Kabanata 2

7.6K 213 1
                                    

Fired

~•~

Isang buwan na ang nakalipas. Magaling na rin ang mga galos niya sa katawan. Ngunit ang sakit na nadarama niya, tila hindi mawawala.

Nagtirik siya ng kandila sa dalawang nitso sa tapat niya.

"Tay, Nay, sana... masaya kayo kung nasaan man kayo ngayon. Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para kay Bernardo." Natatawa siya dahil kung naririnig lang siya ng kapatid ngayon, tiyak na maghihimutok na naman ito.

"Ben pala... basta, gagawin ko ang lahat. Siya na lang kasi ang natitira kong pamilya."

She let out a sigh. "Ang daya niyo naman, Nay. Iniwan niyo kami agad." Pinunas niya ang luhang tumulo sa kaniyang pisngi.

"Pero kung 'yun talaga ang gusto Niya, tatanggapin ko. Sino ba naman ako para kwestyunin ang desisyon Niya. I know we'll get through this, Nay, sana po gabayan niyo kami ni Ben."

She wiped her wet cheeks with her hankie.

Pagkagaling sa sementeryo ay dumiretso siya sa ospital kung saan naka-confine ang kapatid. Pinalipat niya ito mula Quezon hanggang Manila para lang mabantayan niya. Isang buwan na ang lumipas mula nang maaksidente ang pamilya niya. Isang buwan na ring coma ang kapatid niya.

Ang sakit isipin na sa isang iglap lang, mawawala ang masayang pamilya niya. Nagkapatong-patong ang problema niya. Kailangan niya ng pambayad sa ospital para sa kwarto ng kapatid at iba pa. Kailangan niya rin ng pang-upa sa bahay nila, pambayad sa tubig at kuryente.

Hindi niya na dinemanda ang driver ng truck na nakabangga sa kanila. Sinagot na rin nito ang libing ng kaniyang mga magulang at bills sa ospital. 'Yun nga lang, hindi na doon kasali ang pagpapagamot kay Ben nang sinabi ng doktor na stable na ito at hinihintay na lamang magising mula sa coma.

Kung dati, magkakatulong sila ng magulang niya, ngayon mag-isa niya na lang papasanin ang lahat.

Isang oras siya sa ospital at umuwi na para maghanda. May trabaho pa kasi siya bukas.

***

"Today's the arrival of our new President." anunsiyo ni Geraldine sa lahat ng empleyado ng Frelize.

Nabili kasi ang kumpanya ng isang Business Tycoon na hindi pa nila pinapangalanan. Nagtataka man sila kung paano nabili ang isang prestihiyosong kumpanya gaya ng Frelize, ang tanging naisagot sa kanila ng dating presidente, I'm growing old.

Halata ang pagkadismaya sa mukha ng mga empleyado ng Frelize. Mabait kasi ang dating Boss nila. Mr. Holler was such a generous and bighearted man. Matanda na ito at walang tagapagmana kaya ipinagbili niya na lang ang kumpanya.

"Nakakamiss." sabi ni Georgie na sapat lang para marining ni Geraldine.

"Don't worry guys, sabi naman ni Mr. Holler, ipinagbili niya ang kumpanya sa mabuting kamay. To someone who deserves the company and its employees."

May lumapit na lalaki kay Geraldine at may ibinulong dito. Pagkatapos ay umalis din ito.

Bumaling si Geraldine sa mga katrabaho, "Mr. Goreth, informed that the new President will arrive at noon. That's all. We still have an hour to prepare." Geraldine clapped her hands three times to dismiss her co-workers.

Lumabas na ang lahat sa function hall ng building. Maliban kay Patty. Nababahala siya sa kaniyang trabaho. Siya ang secretary ng dating Boss. Ngayong may bago ng Boss, malamang ay papalitan siya nito.

Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho! Dito lang siya kumukuha ng panggastos at pangbayad sa ospital.

At exactly 11:55, they were gathered at the large function hall of the building.

Dumating ang nasabing presidente at nagulat ang lahat nang makitang babae pala ito.

Mukha itong mataray at sopistikada. Nanliliit na tinignan ni Patty ang sarili, isang plain white long sleeve for women at balck pencil skirt ang suot niya. She's an epitome of Plain Jane.

"Meet our new President, Ms. Veronica Vasquez."

Nagpalakpakan ang lahat sa bagong presidente. Veronica looked around with disdain.

Ang arte. Bulong ng karamihan sa kanilang isipan. Mukhang mataray at mapangmata si Veronica- na totoo naman.

Veronica gave a brief speech.

Pati ang pagsasalita, ang arte. Sa isip ni Patty.

Nang matapos ito, Veronica immediately dismissed all of them.

"I demand the presence of Mr. Holler's secretary." pagkatapos ay tumalikod ito at tumungo sa opisina ng CEO.

Sumunod si Patty at pumasok din sa opisina. Naabutan niya si Veronica na nakatayo sa gitna at sinusuri ang buong silid.

She cleared her throat, napatingin naman sa kaniya si Veronica. Nagtaas ito ng kilay.

"Good day ma'am, I'm Fatima Trinidad, Mr. Holler's secretary."

Tumango ito at may iniabot na manila envelope. Nanlamig ang mga kamay niya nang mapagtanto kung ano iyon. Isa iyong pay envelope!

"Ma'am, you could at least check my credentials. I really need this job, ma'am." she pled.

But Veronica remained her stoic demeanor.

"I already have a secretary. I don't need another one. Just take this and leave."

Nilampasan siya ni Veronica, mabilis niyang hinawakan ang braso nito. Humarap ito at tinabig ang kamay niya. Nasa mukha nito ang pandidiri.

"Don't touch me! Pathetic loser." May kinuha itong spray sa shoulder bag nito at inispray sa parteng nahawakan niya.

She really wanted to strangle this girl's neck right now.

"Ma'am please hear me out fi-"

"Get out! Guards!!!"

Wala na siyang nagawa kundi ang umalis sa opisina nito na bagsak ang balikat.

What am I gonna do now?



x

Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon