Diary
Saturday: 04/24/16 at 2:44 pm
Pupunta ba ako o hindi?
Natatakot ako. . .
Nasasaktan ako. . .
Nasasaktan siya. . .
Nakakainis ka naman kasi Iyah! Bakit ganon ka? Hindi mo na sana siya sinagot kung ayaw mo sa kanya di ba?
Kung gaano kaingay ang balitang naging kayo, doble naman ang ingay ng usap-usapang wala na kayo.
Lumayo na nga ako oh. Dumistansya na nga ako eh. Para sa inyo.
Tapos malalaman kong nasaktan siya dahil sayo? Haha! Ang galing. Double pain yung akin.
Nasasaktan ako dahil sa inyo at dahil sa kaniya. Idagdag mo pa pala yung katangahan ko.
Isa kang dakilang paasa. Si Kyle naman dakilang umaasa. At ako? Dakilang tanga. Watta wonderful story! :)
So ano na nga? Sisipot ba ako? Makikipagkita na ba ako sa kanya? Ipapakilala ko na ba kung sino ako? Malapit na mag-alas tres oh. Baka naghihintay na siya don.
Pero sabi ko dati hanggang dito nalang diba? Di ba?
Nakakainis naman! Bakit ba nangyayari 'to. Mas mabuti pang iiyak ko muna to.
![](https://img.wattpad.com/cover/63764920-288-k450108.jpg)
VOCÊ ESTÁ LENDO
Folded Paper
Ficção AdolescenteHim. Her. A simple conversation on a folded paper. Started: Feb. 2, 2016 Republished: July 2016 Finished: Jan. 18, 2017 (Credits to the owner of the picture.)