Chapter 20 - Iris

3.3K 70 0
                                    

Hera

Bakit nandoon si Eve? Does she know something? No, hindi na kailangan pang tanungin iyon. May alam siya sa nangyayari. We don't know her pero parang may alam na siya na hindi namin alam. She knows Thalia and Daphne is a princess, sigurado ako doon. She wouldn't react if she doesn't know.  Si Cyrine nalang ang bahala sa kanya. For now, hahanapin ko muna ang mga kalaban na nakapasok dito.

"Hera, focus" napatingin ako sa nagsalita. It's Luke, nagtetraining kasi kami ngayon, element training pero hindi ako makapagfocus dahil sa nangyari. 

"Sorry"

Napabuntong hininga naman siya. "Mabuti pa magpahinga ka na muna"aniya. Tumango naman ako at pumunta sa gilid at umupo.

"Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kahapon?" tanong ni Daphne na katabi ko lang na nagpapahinga.

"yeah"

"Huwag mo ng isipin iyon, tatanda ka niyan ng maaga" biro niya atsaka tumawa ng mahina. Sorpresa akong napatinting sa kanya. Kailan pa natutong magbiro ang babaeng to?

"Don't give me that look Hera, minsan na nga lang ganito eh"sabi niya. Teka lang ang saya yata ng babaeng to. OMG di kaya inlove na rin 'tong babaeng to?

Nginitian ko siya. "Sorry, so who is the lucky guy?" tanong ko at napakunot noo naman siya. Now its my time to shine! "What are you talking about?" tanong niya at umiwas ng tingin. Palagi nalang niya akong tinatanong kapag may problema kaya ngayon ako naman. 

"Don't me Daph, ramdam kita at ganyan din ang nararamdaman ko nung sinagot ko si Luke" sabi ko sa kanya. Di kaya may boyfriend na to? Ang saya lumalovelife na rin ang kaibigan ko.

"Hera wala pa akong boyfriend, atsaka kailan ka pa naging Thalia?" sabi niya kaya napatawa ako. Dahil palagi kaming magkausap ni Thalia mukhang nahawa nga yata ako sa kabaliwan niya.

"Wala PA, so sasagutin mo na?" inirapan niya naman ako kaya mas lalo akong natawa.

"Bebe Charles, tayo naman ang magpartner sa training" rinig naming sigaw ng isang babaeng tuko - este ni Marian kaya napatingin kami sa gawi nila. Napatingin din ako kay Daphne.

"Ang landi ng babaeng to, kitang ayaw ni Charles " basa ko sa isip niya. I gulped when I felt the murderous aura surrounding Daphne. She's so scary! Wait-- is she jealous? Tiningnan ko ulit sina Charles at Marian. Nagawang matanggal ni Charles ang kamay ni Marian na nakakapit sa kanya at tumakbo palayo. Hinabol naman siya ni Marian. 

"Daph, help me!"sigaw ni Charles nang makalapit sa amin at nagtago pa sa likod Daphne.

"Ano ba Charles, hindi ako puno para pagtaguan mo" iritang sabi niya. Tahimik lang ako sa gilid baka kasi sa akin pa magalit si Daphne and I'm still enjoying their little show.

"Daph naman. Hindi ka ba nagagalit na may babaeng naghahabol sa akin?" gusto kong matawa sa sinabi ni Charles pero pinigilan ko lang dahil tumaas ang kilay ni Daphne. Ang cute ng dalawang 'to. Ngayon ko lang din nakita si Charles na ganito. Ang seryoso kaya ng lalaking 'to tapos parang tuta naman kapag usapang Daphne na, pag-ibig nga naman.

"No and why would I be angry? Sa pagkakaalam ko hindi tayo magkaanu-ano and we are not even friends" pagkasabi nun ni Daphne ay nakita kong nag-iba ang mukha ni Charles. He suddenly become gloomy. Daphne is showing the opposite of what she thought earlier. Akala ko nagseselos. Ibang klase din kasi si Daph. Wala talagang pake sa nararamdaman ng iba pero hindi ko naman siya masisisi dahil totoo naman ang sinabi niya. They are not really friends. 

It Runs in the Blood(Completed)Where stories live. Discover now