Chapter 49

340 7 6
                                    

Pabagsak na naupong sofa si Monina.
"Kumusta'ng lakad mo.Tapos ka na ba mag-enrol?", ni Laura sa anak isang hapon.
"Hi ma.", ni Felicity na nagdala ng orange juice sa ina.
"Thank you baby.", ni Monina sabay halik sa anak."Natapos din sa wakas ma.", ni Monina na tinitignan ang anak na nagpaalam para para ayusin ang mga padalang school supplies ng ama.Excited kaagad ito na mag-umpisa ang klase.
"Chance mo ng makatapos Monina.Si Felicity ang laging isipin mo kung bakit kailangan magpursige.", ani ng ina na nasa kusina nila.Nilapitan ito ni Monina.
"Tama na yung minsang pagkakamali ko ma.Hinding-hindi ko na po yun uulitin.", matapang niyang sabi.Pero may kirot pa rin sa dibdib niya pero nangako na rin siya sa sarili na hanggang doon na lang yun.Mas maraming dapat unahin at nararapat lang na gawin.
"Anak, hindi ko sinasabing hindi ka na mag-asawa.Gusto ko ring maranasan mo ang sayang naranasan ko sa ama mo.Iyong minamahal ka, nirerespeto at inaalagaan.Pinapanalangin ko pa rin sa iyo yun Monina.Pero pagkatapos mo munang maabot ang pangarap mo.Para mas may kumpyansa ka.", ni Laura na nagpigil lang na maiyak.Pero si Monina ay di na maawat ang pagluha.Niyakap niya sa likuran ang ina.Higpit ng yakap lang ang naging tugon niya doon.Ayaw na niyang magsalita pa at baka maiiyak pa siya lalo.
Habang si Selena na kanina pa nakamasid sa dalawa.

***

Sa unang dalawang linggo ng pasukan ay nag-aadjust si Monina.Maliban sa mas karamihan sa kaklase niya ay mga teenagers, sa oras din.
Pero unti-unti ay nakasanayan din niya ang oras.
Si Felicity ay hatid-sundo ng driver nina Allen kaya kahit papano ay di siya masyadong naaabala.
Pero may mga gabi pa ring umiiyak siya.Iniiyakan ang alaala ni Mikel.Sobra-sobrang sakit pa rin sa dibdib.Pag mag-uusap ang ate niya at mama niya tungkol sa trabaho ay lumalayo siya.Ayaw niyang makarinig ng tungkol kay Mikel.Pag may lakad ang ate niya kay Sherry ay di siya sumasama.Nilalambing nalang niya si Sherry through calls o kung minsan pinapadalhan niya ito ng self baked cake niya.Lahat gusto niyang iwasan.Kahit sina Viola, Steffen, ang lahat.Lalo na no'ng nag-invite si Christina through Selena sa pagbubukas ng dalawang clinic nito.Idinahilan niya ang paghatid kay Felicity kina Allen.At doon na rin niya inubos ang oras niya.Nagawa na niya ito ng tatlong buwan.Kaya laking sorpresa niya ng isang hapon paglabas niya ng campus.
"Paul.", ni Monina paglabas ng gate ng paaralan.Nakatayo ito sa tapat ng sasakyan niya.
"Bagay sayo maging estudyante Mon.", tawang sabi nito.
"Compliment ba iyon?", ni Monina.
Natatawa nalang sila pareho.
"Maaga pa naman, pwedeng mag-pizza muna tayo?", ni Paul.
Past 4 lang ng hapon.
"Wow, come on.Anong kasalanan ko na kahit pizza ay di ako mapagbigyan.", dramang sabi nito.Bumenta naman ito kay Monina.Ayaw naman niya gawing obvious ang pag-iwas niya dito.
"Pa'no mo nalaman schedules ko?", ni Monina ng makaupo na sa sasakyan ni Paul.
"I have my ways.", ngiting sabi ito.
"Sus, si Sherry at Ate lang naman yang mga ways mo.", natatawang sabi ni Monina.
"Haha..anyways how's school?"
"Medyo hirap sa oras no'ng unang linggo.Pero after nun, okay na."
"May mga admirers na ba?", tukso ni Paul.
Natawa nalang si Monina.
"Mostly teens ang mga kaklase ko at may nasa twenties e, married na o may mga partner.", aniya.
"Well, its still too soon to tell.", ni Paul na minsang sumulyap sa katabi.
"Ayoko na nun.Kailangang tapusin ko na itong pag-aaral ko."
"So pagkatapos pwede na?"
"Ano na naman ibig sabihin nyan?", ni Monina.Pagka-ganito si Paul di niya talaga mapigilang kabahan.
"Well, nagbabakasakali lang.Baka gusto mong sabihin na maghintay ako.Pagbibigyan kita."
Nahampas ito ni Monina at di mapigilang matawa.It's her first real laugh after three months.
"Ikaw talaga.Ako pa ngayon ang hahabol ha.", natatawang sabi ni Monina."Madami akong magagandang kaklase mapakilala nga kita."
"Magaganda ba talaga?", ni Paul.
"Oo.May mga mestisahin, morena.At mostly well-off."
"Mmm..I see."
"Anong I see.Pwedeng bukas agad."
"Mon, mas gusto ko kasi yung simple lang.Masyadong nakakasilaw na kami tignan kung pareho kaming may exceptional beauties.Too fancy."
"Ano?", at muli tawang-tawa si Monina.
"Grabe na 'to sa kayabangan.Ano bang nasinghot mo ngayon ha at parang high lang."
At nagkatawanan na sila.
At tumigil sila sa isang two-floor na kainan.
"Have you been here?", ni Paul habang hinintay makalabas ng sasakyan si Monina
"Hindi pa.Kakilala mo ang may-ari?", ni Monina ng nasa may entrance na sila.
"Oo.Madalas kami dito ng mga ka-batch ko nung college."
Tuloy parang kinabahan si Monina.
Dumiretso sila sa pinakadulo.At hinayaan na ni Monina na si Paul ang umorder.Habang naghihintay ng order ay nag excuse si Paul sandali dahil may sasaguting tawag.Nang makarating na order nilang pizza at coke ay nakabalik na rin si Paul.
"So, kmusta?", uli ni Paul.
"Mm?Nakumusta mo na ako kanina."
"Para kasing dekada na kitang di nakikita."
"Ah., busy lang.Kung may oras man ay ipinapahinga ko."
"Ah..ganun ba."
"Ganoon nga.", nakangiting sabi ni Monina.

"He must be special.Lumabas sa lungga e."
Napalingon si Monina sa nagsalita.
"Oh my God!Sherry.", tili ni Monina sabay tayo at yakap sa kaibigan.Si Sherry at Wendell ang dumating.Hindi niya akalaing namis niya pala ng sobra ang kaibigan.
"Hi Wen.", yakap din ni Monina dito.
"I'm glad Paul had convinced you to go out.", ni Wendell.Ngumiti lang si Monina.Naupo na silang apat sa iisang table.Nag-order na rin sina Sherry.
"Kumustang pag-aaral?", ni Sherry.Sina Paul at Wendell ay ang nag-uusap din.
"Ayos lang.Unti-unting nakasanayan din.", ni Monina.

Gustuhin mang itanong ni Sherry ang pag-iwas nitong lumabas ay ayaw na niyang itanong pa.Mula ng ikwento ni Selena ang minsang pag-iiyak nito ng sobra ay di na sila naging mausisa pa dito.Ayaw nilang madagdagan ang dinadalang sakit sa dibdib nito.

"Since its friday, karaoke naman tayo.Para maiba naman.Namis kita Mon.", ni Sherry.
"Oo nga Mon.Napagplanuhan na rin kasi namin ni Selena mamaya.", ni Paul.
"O-okay.Itetext ko nalang si mama.", tanging nasabi niya.
"Do'n na rin tayo magdidinner.Nagpareserve na ako ng room for karaoke.", ni Wendell.
"Ano'ng time sila darating?", ni Sherry kina Paul at Wendell.Naalarma kaagad si Monina.
"Maybe 6 andito na sila.", ni Wendell.
"Sino?", ni Monina.
"May batch kasi silang uuwi from New York.Gustong magkita-kita sila dito.Dito kasi sila madalas during their college days."
"Ganun ba.", ni Monina na pasimpleng tinignan ang oras sa wallclock.Thirty minutes to six.Kinakabahan na siya.Duda na siyang di mawawala si Mikel sa anumang pagtitipon lalo na pag kasama si Paul at Wendell.
"Cr lang ako.", aniya sa tatlo.Nasa may gilid lang ng counter ang restroom.

Ano na gagawin ko?Ayoko siyang makita.
Habang nakatayo sa loob ng cr.
Kung ayain ko kaya si Sherry na mauna na kami sa karaoke-han?
Pwede.
Nabuhayan na siya ng loob.Kaya kaagad na lumabas ng cr.Pero natigilan sandali ng makita ang nasa table na nila.Lalo pang kinabahan ng mag-abot ang paningin nila ng taong gusto na niyang iwasan.
"Hi Mon, long time no see."
Kaagad nadako ang tingin sa nagsasalitang katabi nito.
"H-hi Chris.", aniya.
"Hi there.I assume you are Paul's date.", nakangiting sabi ng lalakeng napapagitnaan ni Paul at Christina."I'm Raymond, and you are?", nakatayong sabi nito na naglahad na ng kamay.
Lumapit ng kaunti si Monina sa table at nakipagkamay dito.
"Monina.", sagot niya.
Pabirong tinanggal ni Paul ang kamay nina Raymond at Monina.Naupo na si Monina.
"Baka mapikon yan.Di nya ako date.She is a friend.Our friend.", natatawang sabi ni Paul na sumulyap pa kay Mikel.
"She is my wife's bestfriend.", ni Wendell.
"Oh I see.", nakangiting sabi nito.

"What a surprise!I haven't seen you for a while.".
Si Steffen.Lalo tuloy naco-concious si Monina.Bineso bigla nito si Monina.
"Wow, now this is intriguing.Hindi ata sa akin nasurprise.", ni Raymond na parang nanunukso ito.
"Of course Pare.You're looking great.Kumusta?", ni Steffen.
At nagkakamustahan na ang mga ito.
"She, mauna na kaya tayo sa karaoke?", bulong ni Monina.
"Naisip ko nga din yan.", ni Sherry na nagpapaluwag ng kalooban ni Monina.
"Hon, mauna nalang kami ni Monina sa Happy Hour.", ni Sherry kay Wendell.
Napatingin si Mikel kina Sherry at Monina na kausap pa si Raymond.
"Why hon.Medyo maaga pa naman."
"Just let them Wen, gusto atang maka-score ng malaki sa karaoke e.", ni Paul na kay Monina nakatingin.
Natawa nalang ang mga nasa table.

"Okay.", ni Wendell.
Tumayo kaagad ang dalawa.
"Mon upo ka muna, restroom lang ako sandali.", ni Sherry.
"S-sa labas nalang ako maghintay.", ni Monina at mabilisang nagpaalam sa mga naiwan.

Nang lumabas si Sherry ay di ito nag-iisa.Kasama lahat ng kasamahan nila sa loob.
"They'd decided na sumama.Magdidinner na rin tayo do'n.", ni Sherry na ikinadismaya ni Monina.

Kailangan KitaWhere stories live. Discover now