Chapter 14 - Forest

3.3K 83 0
                                    

Hera

Mahirap ang mga naranasan ko this past few days. Those trainings really gives me a hard time. I thought na pareha lang ang training ng rookies at superior hindi pala. Nasanay na rin kasi kami na madali lang ang training.

Ang training kasi ng mga rookies ay basic lang at ang sa mga superior naman ay to the highest level na. If they want the rookies to achieve a higher position dapat simula palang mahirap na ang training. Kapag naging superior sila, maninibago ito dahil sa hirap ng training and this is what's happening to me and the girls right now.

At ngayon nga nandito kami sa isang forest. Actually pasukan pa lang sa forest. Malapit lang din ito sa Central Valeria. Kung bakit kami nandito? It's because Coach Andrea wants us to find the INGREDIENTS, individual pa.

"Students, I will give you this tiny chip, it's a tracking device. Kung mawawala kayo sa forest we can easily track you" may ipinakita siya sa amin na maliit na chip atsaka ibinigay sa amin isa-isa. Parang kasing laki lang ng kuko ko sa sa daliri.

"Oh and by the way, there are lots of monsters inside the forest. If it will attack you, lumaban nalang din kayo, or kill it nalang. Sige na superiors. Pagkatapos niyong mahanap lahat ng ingredients, balik agad kayo sa central valeria, nandun lang ako, magshoshopping. Geh bye" pagkatapos nun ay bigla nalang siyang nawala na parang bula. Si coach Andrea parang hindi coach. Ang sabi nga niya maraming halimaw sa loob ng gubat na 'to  pero pababayaan niya kami dito? At inuna niya talaga ang shopping niya! 

"So guys lets start" Sabi ni charles at unang pumasok sa forest. Sumunod na din kami sa kanya pero naghiwalay na din kami sa loob, individual to kaya we have to part ways.

Now I need to find 3 liferoot, mystic dust and 5 dead poison Bees. What the heck, where will I find all of this? Hindi ko nga alam kong ano itsura nito eh. I hope this day is not as bad as I think right now.


After 3 hours


Mayroon na akong dalawang liferoots, mystic dust na nakuha ko malapit sa waterfalls at limang poison bees, isa pa to. Nahirapan akong patayin ang mga ito ang liit kasi at ngayon ang kulang ko nalang ay isa pang liferoot. Kung nagtataka kayo kung paano ko nakilala ang mga ingredients, instinct ko lang. I trust my instinct so much and I don't blame it if ever mali nga ako.

Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng liferoot nang may nararamdan akong nakamasid sa akin. Dahan dahan akong tumayo galing sa pagkakaupo. I was resting not until now. Dahan dahan akong lumakad paalis pero nakasunod parin ito sa akin. Sh*t sino ba ito? Tumakbo na ako baka kasi isang kradian to. Wait, kailangan kong malaman kung sino ito.

I used my ability and turned myself invisible. Hindi na ako tumatakbo ngayon at nagtago ako sa likod ng puno at nakita ko ang sumusunod sa akin. Hindi klaro ang mukha niya dahil nakahoodie siya. Masama ang pakiramdam ko sa kanya dahil sa kulay itim ang hoodie niya. Majority of the bad guys kasi ay may pagkagusto sa kulay itim. 

"Nasaan na siya? Dilikado pa naman dito"dinig kong sabi niya.

Maingat ko siyang nilapitan. Hindi ako gumawa ng ingay hanggang sa abot kamay ko na siya. Hindi niya naman ako nakikita kaya sinuntok ko siya sa tiyan. Napaluhod siya at napahawak sa tiyan niya.

Susuntukin ko ulit sana siya pero nasalo niya ang kamao ko na siyang ipinagtataka ko. Paano nangyari iyon? I'm using invisibility right now so why?

Nagpakita ako sa kanya at magkaharap kami ngayon pero may nakatakip sa mukha niya. Gagamitin ko sana ang isa ko pang kamay pero pinigilan niya ito at pwersahan akong pinahiga sa lupa. Napatingin ako sa mukha niya kahit may nakatakip at napatitig ako sa mga mata niya. Rainbow? Nagmamalik mata lang ba ako?

It Runs in the Blood(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon