haha tangina diba? Ang saya.

Noong mga panahong naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Kung bakit kita iniisip palagi. Naguguluhan ako kasi nagugustuhan na kita. Tapos tangna minumura ko na sarili ko para pigilan yung nararamdaman ko para sayo. Yung pinipilit kong wag sumagot sa mga sulat mo, kahit gustong-gusto ko. Kasi mahal ko si Iyah. Mahal ko siya. Pero ako lang pala yung nagmamahal sa aming dalawa.

Nakakagago naman yung ganon. Sana sa umpisa pa lang pinaramdam na niyang peke lahat. Sana di nalang niya ako sinagot. Fuckshit magsama sila nong mahal niya. Naiintindihan ko naman siya eh. Kaso nasaktan ako. Nasasaktan ako!

Kung pwede ko lang ibaling sayo lahat, matagal ko nang ginawa.

Kaso wag na. Masasaktan ka lang. Ayokong makita kang umiyak ulit dahil sakin. Tama na yung nangyari nong Sabado. Ayoko nang maulit. Mas lalo lang akong nasasaktan.

Para na ba akong bakla sa sulat na 'to? Pasensya na. Ito talaga yung nararamdaman ko eh.

Pero tatapusin ko na.

Ito na yung huling sulat ko.

Kinukuha ako ng tito ko na nasa London para doon mag-college. Tinanggap ko. Sayang opportunity eh. Tsaka mas mabuti na yon. Para makalayo-layo naman.

May social medias naman. Pwede pa tayong mag-usap. Pero ano, ah shit paano ko ba sasabihin? Ano kasi. Friends lang ah? Oo gusto kita. Pero ayokong ibaling sayo. Parang rebound ang dating eh. Ayoko kasing umasa ka. Alam ko na yung feeling, ayokong maramdaman mo pa. Ang weird naman! Hahaha kasi ako yung lalake, tapos parang binabasted kita hahaha. Ang bakla na talaga ng dating ko dito, shit lang.

So paano ba yan? See you when I see you? No hard feelings ah? Haha :D

Pahabol!

Thank you, Ferish. I'm really sorry for the pain. Well, we're both suffering from it. But I hope someday, when we see each other again, this pain is already gone.

Goodbye.

P.S. See you someday. :)

The guy who receives your letters,

Kyle.

Folded PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon