CHAPTER SIX

63 20 18
                                    

…………………………………………………………………………………………

#6

Pagkatapos ng last period namin ay nilapitan at kinausap ko kaagad sila Raf at Ashley.




"Oy, samahan n'yo nga ako sa clinic." Bungad Ko.





"Hmm? Bakit may sakit ka? Umuwi ka na lang dapat." Suggest ni Raf.




"Hindi. May titignan lang ako."





"Sino? Melody? Bakit, Close ba kayo n'un?" Tila nagtataka namang tanong ni Ashley.





"Ate Melody dapat! Mas matanda kaya sa atin 'yun." Pagtatama ni Raf.





"Okay." Sagot na lang ni Ashley. Tumingin s'ya sa akin na parang hinihintay ang sagot ko sa tanong n'ya kanina.




"Ahmm... ano kasi, sabi ni nurse Uen pumunta daw ako d'un kapag uwian na natin. Hehe." Pagsisinungaling ko.



Hindi naman na sila nagtanong pa at sumama na din. Buti na lang hindi sila masyadong matanong.

Minsan nga lang.


Pagkadating namin sa clinic ay nadatnan namin si Melody na gising at nagaayos na para siguro umuwi. Napansin ko ang may edad na babae sa tabi ni nurse Yen. Ito siguro 'yung mama ni Melody.




"Oh, buti nandito kayo." Sabi ni nurse Yen ng makita kami. humarap s'ya d'un sa nanay ni Melody.
"Tita, sila po 'yung nagdala kay Melody dito. Sila po 'yung nakakita sa kanya." Biglang tumingin sa amin 'yung nanay Melody. Lumapit s'ya sa amin.


"Salamat sa inyo ha." Saad nito na parang naluluha-luha pa.


"Ah, hindi naman po ako ang nakakita. Si Ashley po, ako lang po nagbuhat." Hinila ko si Ashley palapit sa akin para makaharap 'yung nanay ni Melody.


"Iha, maraming salamat sa ginawa mo. Ano bang pwede kong gawin para makabawi sa inyo?"

"Naku! Hindi na po. Kahit naman po siguro sinong makakita gagawin 'yun. Nagkataon lang po na ako." Huminga ng maluwag 'yung nanay ni Melody.

"Medyo O.P. ako ah." Pabirong bulong sa'kin ni Raf. Wala nga pala s'ya kanina n'ung hinimatay si Melody.

"Ma... tara na." Napalingon kami kay Melody. Nakatingin lang s'ya ng diretso sa amin at walang mababakas na kahit anong emosyon.

Ayan na naman ang mga mata n'yang walang buhay. Mga matang nagpapakita ng walang pakealam sa paligid.

"Anak, okay ka naba? Gusto mong dumaan muna tayo sa hospital?" Nag-aalalang tanong ng nanay n'ya.

Hindi s'ya pinansin ni Melody. Lumapit s'ya sa amin at huminto sa harapan ko.


"Babayaran kita, wag kang mag-alala." Pagkasabi n'un ay nilagpasan na n'ya kami at nauna ng lumabas. Ngumiti muna sa amin ang nanay n'ya bago lumabas at sinundan ang anak.


"Babayaran? Umutang s'ya sa'yo?" Takang tanong ni Raf.Umiling ako.


"Akala n'ya siguro utang 'yun." Sabi ko na lang. Parang lalo namang naguluhan si Raf sa sinagot ko.


Heal My Heart #Watty's2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon