CHAPTER THREE

90 35 46
                                    


"Melody, d'un ka umupo sa tabi ni Ashley." Utos ni Ma'm Ces sa kanya. Naglakad na s'ya papunta d'un sa pwesto ni Ashley. Pinagmasdan ko lang s'ya habang naglalakad. Hindi manlang s'ya lumilingon sa gawi ko.

Grabe! Samantalang ako, bago pa pumasok dito sa school e nakatitig na sa kanya. Teka, ano bang pake ko kung hindi niya ako pansinin? Tsk.

Umupo na si Melody sa tabi ni Ashley. Naka-kailang naman ang Melody. Mas maganda ang manang at ale. Ba't kaya s'ya nag-stop? Ang layo tuloy ng agwat n'ya sa amin.

"Huy! Kanina ka pa nakatingin d'un sa transfer ha. Type mo 'no?" Biglang bulong ni Raf sa akin. Sarkastiko naman akong  tumawa.

"Type? Ayoko ng mas matanda sa akin, 'no." Tanggi ko sa paratang niya. Sinilip ko ulit si Melody. Nagulat ako kasi nakatingin s'ya sa gawi ko. Hah! Sabi ko na at papansinin niya rin ang kapogian ko, eh. Ngumiti ako pero parang ngiwi ata 'yung kinalabasan. Hindi n'ya ko pinansin at tumingin na sa harapan. D'un kay Ma'm Ces.

Aba. Di-nedma ako?! Ang lakas ng loob— ay... badtrip. Sige. Wala palang pansinan ha. Tignan natin kung sino tatagal sa walang pansinan contest na 'to.

Kaninong contest ba ito?

Ipinilig ko ang aking ulo at nag-concentrate na lang ako d'un sa tinuturo ni Ma'm Ces. Pinilit kong wag s'yang lingunin. Kapag nara-ramdaman kong lumilingon 'yung leeg ko mabilis ko itong hinaharap kay Ma'm Ces. Nawi-wirduhan na nga 'ata sa akin si Raf eh. Magkatabi kasi kami kaya lahat ng kilos ng bawat isa ay nararamdaman namin. Baka isipin nito sinasapian o baka nababaliw na ako.

Lumipas ang oras at last period na ng pang-umagang klase namin. Halos nangawit 'yung leeg ko dahil sa pagpigil ko ditong lumingon d'un sa masungit na babae. Ang lakas ng magnet n'ya ha!

"Bukas, wala ako—" hindi pa tapos magsalita si Sir Corpuz ay nagsi-yehey na 'yung mga classmate ko. "I changed my mind. Papasok na pala ako bukas." bawi ni Sir sa nauna niyang sinabi. Para namang mga nayamot ang mga ka-klase ko. Siyempre, kasama ako du'n.

"Gustong-gusto n'yo ng walang pasok e, 'no?" Saad ni Sir.

"Syempre, hindi po Sir. Masaya lang kami pero 'di namin gusto." Hirit ni Jigs. Sabay-sabay naman kaming nagtawanan. Kanina pa 'ko may napapansin. Simula n'ung pumasok si masungit na babae ay hindi pa s'ya ngumingiti o tumatawa manlang. Nagbibiruan na nga kami dito hindi pa matinag. Hindi naman nakamamatay ang pagtawa ah.

Robot ba siya? May Tao pala talagang hindi marunong tumawa? Ngayon ko lang nalaman ha.

"Masaya pero hindi gusto? Style mo. O s'ya, tulad nga ng sinasabi ko kanina. Wala ako bukas. Kasi, akin na lang 'yun!" Pa-bagets din itong si Sir, eh. Pero kahit na kwarenta na ito mahigit, hindi pa rin nawawala ang kakisigan nito. Bakas sa medyo may kulubot ng muka niya na isa siyang Adonis nu'ng kabataan. Mukang nakikita ko na ang future ako, ah.

"Ay! Pabitin si Sir!" Reklamo namin or should I say, ng mga babaeng may interest kay Sir.

Hanep ang karisma ni Sir! Kahit ang mga kabataang babae ay nahuhulog sa mala-Piolo Pascual niyang ngiti.

"Basta, wala ako bukas. Pero gawin n'yo 'yang mga assignment at iche-check ko 'yan sa Wednesday. Ang walang assignment, walang long quiz. Sige na. Bye." Tumayo na kaming lahat at sabay-sabay na nagpaalam kay Sir Corpuz.

Naginat-inat muna ako para mai-stretch ang mga buto ko sa balakang. Nangawit kasi ako sa pag-upo. Nakakangawit din kaya 'yun!

Nagsigayakan naman na 'yung mga ka-klase ko saka lumabas ng room.

"Sa'n tayo kakain ngayon? Sarado 'ata si Ate Nita, eh." Saad ni Ashley. Sa carinderia ni Ate Nita kami madalas kumakain ng tanghalian.

"Kila lola na lang," Suhestiyon ko.

"Maka-lola ka naman! Ka-dugo mo? Haha." Pambabara ni Raf sa akin saka tumawa.

"Lola 'din kaya tawag ng iba d'un. Saka ba't ba nange-ngealam ka? Suntukan na lang oh?" Pumwesto ako na parang makiki-pagsuntukan. Gan'un din naman si Raf. Tumalon-talon para talagang isang tunay na street fighter. Hindi pa sana kami titigil kung 'di lang pumagitna si Ashley.

"Tama na nga 'yan. Para kayong grade schooler. Tara na d'un sa lola ni Calvin." Tumawa siya bago nagligpit ng mga gamit.

Kinuha na namin ang mga bag namin at aalis na sana ng mapansin kong walang kasama si Melody.

Eh, ano naman kung wala siyang kasama? Kasalan ko ba na walang gustong lumapit sa kanya? Hindi naman kasi s'ya nagsasalita. Pa'no nga naman kasi s'ya kakausapin kung ayaw naman n'yang makipag-usap?

Transfer nga 'diba? Malamang nahihiya siyang mag-initiate ng conversation. Biglang bulong ng isang tinig.

Nagulo ko 'yung buhok ko dahil parang nababaliw na ako. Dati si Koro lang ang kinakausap ko ngayon pati ang sarili ko na.

"Calvin, may problema ba?" Tanong ni Ashley pero hindi ko siya sinagot. Pumikit muna ako bago pinuntahan si Melody.

Bahala na! Im a gentleman kaya hindi maatim ng pogi kong konsensya ang iwanan ang isang babae ng mag-isa, okay? Wala itong ibang meaning. Wala.

"O-oy, gusto mo bang—" hindi pa 'ko tapos magsalita ng bigla s'yang tumayo at lagpasan ako. Nagdire-diretso s'yang lumabas ng room. Ako naman ay nakatayo lang d'un sa upuan n'ya na parang tanga.

"Calvin, anong ginagawa mo d'yan? Tara na ah." Aya ni Raf. Lumingon ako sa kanila. Bakaa ang pagtataka sa mga muka nila ni Aahley. Iniisip siguro nilang muka akong timang.

"A-ah, oo! Ayan na. Hehe." Pinilit Kong ngumiti sa kanila kahit na inis na inis ako sa mga oras na iyon.

May araw din sa 'kin ang babaeng 'yun!

"Anong nangyari sa'yo Calvin? Ang pula ng muka mo. Pinag-piyestahan ka yata ng langgam. Hahaha." Biro ni Ashley sa akin. Nangiwi na lang ako sa sinabi niya.

Bakit pa nga kasi ako nangi-ngialam sa babaeng 'yun? Hindi ko naman na problema kung transfer s'ya at nahihirapan s'yang makipag-kaibigan. Pero kasi... 'yung mga mata n'ya kakaiba. Parang walang buhay. Gusto kong malaman kung bakit. Kung bakit gan'un ang mga mata n'ya. Kung bakit malungkot s'ya n'ung araw na nakita ko s'ya sa playground. Tila may parts sa sarili ko na gusto siyang makilala.

Tama.

Gusto ko s'yang... makilala.

******

LoveTechnician

Heal My Heart #Watty's2016Where stories live. Discover now