Chapter 4

691 30 5
                                    

iv.

-

Ilang minuto lang ay may narinig akong kumatok sa pintuan. Dali-dali kong binuksan.

" Pasok k--" napatigil ako sa pagsasalita namg makita ko ang lalaking perv sa harap ko. Nakatshirt lang siya ngayon pero parang magmomodel.

"Bakit andito ka?" tanong namin ng sabay.

"Bakit pinapunta ako eh ikaw bakit andito ka?" tanong niya. Teka sino siya dun? si Jr ba siya o si Bambam?

"Aba kaibigan ko si Mark, kanina ko lang nakilala." sabi ko at nagroll eyes

"Mark alis na ko ah. tawagan mo na lang ako " binigay ko ang numero ko sa kanya kanina.

"Dito ka muna" hinawakan niya ako sa wrist at hinila palapit sa kanya. Kahit na kinikilig ako ay nagawa kon tanggihan siya dahil sa mayabang at perv nandito.

"Ahhm kase hinahanap na ako uh, may tumatawag sakin " sabi ko at kunwaring may tumawag sa cellphone ko.

"Hello, Opo, papunta na ako, opo bye " sabi ko at kunwaring inend yung call.

"Ahh. bye na ah. sorry pagaling ka ah" sabi ko at akmang hahawakan na yung door knob.

"Sige ingat ka" pahabol nito. tapos hinawakan ko na yung door knob at inikot.

"Wag ka ng bumalik" bulong ni Perv. psh. Bubulong na nga lang eh rinig ko pa.

Tumakbo na ako pauwi nako baka wala na akong masakyan. Matapos ang ilang minutong paghihintay may mini bus nadin. Sumakay na ako tapos nagbayad. Nang makarating na ako sa village ay bumaba na ako. Tinakbo ko  na agad ang distansya papuntang apartment.

Dahil sa aking pagkabored naisipan ko na lang pumunta sa kanila bukas.

Kinabukasan ay kumuha ako ng para sa pamasahe ko papuntang bahay. Wala man lang akong kasama sa apartment.

"HELLO!"sigaw ko nung makapasok ako. Gulat sila nang makita ako. Niyakap ko sila at pinakain nila ako ng fries.

"Kamusta naman dun ate? okay ka lang ba?" tanong ni Karen?

"okay lang naman kaso wala eh boring ako lang kase, ako lang mag-isa" sabi ko.

"Ate gusto mo sumama ako sayo dun. gusto ko rin tumira don." sabi niya at tumawa. alam ko namang gusto niya din eh. kaso malay ko ba bakit di siya sumama

"Nga pala pano na si mama diba."tanong ko. at kumuha ulit ng fries.

"Ate babalik daw si mama sa Korea pinapatawag siya ni papa eh." sabi ni Karen na ikinagulat ko. Whut! tama ba narinig ko? baka may tutuli lang ako.

"Weh! kung gan'on sama ka na sakin. eh kelan ba aalis si mama?" tanong ko at kumuha nanaman ng fries halos maubos na. Mahilig ako sa fries.

"Bukas na nga eh. pupuntahan ka sana namin ngayon kaso ayan pumunta ka na eh." sabi niya at kumapa ng fries. eh ubos na eh naubos ko na hehehe. bigla naman siyang napatingin sakin. grabe ang dami kong nakain kanina sobrang dami neto eh.

" Ubos na! ayyss. takaw mo talaga sa fries." sabi niya at tumayo.

"San ka pupunta?" tanong ko.

"Hehehe. may fries pa dun sa kusina eh. ang dami ko kaseng niluto."

"Ate nakahanda na damit ko lilipat na ko mamaya. tsaka dun narin muna si mama. para daw makita niya rin yung apartment mo."

"eh pano na tong bahay natin" tanong ko. sayang naman toh. anong gagawin na dito?

"Atin parin toh. kung gustong umuwi pwede naman eh. tsaka tayo lang naman dito eh. parang bakasyunan narin." sabi ni mama

"Ma, eh yung apartment atin ba yun? hehee" kase baka hindi saamin eh.

"oo atin yun." sabi ni mama at pumunta na sa kwarto niya. kinuha niya yung maleta niya.

"Tara na!" sabi niya kaya um-oo kami tapos inubos na yung fries. nakapag-ayos narin sila dito pinaghandaan talaga.

"Lock mo ah." sabi sakin ni mama. at hinagis yung susi. Sinambot ko iyon at hinatid na kami ni Kuya Mike.

-루

Marrying Got 7's BambamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon