CHAPTER 14

440 10 0
                                    

"Ano'ng kailangan mo?", ni Monina sa kaharap.Pauwi na sana siya ng mag text ito at may sasabihin lang daw.Ikalawang beses na ito kaya pinagbigyan na niya.Nasa loob lang sila ng cafeteria.
"Won't you sit down first?As I said this won't take long.", kalmadong sabi nito.Umupo na si Monina opposite kay Nerissa.Maganda itong tingnan sa midnight blue dress nito.Lutang na lutang ang kaputian.Nerissa sip her coffee first habang inip na naghintay si Monina sa sasabihin nito.Nang bumuntong-hininga si Monina ay siya namang panimula ni Nerissa.
"Me and Allen wanted to start a new life in America.Of course with his families blessings..
Monina cut her.
"So?kailangan nyo din ba ang blessing ko?Well, you can both go kahit saan niyo man gustuhin.", Monina said calmly.
"But Felicity is Allen's concern.And the reason of his hesitation."
"Well you can tell Allen na ako ang ina ni Felicity.Ang nagbuntis, nagluwal at nag-alaga sa kanya.Kaya kong buhayin ang anak ko.Di man kasingrangya ng buhay ng ama niya pero I can raise her sa paraang kaya ko at matino.", diin niyang sabi.
Nerissa look at her.
"Why not give Felicity to us instead.We will raise her in the States.She will have the best life and education.And I assure you di namin siya ipagdadamot sayo."
Nag-init ang mukha ni Monina sa narinig.
"Did you hear your self Nerissa?", pigil ang galit niyang sabi.
"Come on Monina.We are offering you that would guarantee Felicity a good life."
"Ang kakapal niyo talaga no? Hindi produkto ang anak ko at hindi tinda ang anak ko para mag offer kayo ng ganyan.", halos maluluha ng sabi ni Monina sa galit.
"Come on Monina.Baka naman umaasa ka pang balikan ni Allen at gagamitin mo Ang anak niyo.", inis na ring sabi ni Nerissa.
At di na nga natiis ni Monina at sinampal ng malakas ang kaharap.Kapwa na sila napatayo.At dun na lumapit si Carlo ang security guard nila at si Lota ang kasamahan niyang server.
"Ang kapal mong sabihin yan babae ka.At baka din nakakalimutan mo na kahit hiwalay na kami ng asawa ko, mag-asawa pa rin kami sa batas.At ikaw mananatiling kabit.Kabit lang.", ni Monina na hawak ni Carlo.Habang si Lota ay galit ng sinabihan si Nerissa na umalis na.Mabuti nalang nakaalis na ang ilang customers.Pero alam nila Lota na maya-maya may darating na naman.
"Are you sure of that Monina na kabit lang?", ni Nerissa with her sarcastic laugh.Natigilan si Monina.Nagtataka.Nagsalita uli si Nerissa bago pa siya magtanong.
"Fake ang marriage niyo.You can ask his Uncle, yung judge na nagkasal sa inyo."
Napaupo si Monina ng makaalis na si Nerissa.
"Mon, inumin mo muna tong tubig.", nag-aalalang sabi ni Lota.Nablangko sandali ang utak niya.Inayawan niya si Lota.Bumalik na si Carlo sa pwesto niya ng sabihin niyang okay lang siya.
"Nina, your phone is ringing.",
Nabigla pa siya sa narinig.Tiningnan lang niya ang nagsalita.At tumayo na siya at dahan-dahang naglakad palabas.Ayaw pa niyang umuwi.Gusto pa niyang mapag-isa.
Biglang may humila sa kanya.Saka lang siya natauhan.Muntik na pala siyang masagasaan.Akala niya nag stop na.
"Nina, I'm taking you home.", its Mikel.Di niya namalayan sumunod pala ito paglabas niya.Lumingon siya at tumitig dito.Naisip niya tama nga ang mga sinasabi nito noon.Failure siya.She's living with a man na technically hindi naman pala niya asawa.Napansin niyang nagtaka ito.
"Ayoko pang umuwi.", mahinang sabi niya at ibinalik na ang paningin sa kalsada.Pigil ang luha.Naaawa sa sarili.Nag-iisip kung saan pupunta.Pasado alas otso na pala ng maisipan niyang i-text ang mama niya na mala-late siya ng uwi.Ayaw din niya kay Sherry magpunta.
Tahimik lang sa tabi niya si Mikel.
"Umalis ka na.", tanging nasabi niya sabay lakad palayo.
"At san ka pupunta?", nakasunod na naman si Mikel.
"Bayaan mo ako.", aniya na mas binilisan ang lakad.
"Okay, after I call Steffen.", anito.Napahinto si Monina para harapin si Mikel na nag-dial na sa phone.Hinablot ito ni Monina at ini-off.At inilagay uli sa kamay ni Mikel.
"What?", nagtatakang tanong nito.
"Gusto kong mapag-isa.", diing sabi niya.Di niya alam kung bakit andidito ito ngayon.Kung ano na naman ang trip nito sa buhay.
"At that state?", with arms crossed against his chest.
Nakukulitan na talaga si Monina.
"Ikaw ba'y nagtitrip na naman Attorney Mikel?please lang..wag ngayon.Wala ako sa mood.", sabay lakad ulit.Pero hinila siya nito pabalik.Mas malakas pa siyang hinila ng magpupumiglas siya.
"Ano ba!", pasigaw niyang sabi.Halos madapa siya sa kakahila nito.Tumigil lang sila ng nasa tapat na sila ng parking area sa cafeteria.
Binuksan nito ang driver's seat at pwersahan siyang ipinasok nito at tsaka sumunod itong sumakay.
"Sa'n mo ko dadalhin?", galit niyang tanong.
"Don't worry I won't harm you.", ang sagot nito.
After a ten minute drive pumasok sila sa mataas na gate.Tingin niya triple ito sa height niya.May mga puno sa magkabilang gilid papasok, at huminto sila sa tingin niya sa may dulo ng daan. .Namangha siya pagkababa.Nilingon niya si Mikel na nakasandal sa sasakyan.
"You can take a walk...alone.Hihintayin kita dito kung gusto mo ng umuwi.", anito.
Tiningnan ito ni Monina.
"Don't worry.I own this place.", anito sabay sindi ng sigarilyo.
Hindi na siya nagprotesta pa.Naengganyo na rin siyang maglakad.Malawak ang lugar.May stone path sa gitna na may lamplight sa kaparehong mga gilid.At napapalibutan din ng mga bulaklak.Sa may di kalayuan tanaw niya ang parang cottage house.Nang makarating sa cottage ay umikot siya sa likuran nito.Nawala tuloy sa isip niya ang sakit at lungkot dahil sa curiosity niya sa lugar.Gandang-ganda talaga siya sa paligid.Nakakarelax pagmasdan ang mga bulaklak.At lalo pang napahanga sa likuran ng bahay.May lake.Nagtataka tuloy siya kung gaano kalawak ang pagmamay-ari ni Mikel.Habang nakatayo sa gilid ng lake na lalong nagpapaganda ay ang tanging liwanag mula sa buwan.Muli naalala ang kabiguan sa buhay.At siguro dahil sa serenity ng lugar di na niya napigilang umiyak.Kahit anong pilit niyang pagtaas ng mukha ay di talaga papipigil sa paglaglag ang mga luha niya.Awang-awa sa sarili.Bakit mo ito nagawa lahat sa akin Allen?Pati kasal natin ay kasinungalingan lang.Ano pa?Ano pa Allen?Hindi mo rin ako totoong minahal?Na nagkataong napakatanga ko at nabuntis mo?God..Ang sakit naman.Ang hirap namang intindihin.
Napahagulhol siya yakap ang dalawang tuhod.Sobrang bigat sa dibdib niya.Na parang gusto niyang isigaw para mailabas ang lahat.

Kailangan KitaWhere stories live. Discover now