Chapter 57

317 6 1
                                    

Parehong tahimik sina Monina at Paul sa sasakyan.Hanggang sa i-park na ni Paul sa tapat ng bahay nina Monina.Halos sabay silang bumabang dalawa.
"Sige Paul antok na ako.Salamat sa paghatid.", ni Monina dito.
Hinawakan ito ni Paul.
"Okay ka lang ba?"
Hindi kaagad nakaimik si Monina.
Pinisil ni Paul ng bahagya ang kamay nito.
Umiling si Monina.Napabuntong-hininga si Paul at niyakap ito.At tuluyan na ngang naiyak si Monina.
"Tahan na.Baka makita ka pa nila.", ni Paul na ang tinutukoy ay ang mama nito at si Selena.
"Hindi ako okay Paul.", paulit-ulit na mahinang sabi nito habang umiiling.
Tumagal din sila sa ganoong posisyon.Yakap ni Paul ang umiiyak na si Monina.Napapahigpit na ang yakap nito.
"Please Mon, wag ka ng umiyak.", ni Paul dito.Awang-awa siyang marinig bawat hikbi nito.
"Bakit ang sakit-sakit pa rin dito Paul.Tanggap ko naman e, pero ba't ang hirap pa rin.Para akong mamamatay sa sakit Paul.Kahit na pilitin kong sabihin sa sarili na okay lang pero dito Paul, ang hirap-hirap.Sobrang hirap.", ni Monina habang nasa kaliwang dibdib ang palad nito.
Niyakap uli ito ni Paul.
"Tahan na, okay."

Nang medyo kumalma na si Monina ay pumasok na itong bahay.At mabilis na pinatakbo ni Paul ang sasakyan.

Nasa labas ng gate si Paul sinadyang abangan ang paglabas ni Mikel.

"Why are you here?", ni Mikel habang bumababa ng sasakyan dahil humarang si Paul.
"Why do you think I'm here?"
"Paul, bakit?", nagtatakang tanong ni Christina na lalapit sana pero hinila ito pabalik sa likuran ni Mikel.
Tinignan lang ni Paul si Christina.
"Paul, let's talk about this some other time.Gabi na.", kalmado pa ring sabi ni Mikel.
"Diyan ka naman magaling.It's always your way, di ba?Kung ayaw mo, walang magagawa ang tao.Pero kung gusto mo lahat ay guguluhin mo.", ni Paul sabay lapit dito.
"Paul, may problema ba?", si Stella ito.Andoon na rin ang ibang kasambahay ni Mikel.
"Chris, will you stay with mom. ", ni Mikel.Nilapitan naman ni Christina si Stella.
"I don't know what you are talking about.Will you get off my way. ", mahina pero may diing sabi ni Mikel dito.
Kaagad kwinelyuhan ito ni Paul.
"Paul, tama na yan.", ni Steffen na lumapit sa dalawa.
"Talaga lang ha.Hihintayin mo talagang bibigay ang tao kesa magpakumbaba ka?Bakit malaking kabawasan ba yun sa iyo?, ha!", ni Paul sabay tulak nito.
"Yan lang ba ang sasabihin mo?", ni Mikel.
"I really can't understand what she saw on you.A heartless and a hopeless man hiding inside his suit, na yun lang ang tanging maipagmamalaki.", ni Paul.
Tinignan lang ito ni Mikel.
"I'll go ahead mom, dad.", anito na di man lang lumingon.Pero bago makasakay sa sasakyan ay narinig uli nitong nagsalita si Paul.
"Wag kang umasang bibigay siya at hahabulin ka Attorney Mikel.Dahil nagawa ka na niyang matiis for quiet a while, and she manages it.Pa'no ikaw?Hindi pupwedeng magbabakasyon ka nalang lagi o hihila-hilahin mo yung tao tuwing nakikita mo siyang may kausap na ibang lalaki, o di kaya ay.."
Naputol ang ibang sasabihin ni Paul dahil sinuntok na ito ni Mikel na nagpapatili kina Stella, Lotis at Chrisitna.Hinawakan lang ni Christina si Stella, ganoon din si Rodulfo sa anak na si Lotis.
"What?!", nakatawang sabi ni Paul ngayong kwinelyuhan na ito sa namumulang si Mikel.Di ito kinayang awatin ni Steffen.
"I don't have a time for this stupid things Paul.Kaya umalis ka sa dadaanan ko.", diing sabi ni Mikel.
"Stupid?!", biglang ganting suntok ni Paul dito."Wag na wag na kitang makitang lumalapit sa kanya.O kahit tingnan man lang siya.You don't deserve that stupid thing na sinasabi mo!", anito na sinuntok pa uli si Mikel.Pareho ng dumudugo ang mga ilong at bibig ng mga ito.
"Go fucking get her if you want.", galit nitong sabi ni Mikel sabay tulak kay Paul.
Sasakay na sanang sasakyan si Paul ng pigilan ito ni Rodulfo.
"You're bleeding.Pasok ka muna sandali sa bahay.And you Mikel.", mahinahong sabi nito.
Pinahid ng kamay ni Paul ang dumudugong ilong at bibig niya.
"I'm going home. ", ni Mikel na akmang sasakay na sa sasakyan niya.
"It's okay tito.Pasensya na po.", aniya.Humingi din siya ng paumanhin kay Stella.
"I can only forgive you both kung lilinisin muna natin yang mga sugat nyo.", ni Stella.
Nauna ng nagpaalam si Christina.Ni hindi nito tinignan si Paul at Mikel.
"Mom, I don't think that I did wrong here.", ni Mikel sabay sulyap kay Paul.
"Both of you.Pasok na.", ni Stella.
"Mom, I really need to go home. ", ni Mikel.
Tinignan ito ni Stella.
Wala ng nagawa si Paul at Mikel kundi ang pumasok sa loob.
"Kung kailan tumanda saka kayo nagkakaganyan.", ni Lotis habang nililinis ang sugat ni Paul.Si Mikel naman ay tahimik na naupo sa may di kalayuan habang dinampian ng ice bag ang mukha.
"Dahan-dahan naman.", ni Paul dito.
"Dahan-dahan?..pinoprovoke mo kasi si Kuya e.Alam mo namang matatalo ka talaga nun.", anito.
"Binigla niya kasi ako.", pangatwiran ni Paul.
"Ba't ba kasi lagi kang nang-aasar dun?"
"E sa gusto ko."
"At sino yang her-her na yan ha?Kanina ko pa hinintay mabanggit ang pangalan.Pero wala."
"Tsismosa ka talaga.Bawal makisali ang mga bata sa away ng matatanda.", ni Paul dito habang hawak ang kamay ni Lotis dahil nadidiin ang paglalagay nito ng ointment.
Hinampas ito ni Lotis sa balikat.
"Ewan ko sayo.Wala ng bata dito sa bahay."
"Masakit na yan ha.", ni Paul dito.
Matamang nakatingin lang si Mikel sa dalawa.

"Ikaw, di mo rin ba sasabihin sa akin kung sino ang pinag-aawayan nyo?", ni Lotis habang nilalagyan ng ointment ang mukha ng kapatid.Nakaalis na si Paul.
Hindi kumibo si Mikel.Maya-maya inabutan ito ni Steffen ng coke at naupo sa tabi.
"Ikaw kuya Steff, sino ba ang pinag-aawayan nila?", ni Lotis dito.
Tinignan ni Steffen si Mikel.
"Ask him.", ni Steffen.
"Matutulog nalang ako.", ni Lotis ng di pa rin nagsalita si Mikel.
"Good night.", natatawang sabi ni Steffen ng tumalikod na si Lotis.
"Tell mom and dad I'm leaving. ", ni Mikel sabay tayo.
Narinig ni Mikel ang mahinang tawa ni Steffen.Pero inignora niya lang ito.

Nagulat pa si Christina pagkabukas ng pinto.Tiningnan nito ang relos.Mag-aalas dose na ng gabi.
"You drink?", ni Mikel ng maamoy ito.
"Why are you here?", anito.
Alam ni Mikel na masama ang loob ni Christina sa narinig kanina sa kanilang dalawa ni Paul.Bilang lalaki, nararamdaman niyang umaasa pa si Christina na magkabalikan sila.Kahit papano may puwang na ito sa puso niya, kaya lang bilang dating espesyal na babae na lang sa buhay niya.Hindi na niya kayang ibigay ang higit pa roon.Kaya siya andito ngayon para humingi ng pasensya sa narinig kanina.Bilang respeto sa babae, gusto niya magbigay ng eksplenasyon dito.

"Tungkol kanina.."
"Wala yun.Yun lang ba ang ipinunta mo dito?", ni Christina.
"Chris, ayokong ma- offend ka in any ways. Kaya pasensya na sa narinig mo kanina."
"Don't be so sorry Mikel.Lalo lang akong nagmukhang kawawa nyan.", tawang sabi nito.
Tumango lang si Mikel.Alam niyang nasasaktan ito.
"Sandali lang.", ni Christina sabay pasok sa loob.
Maya-maya pagbalik may dala itong maliit na cellophane bag.Inabot ito kay Mikel.
"I can't able to clean that wound today.Antok na kasi ako.", ni Christina.
Tinanggap ito ni Mikel.
"Okay.Thanks Chris.", ni Mikel at tumalikod na.
Pagkatalikod ni Mikel ay isinara kaagad ni Christina ang pinto.Nilingon pa ito ni Mikel pagkasara.
I'm really sorry Chris..
At tuluyan ng umalis.

Napahagulhol na lang si Christina habang yakap ang kanyang nga tuhod.

Kailangan KitaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang