HER

168 13 0
                                    

(A folded paper inside a white envelope.)

To: Kyle

From: Ferish

_ _ _

April 30, 2016
Friday
12:51 AM

Kyle,

Hi. :)

First of all, thank you. Wala akong masabi kung hindi thank you. Salamat.

Dahil unang-una, pinansin mo ang mga sulat ko. Sumasagot ka sa mga sulat ko. Which made me happy. Hindi mo ako pinilit na magpakikilala, though you're always teasing me.

Makulit ka rin pala. Akala ko puro pagsusungit lang. Kapag nakakasalubong kasi kita, palagi kang naka-blank expression. Or minsan masungit. Pero nagbago yung tingin ko sa'yo kapag nakakasalubong na kita. I always saw your jolly side like the way you answer to my letters.

Until I realized. I'm liking you already. Lagi na akong napapangiti kapag nakikita ko yung mga sagot mo. Or more like kinikilig? Ang cheesy 'no? Haha! Naalala mo noong sinabi ko na parang may mali? Ang mali talaga roon ang iyong nararamdaman ko. Kasi nga may nararamdaman na ako sa'yo that time.

Pero wala rin namang pag-asa yung feelings ko. My Iyah ka na eh. Full package girl. Hindi ka talo kapag siya ang girlfriend mo. Eh ako? Baka kahihiyan lang ang idulot ko sa'yo.

Pero habang tumatagal, lumalalim. Pinipigilan ko pero lalo lang lumalala. Lalo na no'ng hindi ka na sumasagot sa mga sulat ko. Parang mababaliw ako no'n kakaisip kong anong nangyari. Kung may nasabi ba akong mali. O kung ayaw mo na akong kausap. Nakakapraning kaya!

Pero kung kailan dumistansiya ako saka ka nagparamdam ulit. Pero hindi na ako sumagot. Sabi ko kasi ayoko na. Natatakot na akong sumubok. Kaso no'ng kumalat yung balita, doon lang ako nabuhayan na kailangan mo ng karamay.

At sa lahat ng napag-usapan natin no'ng Sabado, salamat! Hindi ko makakalimutan ang lahat.

You're in pain as well as I am. We're both suffering from it. But sorry for being part of it. I want to heal you but you refused.

Ang makilala ka ay napakalaking karangalan na para sa akin. Pero paano pa kaya na may gusto ka sa'kin? Mababaliw yata ako.

Pero gaya nga ng sinabi mo, let's find each other's self. Masyadong maraming nangyari. Magpahinga muna tayo sa sakit at lungkot. At saka bata pa tayo. Though you're on your legal age and I'm getting there. Haha!

Oo nga pala, ingat ka sa London ah? Good luck sa college life. I'm sure magkakaroon ka ng magandang career doon. Tiwala lang.

So paano ba 'yan? Is this the last? I think nope!

Until the day we're free from this pain. Until the day we see each other again.

Goodbye, Kyle.

P.S. See you someday, too. :)

The girl who sends you letters,

Ferish.

Folded PaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon