Kabanata 10

6.5K 171 14
                                    

Contract

~•~

Nagising si Fatima dahil sa nanunuyong lalamunan. Sinipat niya ang orasan sa tapat niya at nakitang alas tres y media pa lang ng madaling araw.

Tinatamad ako. Ano ba 'yan.

She groaned as she climbed out of her comfy matress. Humihikab pa siyang bumaba sa hagdan sabay kamot sa tagiliran.

Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa kusina. Napatalon siya sa gulat nang may kumalabog sa dirty kitchen. Napatingin siya sa nakapinid na pinto papunta roon.

The mansion is only dim litten at night.

She grabbed a hard thing nearest her, a spatula. Napatingin siya doon.

This can do.

With shaking hands, she turned the knob and pushed the door open. Darkness welcomed her. With squinted eyes, she scanned the place.

Wala namang kung ano- ANO IYON?!

Nanlaki ang nga mata niya at malakas na napasinghap nang may mabanggang kung ano sa paa niya. Agad niyang tinakpan ang nakangangang bibig.

She lowered down her gaze only to be startled by a man's figure lying on the tiled floor. Nabitawan niya ang hawak kaya tumama ito sa mukha ng lalaki.

Omo!

The man groaned. Napakunot ang noo niya.

He's quite familiar. She kneeled down and checked the man's contour.

Strong jaw line, sharp snout, and thin, luscious lips.

Heavens! Get a grip, Fatima!

Isa lang naman ang kilala niyang may ganoon ka-perpektong anyo, her pesky Master, Scott.

"What the hell are you doing here, Master?" she asked sarcastically as if he can hear her.

Naisip niyang magpatulong sa lalaking katulong sa mansyon pero nahihiya siyang istorbohin ang nga ito sa mahimbing na tulog. Besides, it's her duty to attend to Scott.

Napabuntong hininga na lamang siya bago kunin ang braso ng Master niya.

"Uy, umupo ka muna."

Pinaupo niya ito at pinasandal sa range. Nanatiling nakapikit ang mga mata nito. Maaamoy rin ang alak sa kaniya.

Tsk. Tsk. Iinom inom tapos hindi naman pala kaya.

Lahat ng lakas niya ay inipon niya sa pagbuhat sa napakalaking mama sa kaniyang braso. She wrapped his arm around her neck and with all her force, waded out of the kitchen. And the man who's putting all his weight on her wasn't helping.

It took them ten minutes before reaching the staircase.

"Ang bigat mo. Grabe." reklamo niya na parang maririnig iyon ng lalaki.

Pinaupo niya muna ito sa unang baitang ng hagdan para magpahinga. She's panting while resting her hands on her knees. She stared long enough to notice a small cut on his left cheek where the spatula landed earlier.

Tinapik niya nang mahina ang pisngi nito, iyong walang sugat.

"Huy! Gising!" she hissed. Kapagkuwan ay napakamot. "Ayaw gumising. Baka kailangan Ingles para maintindihan." She giggled at her silliness.

Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon