CHAPTER 19

424 7 0
                                    

"So, you're a welder in Japan?", ni Steffen na nag-enjoy na makisali sa usapan ng magkapatid.Sa VIP area sila.
"Oo.Almost ten years na.", ni Selena.Tahimik lang na kumakain at nakikinig si Monina sa kwentuhan.Breaktime din niya.
"So you're staying now for good?", ni Steffen.
"Sana.I mean, kung may mapagkikitaang maganda dito.Masarap pa ring tumira sa sariling bansa."
"Ate, pwede ka namang dumito na.Di man kasing laki ang kikitain mo kumpara sa ibang bansa, at least dito andirito kami.", ni Monina.
"Wala ka pang pamilya?", ni Steffen.
"Wala pa.Are you married?", ni Selena kay Steffen.
"Ate..", saway ni Monina.Alam niyang mapagbiro talaga ito.Tumawa lang si Steffen.
"Well, same as you.Single din.", ni Steffen.At nagtatawanan pa ang dalawa.
At natigil sandali ng may biglang nagsalita.
At nagtama ang mga mata nila ni Monina.Naghahalong kaba at excitement ang naramdaman ni Monina pagkakita kay Mikel.Na-miss nga talaga niya ito.
"Am I interrupting here.", ni Mikel at nakatingin ito kay Selena.
"Of course not.", ni Steffen sabay yakap sa kapatid.
"Lahi ata sila talaga ng mga gwapo.", bulong ni Selena kay Monina.
"Ate..", saway niya nito na tinawanan lang siya.
"Now I wonder how the father looks like.", makulit na naman nitong sabi.Kinurot na ito ni Monina.
"I thought next week pang uwi mo Kuya.", ng maupo na magkatabi kaharap ang dalawang babae.
"May kailangan lang asikasuhin dito.And you are?", anito kay Selena na nakangiti.
"Selena.Monina's older sister.", ni Selena sabay lahad ng kamay na tinanggap naman ni Mikel.
"I'm Mikel.Do you work?"
Nag excuse muna si Steffen ng may tumawag sa phone nito.Si Monina naman ay medyo di komportable.Masyadong nag-enjoy sa pagkukwentuhan si Selena at Mikel.Kaya tinapos na niya ang break niya.
"Balik na uli ako sa trabaho.",at dire-diretsong labas.
Halos isang oras ding paikot-ikot sa baba si Monina.Pero ang utak umiikot sa dalawang naiwan sa table.
"Mon, puntahan ko lang si Sherry sa mall.I-text mo na lang ako mamaya ha .", napapitlag siya ng marinig si Selena."And don't tell mama and Felicity yet ha.", nakangiting sabi nito.
"Ate, di ka ba napagod sa biyahe?", pag-alala niya nito.
"Ba't naman ako mapagod e nakaupo lang naman ako.", nakatawang sabi nito.
"At namimilosopo na naman.", ni Monina.
Hindi niya alam kung nakaalis na ba si Mikel.

Papalabas na siya ng building ng may magsalita sa likuran niya.
"I didn't know you have a wonderful sister.", narinig niyang sabi nito.Nang lingunin niya ay nasa tabi na niya  ito.Di siya kumibo.Tinuloy ang paglabas.
"I'm glad she's staying.", tuloy pa rin nito.Naiinis na talaga si Monina.
"Hindi pa ba sapat ang pag-uusap niyo kanina.At ano ngayon kung magsi-stay siya?", at mabilis na naglakad.
Tinawagan muna niya si Selena para ipaalam na off na niya.Plano ni Selena na sa labas na sila maghapunan.Tinawagan na rin ni Monina ang mama nila para papuntahin sa restaurant na pagkakainan nila.Suggestion iyon ni Selena.Hindi siya familiar sa restaurant knowing siya itong nandirito sa Pilipinas.Di na rin 'yon kataka-taka kay Selena dahil magala talaga ito.Binigyan lang siya ng direksiyon ni Selena.Nauna na ito.
Habang nag-aabang ng masasakyan biglang may humintong sasakyan sa harap niya.At bumaba si Mikel.
"Ihahatid na kita Miss Abella.", anito.Lalo tuloy siyang nainis.Masyado na itong pormal sa kanya.
"May pupuntahan pa ako.", aniya sabay tingin sa daan kung may taxi na ba.
"I know.Selena texted na isabay na kita.She believe you're not familiar with the place."
Bumuntong-hininga si Monina.Fine.They are text mates.And what's next?
"Magtataxi pa rin ako.", diing tanggi niya.
She heard him chuckle.Binalewala niya ito.Dobleng inis na talaga niya dahil kahit taxi ay wala pa.
"You aren't jealous of Selena, right?", nakangising sabi nito.She glared at him.
Sa inis ay sumakay nalang siya sa kotse nito at naupo.Tahimik ding  sumakay si Mikel.She flushed by his scent ng umupo ito sa driver's seat.
"Stop staring at me Miss Abella.Di mo tuloy narinig yang phone mo.", ni Mikel ng di man lang tumingin sa kanya.
Dali-dali niyang sinagot ang phone niya.Ang mama niya.Nagkita na sila ni Selena.At bakit daw siya natagalan.Dama niya ang saya ng mama niya.Kahit si Felicity ay dinig niya ang tawa nito.
After fifteen minutes ay huminto sila sa di naman gaanong kalakihang restaurant.Simple nga lang ito tingnan sa labas.
"S-sasama ka din?", takang tanong niya ng lumabas din ito ng sasakyan.Pero bago nakasagot ay biglang may babaeng nagsalita sa harapan niya.
"Hey there Attorney Mikhail Mikel Montes", nakangiting sabi nito.At sabik na yumakap at humalik sa pisngi ni Mikel.
Naalala na niya.Ito 'yong babaeng nabunggo niya sa cafeteria na kasama ni Mikel.Naka black shirt at black skinny jeans lang ito.Pero ang ganda pa rin.Magsingkatawan lang ata sila.
May date pala, usal niya sa sarili.
"Hey there lovely.Namiss kita.Nasa kotse ang pasalubong mo.", narinig niyang sabi ni Mikel.
"Hi.", bati ng babae sa kanya.Ngumiti lang siya.Pilit na ngiti.Jealous?, ng isip niya.Of course not!, kontra ng isip niya.
"Mauna na ako.Excuse me.", pormal niyang paalam.At walang lingon tuloy-tuloy itong pumasok.Nang nasa entrance na siya ay napahanga siya sa loob.Parang nasa bahay lang ang dating ng ambience.Native ang tema nito.Bawat table ay may nakapalibot na bamboo trunk.Di niya tuloy alam kung sa'n nakapwesto sila Selena.Malawak pala ito.May mga kubo-kubo siyang nakita sa may dulo.At tingin niya mas malaki ang area ng likuran nito.
"Good evening Ma'am.May reservation po ba kayo?",nakangiting salubong ng waiter sa kanya.Halos kaedad lang niya ito.
"Tatawagan ko na lang ang sister ko.Andito na kasi sila, nakalimutan ko lang itanong ang pwesto nila."
"Ako ng bahala sa kanya.You can go", nakakunot-noong sabi ni Mikel na biglang sumulpot sa tabi ni Monina.Dali-dali namang umalis ang waiter na parang nataranta.
"Wow ha.Masyado naman atang intimidated ang mga tao sayo.As I remember, 'yong elevator boy sa M&M Mall and now ang waiter dito.", sarkastikong sabi nito.Lalong kumunot ang noo ni Mikel.
"I'm sorry kung talagang ganyan ka.Ano bang dapat itawag nun?Iyong naninilip at nag-oobserve ng tao.Stalker ba?",seryosong sabi nito.
"Ang yabang.Umalis ka na nga.Asikasuhin mo si Miss Lovely mo.", at akmang tutuloy na sa loob ng marinig niya ang babae uli.
"Are you both okay.",palipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Mikel.
"She's looking Anthony for assistance.", ni Mikel na ikinagulat ni Monina.
"Sino'ng Anthony?", litong tanong niya.Napansin ni Monina na natatawa ang babae.
"He's a waiter here.", sagot ng babae.
Hinampas ni Monina ng malakas ang braso ni Mikel.
"Ano'ng akala mo sa akin nakipag flirt ng waiter dito?", mahina pero may diing sabi ni Monina.
Bago pa makasagot si Mikel na halatang nabigla sa ginawa ni Monina ay nagsalita na uli ang babae.
"Come with me Miss Abella, I'll accompany you sa table ng family mo."
Napatingin si Monina sa babae.
"I'm Lotis.Me and this ravishing man here own this restaurant.So, allow me to assist you Miss Abella", anito na may lokong-ngiti pa kay Mikel.Napansin ni Monina ang iritasyon sa mukha ni Mikel.
Nabigla man sa nalaman ay sumunod na rin siya sa babae.Nakasunod din si Mikel.

Kailangan KitaWhere stories live. Discover now