Prologue

158 43 69
                                    

Nandito na naman ako. Sa lugar na halos naging bahay ko na. Sa lugar na maraming tao ang dumadaing. Sa lugar na halos lahat ng tao ay gising.

"Anak... okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumingin ako kay Mama. Kita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"Okay na po ako kaya umuwi na tayo," Sinubukan kong tumayo mula sa kama ngunit hindi ko pa man din nai-tatapak ang aking mga paa ay nasubsob na ako.

Agad na dumaluhong si Mama para alalayan ako. Ngunit hinawi ko lang ang kanyang mga kamay.

"Kaya ko... kaya ko... " saad ko kahit masakit ang aking mga binti dahil sa pagbagsak ko. Pilit kong itinatayo ang aking mga tuhod ngunit hindi ko ito magawa.

Get up! Get up!

Hinampas ko ang aking mga hita gamit ang aking kamay.

"Tumayo kayo! Tayo! Mga paa ko kayo kaya tayo!" Halos piyok kong sigaw dahil sa aking pag-iyak. Mabilis kong pinahid ang mga luhang tumulo at pinagpatuloy ang paghampas.

"Melody anak, tama na." Umiiyak na rin na awat ni Mama sa akin. Hinahawakan niya ako sa aking braso ngunit umiling ako.

Kakayanin ko 'to. Lalaban ako. Para sa sarili ko at sa pamilya ko.

Para rin sa kanya.

*******




LoveTechnician

Heal My Heart #Watty's2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon