Chapter 29

87 5 0
                                    




^^

Napadilat ako at napapikit ulit nang naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko.

Si Insan pati ba naman buhok ko kaiinggitan. Hinayaan ko na lang ang naghahaplos sa buhok ko pero nagulat talaga ako nang may maramdaman akong paghinga sa mukha ko at sa labi ko.

Pagkadilat ko ay nakita ko si Bambam na sobrang lapit sa mukha ko! Tinulak ko siya at tumayo.

"Bakit ang lapit mo? di mo ba alam yung distansya?" ramdam kong pulang-pula na ang mukha ko.

Humakbang siya papalapit sakin.

"Ooops lumayo ka!" imbes na lumayo siya ay mas lalo pa siyang lumapit.

"Ano ba Bambam?" sa sobrang lapit niya ay wala na akong maatrasan tumigil ako at hinarap siyang nakatingin lang sa mata ko.

"Ma---- lalaglag ang vase" sabi niya sabay hawak sa vase na nasa likod ko at malayong mabasag.

Napatingin kami sa pinto nang bumukas ang pinto niya.

"Bambam" nagbago ang tono ng babaeng ito ng makita na ako.

"Freya anong ginagawa mo dito?"

"Nagbake kase ako ngayon gusto ko lang ipatikim sayo. May bisita ka pala. Di bale kukuha muna ako plato tikman mo ah!" sabi nito at duniretso sa kusina.

Yung tipong sanay na sanay siya na nandito. Ano kayang ginagawa nila pag sila lang yung nandito? Yung silang dalawa lang?

Naiinis ako. Naiinis ako sa di malamang dahilan. Makita ko lang ang mukha niya naiinis na ako. Nagbago ang mukha niya. Nangitim siya at nagmature ang itsura.

"Tikman mo Bambam masarap 'to!" sinubuan niya si Bambam sa mismong harap ko.

Cooking show ba 'to? tikiman ba 'to? at sa harap ko pa. Maglalandian na nga lang sa harap ko pa nakakasuka.

Tumayo ako at inayos ang buhok ko.

"Mauuna na ako. salamat" sabi ko na parang wala lang. Na parang wala lang yung nakita ko silang dalawa. Na parang wala na akong pakielam sa kanya. Kaya lang parang. Ang hirap baguhin.

Nakita kong tumakbo siya para habulin ako pero pinigilan lang siya ni Freya.

Kailan kaya sila ikakasal? Tagal na rin pala nila ilang taon na at hanggang ngayon pa.

Mas masaya kaya siya kasama si Freya?

Hindi ko alam kung saan ako maglalakad pero nang makita ko ang elevator ay pinindot ko ang down. Sa kabilang elevator ay nakita ko din ang paglabas ni Jaebum.

Tumakbo ako at yinakap siya.

"Anong nangyare?"

"Khena" isang pagod na pagod na boses ang tumawag sakin. Hindi ko siya nilingon at pinansin. Ramdam na ramdam ko ang pagtataka ni Jaebum pero hindi man lang siya nagtanong.

Nanatili kami sa ganoong pwesto at nakita kong nagsenyas si Jaebum at tumango si Bambam. Sinamahan ako ni Jaebum pababa ng elevator.

"Hindi na kita maihahatid sainyo magtaxi ka na lang. Sorry Khena may kailangan lang talaga akong puntahan"

"Hindi Jaebum. Nakaabala ako sorry. Salamat" sinarado ko ang pinto ng taxi at sinabi ang address ko.

Marrying Got 7's BambamWhere stories live. Discover now