Chapter 39

50 3 0
                                    




-

Hindi ako makahinga sa nakadagan sakin. Inalis ko at akala ko kay insan ang braso pero braso ng lalaki.

Nanlaki ang mata ko at sinipa siya kaya nahulog sa kama.

"Manyak ka" sabay hawak ko sa katawan ko at silip sa damit ko. Nakasuot pa sakin. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Nakapang-alis pa siya at tamad na tumayo.

"Nasan ako?" inikot ko ang mata ko at nasa condo niya ako. Bakit ako nandito?!

"Anong ginawa mo sakin?" sigaw ko at kinusot niya ang mata niya.

"Alam mo ba kung anong nangyare kagabi?" nanlaki ang mata ko at pinagbabato siya ng unan.

"Manyak ka manyak ka" paulit-ulit kong sigaw habang siya naman ay tumatawa. Nang matapos siya sa kakatawa ay tumayo siya at tumabi sakin.

"Never ko pang gagawin sayo yon kaya wag ka mainip. Hintayin mo muna na makasal tayo. Kung gusto mo mangyare yon pakasalan mo na ako ngayon" sabi niya sabay taas baba ng kilay.

"Manyak!!" sigaw ko at sinipa ulit siya. "Wala nga kong ginagawa sayo"

"Saakin wala kang ginawa pero kay Freya meron. Manyak ka!" napakamot siya sa ulo.

"Kailan ba papasok sa utak mo na walang nangyare saamin? ikaw lang okay?" pumasok ako sa banyo at naligo.

Kadiri! Paano ba ako napunta dito?

Habang nasa cr ako ay narinig kong may pumasok.

"Pinaghanda kita ng adobo. Kainin mo lahat at ginawa ko yan para sayo lang" masayang masaya ang boses ni Freya.

"Freya tumigil ka na"

"bakit? dahil nagbalik nanaman siya? kailan mo ba ko matututunang mahalin?"

"Umalis ka na" mahinahon ang boses ni Bambam.

Nagsimulang umiyak si Freya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Kung hindi talaga anak ni Bambam ang dinadala niya. Kanino iyon?

Matapos ang ilang oras ay lumabas na ako ng banyo. Nagpakalunod kase ako sa bath tub.

Pagkalabas ko ay natutulog na si Bambam. Ang bilis niya namang antukin. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan lang siya na mahimbing na natutulog.

Kukumutan ko na sana siya kaya lang hinila niya ang kamay ko at hiniga niya ko sa tabi niya.

"dito ka lang" niyakap niya ako at dumilat siya.

"wag ka ng aalis. Dito ka lang sa tabi ko." nakikiusap ang boses niya kaya tumango ako at lumapit sa kanya.

Ilang minuto ay bumulong ako. "mahal na mahal kita ng sobra" dinilat ko ang mata ko at akala ko ay natutulog siya pero pinapanuod niya lang ako. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at lumayo.

Nakakahiya! Para siyang aliw na aliw na bata na nanunuod ng cartoons sa sobrang tuwa.

"Ulitin mo nga" pang-aasar niya at tinatanggal ang unan sa mukha ko.

"Ayoko"

"Ulitin mo" hinila niya ko at kaharap ko na siya. Pumikit ako.

"mahal na mahal kita" nahihiyang sabi ko at hinalikan niya ko sa noo.

"Mas mahal kita" niyakap niya ko ng mahigpit.

Natapos ang araw na masaya ako. Yung tipong alam kong masaya ako pero nakakatakot.

Nakakatakot maging sobrang masaya kase baka mamaya may kapalit din. Niyaya niya akong puntahan ang mga kaibigan ko na kasama siya.

Nagsuot ako ng jacket at sumbrero ganoon din siya. Hindi naman kami siguro makikilala diba?

Marrying Got 7's BambamWhere stories live. Discover now