CHAPTER SEVEN

54 12 16
                                    


#7

[Calvin]

Pakanta-kanta akong pumasok sa school. Minsan ay sumisipol din. Hindi naman halata na good mood ako diba? Hehe.

Nakaisip na kasi ako ng pwedeng ibayad ni Melody sa akin. Hindi ko nakasabay sila Raf at Ashley. Medyo tinanghali kasi ako ng gising kaya pinauna ko na lang sila. Saka kailangan din kasi nilang maaga pumasok dahil may practice sila ng basketball. Malapit na kasi ang inter-high at ngayon ang mga panahon na puspusan ang practice ng mga varsity.


Ngayon din ang panahon na lagi akong mag-isa. Minsan hinihintay ko sila kapag maaga silang umuuwi. Minsan naman maaga akong gigising para lang makasabay sila. Kaya lang, madalang lang 'yon. Hindi kasi ako morning guy. Katulad ngayon, naiwan ako.

Sigh.

Next time talaga pipilitin ko nang gumising ng maaga. Kahit naman kasi na lagi kaming magkakasama, may oras din na nami-miss ko sila.

Nakangiti akong pumasok ng room. Halos nand'un na lahat ng ka-klase ko. Mukhang ako na lang ata ang wala. Except kila Ash at Raf. Kapag kasi practice, excempted sila sa lahat ng klase.

"Mag-isa ka na ngayon Calvin! Haha." Biro sa akin ni Marius. Nagtawanan ang mga ka-klase ko dahil sa sinabi n'ya.

"Magtry-out ka na kasi para excempted ka din sa klase."

Umiling ako saka tinapal ang palad ko sa mukha nila.

"Ayoko ng stress at ayoko din mapagod. Saka hindi naman ako athletic!" Umupo na'ko sa pwesto ko. Nilibot ko ang classroom. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko makita si Melody. Kinalabit ko si Thea. 'Yung class president namin.

"Wala pa si Melody?" Tanong ko sa kanya. Medyo parang nagtaka naman 'yung itsura n'ya.

"Melody? Yung transfer ba?" Taka n'yang tanong. Tumango naman ako.

"Nandito 'yun kanina e. Ewan ko lang kung sa'n nagpunta. Hanapin mo nga, malapit nang dumating si Sir Donato. Ako mapapagalitan kapag na late 'yun." Mataray n'yang utos. Sumimangot ako na hindi n'ya nakikita. Akala mo kung sino makautos e. Kung hindi ko lang talaga hinahanap si Melody hindi ko s'ya susundin.

Tumayo na ako at lumabas ng room. Ok. Saan ko s'ya hahanapin? At bakit ba s'ya lumabas? Masungit kasi si Sir Donato. Ang pinaka-ayaw n'ya ay ang nale-late. Mas mabuting 'wag ka na lang pumasok kung late din naman. Papaalisin din naman kasi ni Sir. Nakakaabala daw kasi sa klase ang mga late.

Nagikot ako sa buong hallway. Pumunta din ako sa garden dahil kadalasan d'un pumupunta ang mga gustong magpahangin o ang mga walang kasama katulad ni Melody. Pumasok din ako ng library pero wala din s'ya d'un.

Nagisip ako ng mga lugar na pwedeng puntahan ng transfer student na kagaya ni Melody. Kaya lang wala akong maisip e!

Nang pabalik na'ko sa room ay isang kwarto ang nahagip ng aking mata. Napangisi ako dahil dito.

Bakit nga ba hindi ko naisip ang lugar na ito? Sa lahat ng pinuntahan ko ito lang ang tanging lugar na maaari n'yang puntahan.

Ang clinic.

Naglakad ako papunta dito. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahang binukas ang pinto. N'ung una ay wala akong nakita na kahit ano. Pero nang tuluyan na'kong nakapasok ay nakita ko s'ya na nakahiga sa isa sa mga kama doon. Nakatutok ang mga paningin n'ya sa puting kisame. Hindi n'ya nga napansin ang pagpasok ko dahil sa kisame lang s'ya naka-focus.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang titigan ko s'ya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang itong nagalburoto.

From that time hindi ko alam na sa pagbilis ng tibok ng puso ko, marami ang magbabago. Sa sarili ko at sa nararamdaman ko.

"Ba't ka nandito?" Tila bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang nagyeyelong boses ni Melody.

Napalunok ako bigla.

"A, e ano kasi...." tinitigan ko s'ya. Hinihintay n'ya kung ano 'yung susunod kong sasabihin.

"M-masakit kasi 'yung ulo ko! Hehe. Nandyan ba si.... nurse Yen?" Luminga-linga pa ako kunwari habang hawak 'yung sentido ko.

"Wala." Matipid na sagot ni Melody. Tumango na lang ako.

"Pero may gamot d'yan sa table n'ya. Uminom ka bago lumala ang sakit ng ulo mo." Pagkasabi n'un ay tumalikod s'ya sa akin at nagtalukbong ng kumot.

Ayan na naman ang puso kong nagwawala. Ano ba 'ko bading?!

Sinunod ko 'yung sinabi n'ya kahit hindi naman talaga masakit ang ulo ko. Pagkatapos kong uminom kunwari ay lumapit ako sa gilid ng kama na hinihigaan n'ya. Kinuha ko 'yung swivel chair ni nurse Yen at umupo doon.

"Ikaw? Ba't ka nandito? May masakit ba sa'yo?" Wala akong natanggap na sagot sa kanya.


"Oo e. Masakit din kasi 'yung ulo ko." Ako ang sumagot. Ginaya ko 'yung boses n'ya pero hindi ko nakuha. Ang hirap kayang magboses babae. Nagulat ako ng bigla s'yang humarap sa akin.

"Ahm... joke lang." Awkward akong ngumiti sa kanya. Hindi s'ya kumibo. Tumayo lang s'ya saka tumingin sa akin.

"Your presence... it's not good to my heart." Pagkasabi n'un ay bumangon s'ya mula sa kama at lumabas ng clinic. Naiwan akong nagtataka sa sinabi n'ya.

Anong ibig n'yang sabihin? Ba't kasi english pa e!



End

Nahirapan akong magsulat na POV ng lalaki. Pakicomment naman po kung ano tingin n'yo.



→Love❤Technician💒
Miss J.

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: Sep 01, 2016 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

Heal My Heart #Watty's2016जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें