Chapter 13

188 10 0
                                    

XIII



-

Anong oras na rin nang makaalis ako sa clinic. Nasa likod ko si Bambam. Nakasunod siya kanina pa. Napagpasiyahan ko ng umuwi na lang at hinatid ako ni Bambam. Ibig sabihin mula umaga binantayan ako ni Bambam. Teka ilang oras ba ako nandun?

 

"Hindi ka ba pumasok kanina?" umiling siya. "Bakit hindi ka pumasok? baka ako pagalitan ng mama mo. Hindi ko desisyon na hindi ka pumasok sa klase mo at bantayan ako ah" Tumango tango lang siya. Hindi kami dumiretso sa condo ko. teka bakit nga ba?


Tumingin ako sa kaniya pero hindi siya tumitingin saakin. Bakit ang hirap basahin ng lalaking 'to?


"dadalhin kita sa bahay, Mag dinner daw tayo sabi ni mama" Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya magdrive.


Nang makarating kami sa bahay nila sinalubong ako ng lola niya. "Abigail, tara kumain na tayo ng dinner" sabi pa nito at nagpunta na kami sa Dining area.


"Ako ang nagpasabing magdinner tayo ngayon. Gusto ko sana mapadali ang kasal niyo" Oh my gosh! Bambam!! magsalita ka naman!!!


"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Ano kamusta? gusto niyo na ba yung isat-isa?" Napatingin ako kay Bambam na magsasalita.


"Opo lola. Mahal po namin ang isa't-isa" Halos piratin ko yung paa ni Bambam dahil sa sinabi niya. Paano na lang yung girlfriend niyang kung umasta akala aagawin lagi si Bambam.


"Well mabuti naman kung ganyan. Oh siya tapusin niyo na ang pagkain niyo at matulog na tayo" sabi pa ng lola niya. Arrghhh. Ano bang pumasok sa kokote niya.


-<



"Ano bang pinagsasabi mo sa lola mo ha? na mahal natin ang isa't-isa. Aba ikaw ang gumagawa ng kwento at wag mo kong pagbintangan" dire-diretso kong sabi.



"Sumakay ka na lang. Matanda na si lola kaya wag ka ng umapila baka kung anong mangyare pa" sabi niya. Teka saan kami pupunta. Uuwi na ako. Gusto ko ng umuwi. Nakapang uniform parin ako.


"Huy, uuwi na ako" tumigil ako sa paglalakad. tumigil din siya.


"Dito ka na daw matulog sabi ni lola at ni mama. Sumusunod lang ako sa kanila" sabi niya at diretsong naglakad tsss. pinapasok niya ako sa isang kwarto na malaki. Light gray ang color ng dingding at puti. Light gray and white ang mga paintings doon. May isang higaan doon pero malaki.


Pumasok muna siya sa loob pati ako. Dito daw ako matutulog ngayon. Hindi na ako makakatanggi dahil sinabi na iyon ng mama at lola niya. "Sir mamaya na daw po kayo lumabas. May pag-uusapan sila. Dito lang daw po muna kayo at bantayan siya" sabi nung katulog nila at tinuro pa ako. Tumango lang si Bambam at umupo sa kama.


Napaisip ako kung anong pag-uusapan nila. Bakit pati ang anak na tong si Bambam hindi isinali?. Parang may nangyayare na sa baba. "Huy, anong nangyayare?" tanong ko sa kaniya

Marrying Got 7's BambamWhere stories live. Discover now