CHAPTER FIVE

83 31 45
                                    

#5

Nanatili lang muna ako sa clinic hanggang hindi pa nagigising si Melody. Nang makita kami ng nurse na buhat ang walang malay na si Melody ay parang alam na n'ya ang gagawin. Pinalapag n'ya sa akin si Melody sa kama. Nilagyan din n'ya ito agad nang oxygen. Napansin ko na parang umaayos na 'yung paghinga n'ya pagkalagay n'ung oxygen.

Umalis din si Ashley ng umayos na ang lagay ni Melody. May practice pa kasi sila. Ako na lang ang naiwan. Hinihintay ko ngayon na dumating 'yung mama ni Melody. Tinawagan kasi ni nurse Yen.

"Ahm... nurse Yen, ano bang... sakit ni uhm, ni Melody?" Nagaalangan kong tanong.

Tinignan n'ya muna ang tulog na si Melody bago nagsalita.

"Ayaw n'ya kasing ipasabi e. Pasensya na." Sabi ni nurse Yen.
"Calvin, pwede ka ng pumasok sa klase n'yo." Biglang sabi ni nurse Yen. Medyo nag-alangan pa'ko n'ung una. Sumulyap muna ako kay Melody.

Parang ayoko pang umalis e.

"Mukang close kayo ni Melody ah."

"Ay hindi po! Hindi nga po ako pinapansin e." Bahagyang natawa si nurse Yen. Bata pa si nurse yen. Siguro mga nasa 22 or 21 pa lang s'ya.

"Alam moba na classmate ko 'yang si Melody n'ung first year?"

"Oh? Talaga po?!" Nagpalit-palit ang tingin ko kay nurse Yen at Melody. Alam ko na matanda na si Melody pero nakakgulat pa din na naging classmate n'ya ang school nurse namin.

"Tahimik po ba talaga si Melody? Hindi kasi s'ya nakikipag-usap sa amin e." Tanong ko.

"Pumasok ka na kaya? Lagot ka sa teacher mo bahala ka!" Biro n'ya. Napakamot na lang ako sa aking batok.

"Nurse Yen naman e. Sige na nga! Next time na lang." Tumayo na ako at sinukbit ang bag. Tinignan ko muna si Melody.


"Kapag natapos ang klase ko, pupunta po ako dito ha. Isasama ko si Ashley at Raf." Sabi ko.


"Sige. Sige. Pasok na." Tinulak na ako palabas ni nurse Yen. Sinara n'ya na ang pinto pagkalabas ko. Ilang segundo pa akong nakatayo doon sa pintuan.


"Babalik ako. At kapag bumalik ako, hindi na kita tatan-tanan." Bulong ko sa hangin. Ngumisi muna ako bago umalis sa harapan ng pintuan at dumiretso sa classroom.


Third person's POV


Napangiti na lang si nurse Yen ng makalabas ang estudyanteng si Calvin.

"Ba't mo naman 'yun sinabi?" Napatingin s'ya kay Melody. Nakatingin ito sa kanya ng seryoso.

"Ang alin?" Kunwaring hindi n'ya alam na sagot.

"You know what I mean."

Nagbuntong-hininga ang nurse at umupo sa swivel chair nito.

"Ano bang masama na sabihing classmate kita? Totoo naman 'yun ah? Saka hoy! Nurse ako dito ha. Konting galang naman uy." Umirap na lang si Melody sa matalik na kaibigan.

Pinagulong ni nurse Yen ang swivel chair palapit sa pwesto ni Melody.

"Bakit ka ba nahimatay? Ano na namang ginawa mo?" May pag-aalalang tanong ni Nurse Yen.

Ngumisi naman si Melody sa tanong ng nurse.

"What did I do? I just laughed. I just f*cking laughed!" May bahid ng hinanakit sa tono ng boses nito.

"Melody...."

"Yen, sawa na'ko. Bakit kasi hindi na lang ako mamatay e! Nasasaktan din ako. May mga gusto din akong gawin. Madami nga e. Pero hindi ko magawa, because of this f*cking heart!" Tunuro n'ya ang kaliwang dibdib kung saan nakapwesto ang kanyang puso.

