CHAPTER 41

361 6 1
                                    

Kinagabihan di na lumabas si Monina ng cottage para maghapunan.Sinamahan na rin siya ng ina at ni Felicity.Napagod na ring lumabas pa ang maglola dahil sa maghapong laro at ligo ni Felicity.Kahit ang hapunan ay minamadali ng maglola dahil sa antok. Pagkatapos mapatulog ang anak ay lumabas rin uli siya.Panatag siya dahil maliban sa mahimbing na ang tulog nito ay katabi nito ang kanyang ina.
Nagkakasiyahan na sa may labas ng restaurant.Kahit ang Ate Selena niya ay andoon na rin.Pero sa may tabing dagat muna siya.Dinama ang pagsalubong ng hangin sa pisngi niya.Ewan niya pero ang tunog ng bawat hampas ng alon ay nagpapalungkot sa kanya..ang malamig na hangin at ang buwan na siyang tanging ilaw niya.

"How's Felicity?"
Napaigtad siya sa may biglaang nagsalita.Nakatayo ito sa may gilid niya at nagsisigarilyo.
Di siya umimik.
Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan na wala silang imikan.Pero naisip ni Monina na magmukha siyang bitter kung hayagan niyang ipakita ang pagkadismaya at kabiguan niya dito.

Tumikhim muna siya.
"Tulog na si Felicity.Napagod ata.", nasabi niya.
Sumulyap si Mikel kay Monina.At nagsindi uli ng panibagong stick ng sigarilyo.
"Ikaw, naikot mo na ba ang buong beach?", anito sabay hithit buga.
Sumulyap din si Monina dito.Ewan niya pero minsan ang pagiging smoker nito ay nakadagdag ng appeal dito.
"H-hindi pa."
"How about tomorrow."
"Nag-aya nga si Paul."
Natahimik sandali si Mikel.At uli nagsindi ng bago.
"Di ka ba hinanap dun?" , ni Monina.
Parang  wala lang itong narinig.
Uli natahimik sila.Nasa dagat pareho ang tingin kahit wala namang naaninag dahil sa medyo madilim.Tanging ang alon ng dagat, ihip ng hangin, buntong-hininga ni Monina at ang  paminsan-minsang pagbuga ng sigarilyo ni Mikel ang maririnig.

"Hey, there you are.What are...you...doing...here.", medyo bumagal ang huling mga salita ni Christina ng mapansin na di nag-iisa si Mikel.

"Hi Mon.", bati nito na halatang pilit na pinapasigla lang ang boses.
"Hi.", ganting bati din ni Monina.At nakatuon uli sa dagat ang paningin pero nasa paligid naman ang pakiramdam.Nakiramdam sa dalawa.
"Let's go.", ni Mikel kay Christina.At kaagad na itong tumalikod.
Sumunod na rin si Christina.
Napabuntong-hininga si Monina.Di na nagawang lingunin ang dalawa.Sumisikip na ang kanyang dibdib isipin lang na magkasama ang mga ito.
Kahit anong console niya sa sarili na 'okay lang, kaya niya, pero di pa rin kayang pigilan ng puso niya na maging malungkot at masaktan.Kagaya ngayon na kung pwede lang sumigaw, umiyak para mailabas lang ang lahat ng bigat sa dibdib.Pero ayaw din naman niyang magmukhang kaawa-awa.Tama ng magmukhang tanga at kaawa-awa dati kay Allen.
Di niya namamalayang napapaluha na siya.Di niya maintindihan kung bakit di mawala-wala ang sakit.Tanggap na naman niyang wala na pero parang hirap pa rin siyang makausad.

***

Mula sa kaunting pahinga sa cottage nila ni Paul ay sumaglit si Mikel sa restaurant.Mangilan-ngilan pa rin ang andudun.Pero ang live band ay nasa may labas na ng restaurant kung saan mas maraming nagkakasiyahan.Maya-maya ay naisipan niyang maglakad-lakad muna sa tabing-dagat.Nang mamataan niya ang isang familiar sa kanya na tao.NINA.
Ang isa sa nagpapagulo ng sistema niya ngayon.Kahit ano'ng iwas niyang isipin ito ay lalo naman itong sumisiksik sa utak niya.He hates to admit it, pero namimis niya talaga ito.He misses all about her.More than her nakedness, her smell, ang pagiging mahiyain nito sa kanya sa kabila ng mga nangyayari sa kanila.Hindi niya maintindihan pero parang kulang pa ang mga iyon para masukat kung gaano niya ka-mis ito.He is longing for her like crazy.

Pero kailangan niyang isantabi ang nararamdaman niya.Ngayong mag-uumpisa sila uli ni Christina.Napadami na ang nahihithit niyang sigarilyo.Having her this close ay natutukso siyang hawakan ito.Gaya ng sayaw nila kanina.Pero binabalot din siya ng guilt pag namamasdan niya ang lungkot sa mga mata nito.Di niya mapigilang sisihin ang sarili.Hindi lang si Allen ang dahilan nito ngayon, kundi siya din.
Ang pride niya ang humaharang ng lahat.Kung pipiliin niya ito, ano na lang ang sasabihin ng iba?ng mga magulang niya?ni Christina?Takot siyang pagtawanan, o kutyain si Monina.At lalong ayaw niyang kinukwestiyon ang mga decisions niya kaya hangga't maaari lahat sa buhay niya ay organized at perfect.

Bawat buntong-hininga ni Monina ay napapabilis ang paghithit niya ng sigarilyo.Ramdam niya ang bigat sa dibdib nito.

***
"What were you doing there?", ni Christina habang papunta sila sa mga kaibigan na nagkakasiyahan sa live band na nasa labas ng restaurant.

"I smoke.", Mikel answered in obvious.
"And her?", ni Christina na binalewala ang pilosopong sagot ni Mikel.
Tumigil sandali si Mikel at tinitigan si Christina.
"Spare her.", ni Mikel at lumakad uli.
"Spare what?nagtatanong lang ako .", ni Christina.
Napailing si Mikel.
"Is there something between you and her Mikel?Masyado naman atang napapadalas ang  pagtatagpo n'yo.I'm not being insistent here Mikel pero why do i got a feeling that I am competing with somebody?"
"That's paranoia Chris.Ikaw na ang maysabi na  nalaman mo mula kay Lotis na wala akong nakarelasyon SINCE YOU GAVE ME UP.", ni Mikel na ini-emphasize pa ang mga huling salita.Sandali lang natigilan si Christina.
"She's way too far para ikumpara sa akin.Kaya no way na ma-praning ako ng dahil LANG sa isang katulad niya.And that would be a shame more on you.", diing sabi ni Christina.
"Tama ka Chris.You two are incomparable.", ni Mikel sabay talikod at tuloy-tuloy sa table ng mga katrabaho niya at mga kaibigan.

***

"So what's next Mikel?You already have two restaurants, a stable job, a condo and a vacation house.And I almost forgot, a lovely girlfriend.Tell us, whats stopping you from settling down?", ani ng pinsan ni Mikel sa mother side niya.Isa itong photographer at may ilang studios na rin.At madalas itong lumilibot sa ibang bansa.
Nasa iisang table silang magpipinsan.Ang iilang katrabaho ni Mikel ay nagsiuwian na.At ang mga college friends nila ay andoon sa grupo ni Paul na nasa kabilang dulo ang pwesto.
Lima silang magpipinsan kasali na si Steffen.
"Come on Jonas.Akala ko ba photographer ka.Mukhang nasa talkshow lang a.", birong sagot naman ni Mikel sabay inom sa brandy na nasa baso niya.Natawa na rin si Steffen habang nagbukas ng bagong bote.
"Girlfriend?Don't tell me kayo na uli?", ni Brent na tumingin pa sa kinaroroonan ni Christina.Isa naman itong business man.
Tahimik lang si Mikel.At napailing si Brent sa kawalang tugon ni Mikel.Napatingin naman si Steffen sa kapatid.
"Why Brent, is there something wrong about her?", ni Lemuel.Isa itong chef sa ibang bansa.
"Seriously Lem, nakalimutan mo na ba.."
"Who is she?", ni Jonas na intensyon talagang putulin ang usapan nina Brent at Lemuel.
"Alin diyan?", ni Steffen na sinusundan ng tingin ang tinitignan ni Jonas.Napatingin na rin sina Brent at Lemuel.
"Stop it Jonas.Not in here.And no messing around tonight.", ni Lemuel.
"Whoo..am just asking.", ni Jonas sabay hampas sa balikat ni Lemuel.
"The one in violet?", ni Brent.
"Yeah.With Viola", ni Jonas.
Si Mikel naman ay tuloy-tuloy lang sa pag-inom.
"That's Monina.Bestfriend ng asawa ni Wendell.", ni Steffen.
Si Monina iyon na tumabi kay Viola at Selena.Naka three-fourth sleeves flowy dress ito hanggang tuhod.Bumagay sa medyo maputla niyang balat ang violet na kulay ng suot nito.
At inabutan ito ni Mikel ng maiinom.
"Just drink Jonas.", ni Mikel.
Natawa nalang ang ibang pinsan nila.
Maya-maya ay lumapit si Paul sa table nila.Nagkamustahan.
"This is a good place Paul.I could recommend this to some of my friends."
"Thanks Lem..buti naman nakarating kayo."
"Makulit si attorney e..well, worth it din naman ang pangungulit niya.The food were great and also the place.Parang relaxation na rin.", ni Brent.
"Thanks pare.", anito kay Mikel."Well, how about joining some of our friends there.It would be more fun.", ni Paul.

Kailangan KitaWhere stories live. Discover now