"Melody, 'wag mong sasabihin 'yan. Kaya nga ako nag-nurse para alagaan ka diba? Kaya ako nag-apply dito para mabantayan kita. Wag mo naman akong ilaglag, kami ng mama mo."


"I'm telling you, magsasawa din kayo. Wala namang nagtatagal sa akin e. Kaya nga ako iniwan ni papa diba? Kaya s'ya naghanap ng ibang pamilya dahil ang unica hija n'ya, malapit ng mamatay. Sumuko na s'ya Yen. Sinukuan na n'ya ako." Isa-isang nag-unahang tumulo ang mga luha ni Melody. Sunod-sunod na parang ayaw ng tumigil.

Hinayaan na lang s'ya ni nurse Yen. Siguro okay na din ito para mailabas n'ya ang dinaramdam nito. Mas okay ito kesa itago.

Niyakap n'ya ang kaibigan. Kahit kailan ay hindi n'ya ito susukuan. Hindi n'ya ito iiwan. Dahil ang kailangan ni Melody ay taong hindi s'ya iiwan, hindi kagaya ng ginawa sa kanila ng papa n'ya.

Napatigil sila ng biglang bumukas ang pintuan. Niluwa nito ang mama ni Melody.

"Ma---" hindi n'ya naituloy ang sasabihin ng may pumasok kasunod ng mama n'ya. Nakatingin s'ya dito na parang hindi makapaniwala.


"Pa...pa..." halos pabulong n'yang sambit.


"Anak." Lumapit ang dalawa sa kanilang anak. Hindi naman makatingin ng diretso ang ina ni Melody dito. Hindi n'ya alam kung ano ang sasabihing dahilan kung ba't kasama ang ama nito.

Nagmano si nurse Yen sa mama at papa ni Melody.


"Al...yena?" Hindi siguradong tawag ng papa ni Melody.

"Opo. Alyena sebastian po."

"Ikaw 'yung bestfriend ni Melody? How long was it? You've grown huh. You're the nurse here?"

"Ahm, yes sir. Half a month na po akong nurse dito." Naiilang si nurse Yen na kausap ang papa ni Melody. Kahit noon na highschool pa sila ay hindi n'ya ito masyadong nakakausap.

Nakaka-intimidate kasi.

"I see. Nakaka-proud sigurong maging magulang mo." Biglang nagbago ang atmosphere sa loob ng clinic. Mapapansin ang pag-aalala sa muka ni nurse Yen.
"Well, iba-iba naman ang mga ana----"


"Jeff." Mahinang tawag ni Rica sa asawa.


"Yen, pwede mo ba akong ibili ng pagkain? Para kasi akong nagutom."


"O-oo naman. Sige." Lumabas na agad si nurse Yen pagkasabi n'un ni Melody.


"Pa, ba't ka nandito?" Malamig na tanong ni Melody sa ama.

"I heard nahimatay ka daw? I'm still your father. Well, I think your okay now? I must go. May lakad pa kami ni Sheila." Tila nang-gigil si Melody ng banggitin ng kanyang ama ang pangalan ng kinakasama nito ngayon.

"Wala ka na ba talagang kahihiyan? Nagpunta ka dito para ipamukha na masaya ka sa bago mong asawa? Alam mo, sana hindi ka na lang pumunta dito e. Baka ikaw pa ang makapatay sa akin." Galit na sumbat nito sa ama.

Napahinto naman ang ama dahil sa sinabi ng anak nito.

"O-okay! Hindi na'ko magpapakita sa'yo. Yun naman ang gusto mo at gusto ko diba? Papadalhan ko na lang kayo ng pera. S-sige na, aalis na'ko." Tumalikod na si Jeff at lumabas na ng clinic.

Lumunok si Melody para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha.

Hindi dapat iniiyakan ang mga walang kwentang tao.


END

Heal My Heart #Watty's2016Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu